October 2001, nasa MRT ako, kagagaling ko lang sa pressure na trabaho, maraming phone calls, maraming projects, maraming worries. Galing ako ng North Edsa station papuntang Taft Pasay, and from there take the LRT to Pedro Gil para imemeet ang may-ari ng company namin na noon ay nakacheck in Midtown Hotel, near Robinson's Ermita.
Magulo ang isip ko, mainit pala, dati na magulo. hehe. Hawak hawak ko ang Philippine Daily Inquirer gawa ng pagsunod sa news about sa 9-11 na nangyari sa America. Nakaupo ako't nakapikit ang mata at nagrelax ng huminto ang train sa Boni station. Biglang napuno ang area kung saan ako nakaupo, may isang nanay at tatlong mga anak ages between 7, 5, 3 na pumasok at dahil likas na gentleman, sa dami ng mga gentle dog sa loob ng station na nakamake-up at nakapowder pa ang mga mukha at gagala sa greenbelt at ayala, ako'y tumayo at pinapaupo ang mag-ina.
Ang mga bata ay makukulit, maiingay at sa sikip ng MRT ay nakuha pang maglaro, maghabulan, at magsisisigaw. Ang nakapgtataka ang ina ay tila walang pakialam. Di ba niya naririnig na ang mga bata ay maiingay? Di ba siya nahihiya sa inaasta ng kanyang mga anak? Nanay ko po, nakakabulahaw ang tili, iyakan at sigawan, at nakakawala sa matinong pag-iisip ang habulan, at muntik pa akong masundot ng lalaking panganay. Gusto kong pasimpleng pingutin or pinch sa kamay yung pangalawa na walang pakialam nakatayo ako sa tapat ng kanyang nanay habang sia ay punta dito't balik sa nanay niya ng walang pakialam.
Di ako nakapagpigil, sinabihan ko ang nanay.
"Ale, yung mga anak niyo po, ang iingay, nakakabulahaw po sa mga pasahero, pwede po bang patahimikin niyo?"
Parang walang narinig ang nanay, nakatingin sa malayo, at parang walang pakialam. Kaya inulit ko ng medyo malakas sa gitna ng maraming pasahero.
"Ah, Ate, yung mga anak niyo po, sobrang ingay at makulit, pwede po bang sawayin niyo?"
Sagot ng nanay na biglang gulat at napatingin saken, at dun ko lang napansin ang namumugto niyang mga mata.
"Ha? Mama, pagpasensiyahan niyo na po, kagagaling lang namin ng Polymedic Hospital, at kamamatay lang po ng kanilang ama. (Humahagulgol na ng iyak ang nanay, ako naman parang binuhusan ng nagyeyelong tubig) Di ko alam ang gagawin, at di ko alam paano ko sasabihin sa kanila"
Di ko alam ang nangyari saken during that time pero bigla akong nanlamig. Naawa sa nanay, nahiya sa aking sarili, at nakalearn ng isang napakahalagang lesson.
Be sensitive towards others feelings.
Sometimes in our lives we are focused on what we want and what will comfort us, without regard or without thinking about others. Naiingayan ako, and Im sure yung ibang pasahero din pero ako lang naglaks ng loob magsabi dahil seguro ako lang ang hindi naging sensitive na ang nanay pala ay nagdadalamhati.
Nakakahiya.
Bago ako bumaba ng Taft Avenue, nalaman ko na ang nanay ay taga Cavite, ang asawa ay nagkasakit ng cancer sa brain, at nagtratrabaho sa may Manggahan sa Gen Trias.
Nag-abot ako ng isandaan bilang abuloy.
©2009 THOUGHTSKOTO
6 comments:
meron talagang time na may namee-meet tayo out of nowhere... mula sa mga taong nakakasalamuha natin sa ordinaryong buhay natin na kung minsan ay nakakapagpabago ng buhay antin.. ng ating pananaw..paniniwala... nasa atin na yun kung pato ito tanggapin and on how we will embrace it..
halos sabay akong nagbabasa ng post niyo ni pogi, at natatawa ako, pero marami rin akong natutunan sa bawat isa sa inyo,
ask ko lang, ang name ng pet mo Princess Danaya or Dayana? hehehe.
Saan ka now? magupdate ka ha, if nasa pinas ka na or nandyan ka pa rin sa dubai.
salamat sa komento sa blogpost ko today. may allergies si babytots eh, kaya nabusy ako pag-aalaga.
Ang ganda nga, at napakahalagang aral ang aking nakuha rito sa iyong kwento Mr. Thoughtskoto. o",)
-----
Maraming salamat nga po pala sa mga salita at kaisipang (thoughts?) inyong iniwan doon sa 'Manukan'. Napakalaking tulong po nu'n sa magmamanok. U
Nagpapabago talaga ng perception natin sa bagay kapag nalaman natin ang tunay n kuwento sa bawat pangyayari.
Paradigm shift b ang tawag dun? I read it somewhere in Covey's 7 Habits.
"sa kwento ng iba, maraming aral kang makukuha."
kumusta na ang allergies ni baby?
sana di na sya naiinis at kinakati :( kakairita pa naman un...
kambal ata ni diego yan a...lolz..
binoto kita dre...
Post a Comment