Send money to the Philippines Online!

Send money to the Philippines Online!
Remit.com.au makes sending funds to friends and family in the Philippines as easy

Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for overseas Filipino workers, health and insurances, OWWA, PAG-IBIG, bank and cash loans, foreclosed properties, small house designs, local and overseas job listings.
Advertisement

Thursday, February 19, 2009

Life Changing Moments


October 2001, nasa MRT ako, kagagaling ko lang sa pressure na trabaho, maraming phone calls, maraming projects, maraming worries. Galing ako ng North Edsa station papuntang Taft Pasay, and from there take the LRT to Pedro Gil para imemeet ang may-ari ng company namin na noon ay nakacheck in Midtown Hotel, near Robinson's Ermita.

Magulo ang isip ko, mainit pala, dati na magulo. hehe. Hawak hawak ko ang Philippine Daily Inquirer gawa ng pagsunod sa news about sa 9-11 na nangyari sa America. Nakaupo ako't nakapikit ang mata at nagrelax ng huminto ang train sa Boni station. Biglang napuno ang area kung saan ako nakaupo, may isang nanay at tatlong mga anak ages between 7, 5, 3 na pumasok at dahil likas na gentleman, sa dami ng mga gentle dog sa loob ng station na nakamake-up at nakapowder pa ang mga mukha at gagala sa greenbelt at ayala, ako'y tumayo at pinapaupo ang mag-ina. 

Ang mga bata ay makukulit, maiingay at sa sikip ng MRT ay nakuha pang maglaro, maghabulan, at magsisisigaw. Ang nakapgtataka ang ina ay tila walang pakialam. Di ba niya naririnig na ang mga bata ay maiingay? Di ba siya nahihiya sa inaasta ng kanyang mga anak? Nanay ko po, nakakabulahaw ang tili, iyakan at sigawan, at nakakawala sa matinong pag-iisip ang habulan, at muntik pa akong masundot ng lalaking panganay. Gusto kong pasimpleng pingutin or pinch sa kamay yung pangalawa na walang pakialam nakatayo ako sa tapat ng kanyang nanay habang sia ay punta dito't balik sa nanay niya ng walang pakialam. 

Di ako nakapagpigil, sinabihan ko ang nanay. 

"Ale, yung mga anak niyo po, ang iingay, nakakabulahaw po sa mga pasahero, pwede po bang patahimikin niyo?"

Parang walang narinig ang nanay, nakatingin sa malayo, at parang walang pakialam. Kaya inulit ko ng medyo malakas sa gitna ng maraming pasahero.

"Ah, Ate, yung mga anak niyo po, sobrang ingay at makulit, pwede po bang sawayin niyo?"

Sagot ng nanay na biglang gulat at napatingin saken, at dun ko lang napansin ang namumugto niyang mga mata.

"Ha? Mama, pagpasensiyahan niyo na po, kagagaling lang namin ng Polymedic Hospital, at kamamatay lang po ng kanilang ama. (Humahagulgol na ng iyak ang nanay, ako naman parang binuhusan ng nagyeyelong tubig) Di ko alam ang gagawin, at di ko alam paano ko sasabihin sa kanila"

Di ko alam ang nangyari saken during that time pero bigla akong nanlamig. Naawa sa nanay, nahiya sa aking sarili, at nakalearn ng isang napakahalagang lesson. 

Be sensitive towards others feelings.

Sometimes in our lives we are focused on what we want and what will comfort us, without regard or without thinking about others. Naiingayan ako, and Im sure yung ibang pasahero din pero ako lang naglaks ng loob magsabi dahil seguro ako lang ang hindi naging sensitive na ang nanay pala ay nagdadalamhati.

Nakakahiya.

Bago ako bumaba ng Taft Avenue, nalaman ko na ang nanay ay taga Cavite, ang asawa ay nagkasakit ng cancer sa brain, at nagtratrabaho sa may Manggahan sa Gen Trias. 

Nag-abot ako ng isandaan bilang abuloy.

©2009 THOUGHTSKOTO