At dahil may pagkasensitibo ang post na ito, we'll blog about this in Tagalog. If you're an English speaking/reading visitor, please, our apologies, make use of the Google Translate option, then.
I saw this tag in Facebook with most of our friends in Khobar posting this in their walls. I also receive an email from my friend in Riyadh with this attachment. So for the good of the public, we would like to post it here.
Ito ang most common, or latest modus-operandi ng mga katutubong nog-nog dito.
Read on:
Use the ZOOM IN button, to enlarge the font, or OPEN in a NEW WINDOW by clicking the last Icon below
Here is the complete quote in case you can't read the page above.
_____________________________________________
"BABALA SA ATING MGA KABABAYAN!!!
Isa po sa aming kasamahan ay na hold‐up kahapon , Friday, Aug. 6, 2010 mga bandang 6:00pm, sa Al‐Khobar area (near fish market) Ito po ang kanyang salaysay:
Naglalakad po sya along 6th St. galing sa fish market pa‐uwi sa kanilang bahay na nasa Prince Bader St. between 6th & 7th St. ng lapitan sya ng isang maitim at malaking arabo (bado) at pagbintangan ang aming kasamahan na sya daw ang nakapulot nung nalaglag na pera ng arabo (bado).
Sa kanilang pag‐uusap, pinagbintangan po ng arabo (bado) ang aming kasahan na sya ang nakapulot ng
nalaglag na pera at inilagay pa daw ng aming kasamahan sa kanyang bulsa. Hanggang sa na‐uwi na po sa pagtatalo ang usapan.
Kasunod po noon ay may isang sasakyan na humarang at huminto sa kanilang harapan at nagpakilalang pulis, agad na bumaba nagpakilalang pulis at nagpatunay sa arabo (bado) na ang aming kasamahan nga ang naka pulot ng pera at inilagay sa kanyang wallet (ito po siguro ang paraan ng mga arabo upang sya ay takutin at upang maipakita nya ang laman ng kanyang wallet).
Sa puntong ito ang kinabahan na ang aming kasamahan at wala na syang magawa kundi ipakita na ang kanyang wallet upang patunayan na wala ang perang hinahanap ng mga arabo (ang hinahanap pong pera ng mga arabo ay nagkakahalaga ng SR10,000.00, ngunit ang laman po ng kanyang wallet ay SR700.00 lang).
Nang ipinakita po ng aming kasamahan ang kanyang wallet upang patunayan na wala sa kanya ang hinahanap na pera ay agad itong inagaw sa kanya ng arabo (bado), kasabay noon ay sapilitang ipinalabas ng nagpakilalang pulis ang kanyang cellfone at idinahilan ng pulis na tatawagan nya ang aming kumpanya upang ipaalam na hindi sya makakapasok kinabukasan (Saturday) dahil isasaama nila sa Police Station upang ikulong.
At dala na po siguro ng takot, napilitan na din po ang aming kasamahan na ibigay ang kanyang cellfone, sa puntong ito po ay sabay ng pumasok ang mga aarabo sa kanilang sasakyan dala ang kanyang wallet at cellfone, wala na pong nagawa ang aming kasamahan hanggang sa umalis na ang mga arabo.
Makalipas ang ilang segundo at mga ilang metro pa lang ang natatakbo ng naturang sasakyan; napansin po ng aming kasamahan na ibinato po sa labas ng bintana and kanyang wallet, at ng ito po ay kanyang suriin, napag‐ alaman nya na nakuha na ng mga arabo ang kanyang pera (SR700), blackberry na cellfone at ang kanyang SHB
Credit Card nya. Sa kabutihang palad po ay nakuha pa nya ang kanyang Iqama, Saudi Aramco ID at ibang mahahalagang laman ng kanyang wallet.
Sa madaling salita po, isang modus din ng mga arabo yan s al khobar area sa mga panahong ito.
PALALA PONG MULI; MAGING MAINGAT PO SANA TAYO SA PAGLALAKAD SA AL KHOBAR AREA, MARAMI NA PONG MASASAMANG ELEMENTO ANG NAGLIPANA SA MGA PANAHONG ITO. IPAKALAT PO NATIN ITO SA LAHAT NG MGA KABABAYANG PILIPINO DITO SA AL‐KHOBAR AT SA IBANG LUGAR NG SAUDI ARABIA.
MARAMING SALAMAT PO"
_________________________________
Ingat po mga Kabayan!
©2010 THOUGHTSKOTO
8 comments:
Unang-una ito ay hindi funny at lalong hindi cool kaya mas malapit-lapit sa interesting. :-)
Itong modus na ito ay laganap dito sa jeddah at ako ay nakaranas na rin ng ganito. ibang style naman. ako naman sumakay sa isang kolurum na kotse na nangunguha ng pasajero pero riyalin lang ang singil. dahil medio madalang ang bus that time. dun nag-umpisa ang drama, yung katabi ko na sudan sa likod inaabot nya ang wallet ng isa ding maitim na pasajero sa unahan dahil umaapaw sa thobe nya. nang majuha na nya sabi sakin wag daw ako maingay at paghatian namin ang medio makapal nga na laman ng wallet. yun na at biglang naghysterical ang itim sa unahan at pinagbibintangan kami. una ako daw, ilabas ko wallet ko at hinalungkat nga eh ang pera ko 50sr lang biglang binato sakin pabalik at pinababa ako bigla, yun pala magkasabwat lahat sila at ayaw ng 50riyal maliit daw. kaya di na ako nasakay ng mga riyalin na kotse. meron din yan dito noong 2005 sa sobrang tipid ni kabayan magtaxi ang nawala sa kanya ay 7tawsan riyal pupunta sana ng balad at magdeposit yun naholdap ganun din style sakin.
Kaya gustuhin ko mang lumipat ng ibang bansa ay di ko magawa dahil sa iba't ibang kwento na naririnig ko...
mas ok pa rin talaga dito sa Palau simpleng-simple at wlang masyadong krimen
at ung latest post ko ay may link sa baba ng mga comments mo :D
kahit dito kuya...mataas na din ang crime rate. Kaya lang, hindi nila inilalabas sa news dahil kine-claim nila na safe dito....
Ingat ingat na lang po :)
may mga ganyang cases din dito sa jubail, pero very isolated naman..
ingat din ako, lumalabas ako mag isa pero di ako basta sumasakay sa taxi esp yung mga 2 riyals 2 riyals lang... may contacts akong taxi at i make sure na available sila sumundo at maghatid pabalik..
ingats lagi parekoy!
Dito naman sa Riyadh, prevalent ang "snatching". Lalo na pag katapusan ng buwan at malapit sa mga padalahan ng pera at sa pamilihang pinupuntahan ng pinoy.
Merong "official memo" ang kapulisan dito na huwag ibigay ang iyong iqama sa pulis kahit naka uniporme basta walang "official police car".
Hi Nelson, sorry to hear na naexperience mo rin yan. I heard about that first hand sa mga kaibigan ko na nakaranas mismo ng ganyan sa Al Khobar. Yes, wag sa mga kolorum na taxi. Spend 10SR rather than 2 Riyal pero di ka naman safe.
@ Lord CM: Be grateful at di ganun kadelikado sa inyo dyan. Mag-ingat pa din.
@ Jen, magingat kau dyan, pahirapan na daw ang buhay sa Dubai now. Please tell also Jeymz, ingat!
@Indecent, thanks for dropping by, and thnks for your very good post. Congrats for reaching a hundred posts! Andiyan ang kapatid ko sa Jubail! hehe
Good dispatch and this mail helped me alot in my college assignement. Say thank you you seeking your information.
Post a Comment