Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, May 26, 2020

'Sinira n'yo ang tiwala ng gobyerno!' 134 Barangay Officials, Kinasuhan Dahil sa Anomalya sa SAP Distribution

Sa gitna ng nagaganap na COVID-19 crisis sa bansa, 134 barangay officials ang kinasuhan kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa gitna ng nagaganap na COVID-19 crisis sa bansa, 134 barangay officials ang kinasuhan kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).    Ads    Sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inanunsyo ng ahensya na parami na nang parami ang mga mamamayang lumalapit sa kanila upang ireklamo ang mga barangay official sa kanilang lugar dahil umano sa katiwaliang may kinalaman sa SAP. Ang nasabing tala, nangangahulugan daw ng 320 percent increase sa mga bilang ng barangay officials na humaharap na ngayon ng criminal charges, na 42 lamang ang kabuuan noong Mayo 20.    “Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” dismayadong wika ni DILG Secretary Eduardo M. Año.    'Marami pang kakasuhan'    Aniya, may siyam na kaso pang isasampa ang Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa mga susunod na araw at kasalukuyan din nitong minamadali ang case build-up ng 86 na kaso. Pinasalamatan ng DILG Chief ang PNP-CIDG dahil sa mabilis na aksyon nito sa mga reklamo mula sa publiko.  Ads          Sponsored Links       Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Justice at sa Prosecutor General sa pagbibigay order sa lahat ng provincial at city prosecutors na unahin ang preliminary investigation ng mga kaso laban sa mga barangay official na dawit sa SAP anomalies.    “We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” aniya.    Ilan sa mga kaso    Sa Boac, Marinduque, isang barangay chairman, dalawang barangay kagawad, at SK chairperson ang kinasuhan dahil sa ilegal na pangongolekta ng P50 processing fee mula sa mga SAP beneficiary. May naiulat din na ganitong insidente sa in Binmaley, Pangasinan, kung saan ang kapitan at ang isang tauhan nito ay naireklamo sa pagsingil ng P1,000 mula sa isang residenteng tumanggap ng SAP assistance.    Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients.    Mayroon din mga kinasuhan dahil sa paglalagay ng pangalan ng kani-kanilang mga kamag-anak sa listahan nga SAP beneficiaries kahit hindi naman sila kabilang sa mga "poorest of the poor" at mga nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng lockdown.
Ads


Sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inanunsyo ng ahensya na parami na nang parami ang mga mamamayang lumalapit sa kanila upang ireklamo ang mga barangay official sa kanilang lugar dahil umano sa katiwaliang may kinalaman sa SAP. Ang nasabing tala, nangangahulugan daw ng 320 percent increase sa mga bilang ng barangay officials na humaharap na ngayon ng criminal charges, na 42 lamang ang kabuuan noong Mayo 20.

“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” dismayadong wika ni DILG Secretary Eduardo M. Año.

'Marami pang kakasuhan'

Aniya, may siyam na kaso pang isasampa ang Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa mga susunod na araw at kasalukuyan din nitong minamadali ang case build-up ng 86 na kaso. Pinasalamatan ng DILG Chief ang PNP-CIDG dahil sa mabilis na aksyon nito sa mga reklamo mula sa publiko.
Ads


Sponsored Links



Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Justice at sa Prosecutor General sa pagbibigay order sa lahat ng provincial at city prosecutors na unahin ang preliminary investigation ng mga kaso laban sa mga barangay official na dawit sa SAP anomalies.

“We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” aniya.

Ilan sa mga kaso

Sa Boac, Marinduque, isang barangay chairman, dalawang barangay kagawad, at SK chairperson ang kinasuhan dahil sa ilegal na pangongolekta ng P50 processing fee mula sa mga SAP beneficiary. May naiulat din na ganitong insidente sa in Binmaley, Pangasinan, kung saan ang kapitan at ang isang tauhan nito ay naireklamo sa pagsingil ng P1,000 mula sa isang residenteng tumanggap ng SAP assistance.

Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients.

Mayroon din mga kinasuhan dahil sa paglalagay ng pangalan ng kani-kanilang mga kamag-anak sa listahan nga SAP beneficiaries kahit hindi naman sila kabilang sa mga "poorest of the poor" at mga nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng lockdown.

Sponsored Links
©2020 THOUGHTSKOTO

13 comments:

Unknown said...

imbestigahan nyo rin po san vicente sto tomas batangas yun forms ng disqualified me nakasulat claimed ng iba mostly sac forms ng mga senior ang nadisqualified pano po yun nakeclaim ng iba kung disqualified daw yun me tunay n me are ng sac form

Anonymous said...

Sana po meron kayo way pra lahat na check nyo Kung wala irregularities. Kasi hindi nman lahat nakaka pag sumbong paano Yung Iba na ay dapat ay managot kaso walang nakapag sumbong. Dapat meron audit report kada barangay per municipalities.

Unknown said...

Dito po sa biñan imbistigahan po ninyo barangay Dela Paz biñan laguna

Unknown said...

Ako po Hindi po ako nakatanggap ng ayuda single mom po ako...wala po nakatanggap SA bubong namin....magulang ko po at ako Hindi po nakatanggap....sinawilan badiang Digos city...Davao del sur

Anonymous said...

dto po sa 1k2 rodriguez,rizal sana po maimbestigahan sana po tlga mainyo kc dami po anomalya,pinaggagawa nla dami kurakot,lalo na mga hoa cla namili ng mga tao na binigyan...mga binata,dalaga...pti sa grievance,may pinasok na tao,may 1500 na byran na ngyari...sana po tlga maimbestigahan ito...salamat po

Unknown said...

dto nga sa purok 3 tabang Giugiunto bulacan pinamimili ako kung ako ba ang kukuha o nanay ko kasi raw one household lng daw ako single parent nanay ko senior at ang ate ko senior walng kming natanggap khit sa unang ayuda dito sa pangalawa mamili pa ako kung nanay ko o ako.taposang DSwD nagbhay2 nagtanong pa sa katapat bhay nmin kung saan nkatita c leona G Palileo sabi nuong pinagtanungan hayan po sa tapat bkit d po nila pinuntahan ang nanay ko.

Unknown said...

Tanong ko lng po about sa sss sbws,,,pwede po bang magverify sa sss kong bkit ndi nakasama sa ayuda ang mr. ko na si marlon Quebral na nagtrabaho sa Rodelson Company almost 5years na xang worker...

Unknown said...

Pls PKI imbestigahan nyo din po ang Dolores eastern Samar marami pong MGA kapitan dto na, specially brgy tan awan brgy dampigan!,

Anonymous said...

pls PAKI IMBISTIGAHAN DIN PO SA SAN JOSE BULACAN DAHIL HINDI NA BIGYAN ANG KAPATID KO AT ANG PAMANGKIN KO NA MANGA NA WALAN NANG TRABAHO ANG KAPATID KO AY CARPENTERO PO AT YUNG PA MANGKIN KO NAMAN AY NAG TRATRABAHO LANG SA MINIYARD RESTUARANT AT YUNG AKING HIPAG NA NAG TITINDA SA PALENGKE SIMULA NAG LOCK DOWN WALA SILANG MANGA KINIKITA MAG KAKASAMA PO SILA SA ISANG BAHAY NA INUUPAHAN NILA AT HINDIRIN SILA BINIBIGYANG RELIEF AT AYUDA HANGGANG NGAYON WALANG NATATANG
ANG MANGA PAMILYANG NA BANGGIT KO PO

Unknown said...

Olongapo imbestigahan nyu..

Anonymous said...

Paki imbestigahan po ang san isidro tarlac city, barangay tanod may sap, senior citizen may sap, isang bahay 2 sap ang na accomodate, highly profile personel nakakuha ng sap, mga barangay tanod namamasada sa oras ng pag babantay nakakuha na sa barangay may ayuda pa, pa check naman po at pa investigahan hindi makatarungan ginagawa nila sa mga tao, lugar namin ay brgy san isidro tarlac city 2300

Anonymous said...

S mga brgy dn po dto s san jose city

Raffypasky said...

Ako po isang OFW was akong natanggap na tulong mula sa sss po, nawalan na po ako ng work hindi na po ako nakabalik sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19 po

From Pataquid, Sta Maria Pangasinan