Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, January 22, 2009

My Attempt na Magblog in EnTa Lengua "Ang Global Crisis"

EnTa - English Tagalog, a combination of Barok English and may pagkabisayang Tagalog.


I am always amused with OFW and Expats Pinoy who make a blog post in Tagalog. It's funny, witty, and yes, it strucks the heart. So now, I am going to attempt to post in English mix mix Tagalog. It's my thoughts anyway, and there are times because of the limited grammar and
 English knowledge ng inyong abang lingkod (naks) ayan na pasimple simple lang, is not conveyed very well kasi nga limited lang. haha Hirap kaya magkukotkot ng kokote kung wala kang makukot, kaya minsan nangangapa ng simpleng English words.

Anyway, I want my blog na maging masaya naman, as well as the readers and visitors that will come. 

Kaninang morning, I was surfing the Thoughtsmoto Kabayan Blogs, ang ganda kasi nito, syempre kasi itong Thoughtskoto and mga Thoughts mo, Thoughts niya, and Thoughts natin lahat pinagsama samang para sa iisang site, mababasa mo na ang snippet or maliit na intro ng mga bagong post ng mga kababayan kahit saang lupalop ng lupa, yelo and mabuhanging disyerto. Kaya naman naisip ko yun kasi nakakapagod magsurf isa isa, kaya kung alin nagustuhan ko, yun na lang muna click ko. Yug iba, gandahan niyo naman title para catchy macliclick ko. Haha

Anyhow (anyway na kasi sa taas, redundant na masyado) sa pagbabasa ko, mukhang iisa ang theme for the day. Kakatakot but true. Lahat apektado ng Global Crisis na nagsimula sa America. Minsan tuloy naisip ko, wala talagang untouchable sa mundo, hangin lang seguro. 

Sa company ko humina muna ang production at walang OT ng ilan buwan kasi nagslow down na din yung Aramco and affiliates nito. A few months back, di mapigil ang pagtaas ng presyo ng langis, ngayon dahil sa over production, bagsak ang presyo, maliban sa pamasahe sa pinakabayan ko.

Read over Gulf Region, mga post ng mga Pinoy tinanggal si ganito, rethrenchment dito, di na nirenew contract ni Kabayan, walang taas ng sahod at increment for this year, naghigpit na sa lahat ng bagay kina Juan, tatlong buwan ng delayed sa sahod sina Pedro, nagsara ng planta kina Jose, nagiisip pa naman ako lumipat ng trabaho magtiyaga na muna tayo.

I was talking to my wife the other night regarding the global crisis and how thankful we are na kahit papaano nakakapagsurvive kami. Then naisip ko ang isang pinakavaluable na lesson in life na minsan I tend to overlook or nafoforget.

Si HF knows everything, and mahal Niya tayo. Alam Niya what we need, and what is right for us. Minsan di natin maintindihan, minsan parang akala natin pinapabayaan Niya tayo. Minsan we feel alone, and fighting our life's struggles and battles alone. Akala lang natin yun, at miminsan lang yun. 

I have live my life and been to a lot, yes, a lot (parang ang tanda ko na). But I am not saying I am better than anybody else. It's just that my challenges and the trials I've been through since I was young helped me become the man I am now. Not the best, not the great, not really rich, not the wisest, but a better man than sa naiisip ko na maging ako if without those challenges.

Just face it. hmmmn, parang Nike, Just do it. 

Just don't compare yourself to others. If you do, truly you will be miserable. 
Live your best to the fullest for who you are, and what you are, and trust HF. 

Ganun kasi ako before, compare ko kakarampot ang sahod ko sa mga kaibigan ko. Tinapa ako kumpara sa tuna nila. Pero natauhan ako. Nasa 30's pa lang ako. Yung mga sumasahod ng ganun kalaki mga kaibigan ko, puti na ang buhok, pero sana di pa pumuputi ang uwak, maayos na ang crisis na ito, may naghihire saken eh doble sa sahod, nahold ako, kasi nga slowdown ang Aramco! Waahhhh :(

This global crisis, naglalaga pa ako, maglaga na muna kayo, kaya tiyaga muna tayo. 

Okay ba post ko? hehe.

4 comments:

mightydacz said...

naks naman!!!ayos naman ang mixed enta lengua blog mo mas nalalasap ang lasa swak na swak sa tema nakuha mo ang tamang templa ipagpatuloy mo sadik.

recession bow!!!kaya natin yan!!!ang mag arabo din nagtitipid napansin ko at kuripot na madalas na humingi ng discount at kaunti na lang mamili d tulad noon.

yes we can!!!

Ken said...

salamat dacz almighty...

I borrowed your Enta Lengua and changed my Title Post, maganda sa tainga eh.

RJ said...

Yes, okay po ang post nyo!

Kasalukuyan nga po akong nanonood ng TV Patrol World, may nagsarang mga pre-need companies sa Philippines dahil sa problemang pang-ekonomiyang ito.

Maglalaga muna, tama. Kaya ako tiyaga muna rito sa manukan. Salamat po sa reminder.

Sa mga listahan nyo ng blogs, gusto ko rin po yun. Sige gagandahan ko talaga ang pamagat next time para mapansin niyo po. o",)

Ken said...

Salamat din RJ. salamat sa pagbisita. ma tanong lang ako, kelangan nu ba chemist dyan sa manukan? hehe

di nga serious?!