Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, July 08, 2009

Anchovy Salad at Chicken-Manok


Tinanong ko si Mrs. Thoughtskoto one day habang pauwi ako galing ng work kung anong prepare niya na ulam, Anchovy Salad daw. Ang sarap di ba kasi sabi ko, wow, salad!


Pagdating ko ng bahay, ito ang salad na gawa niya.
Isang malutong na Tomato na hiniwa-hiwa, mga leaves ng Coriander, at crispy fried anchovies.
Sa simpleng salita,
KAMATIS at PRITONG DILIS!

Sa Pilipinas, ang dilis ulam ng mga mahihirap.

Sa abroad, ang dilis paboritong ulam ng mga may perang OFW.

(wala kaming pera, pinasalubong lang samin yan)


Bakit nga ba sa abroad pag dilis ang ulam mo, may pera ka?

6 Riyals ang halaga niyang nakahain na yan kung bibilhin mo dito.

Sa Pilipinas, sampung piso lang yan eh.

Ito naman ang paborito kong Chicken-Manok. Ang loob niyan may laman na lemon at mga garlic, tapos isasalang niya na sa oven ng isa't kalahating oras. Paglabas, tsaran-tanan-tanan!

Sarap niyan, lutong na lutong ang balat, kaya simot to the bones.

©2009 THOUGHTSKOTO

13 comments:

2ngaw said...

Hehehe :D Ganda ng pangalan, salad pa man din, dilis lang pala lolzz

Ayun oh!!!Peborit ko manok :)

RJ said...

Sa totoo lang, ang 'baringon' ang nag-iisang pagkaing hindi ko masyado hinahanap (ang ibang 'tuyo' kini-crave ko naman), ewan ko. Pero ang bagoong niyan ay gustung-gusto ko. Tatlong klase ang anchovy bagoong ko rito ngayon.

Ang sarap ng manok! Sige, kain lang nang kain ng manok para tumaas ang demand nito sa mundo. Kapag maraming kakain ng manok, hahaba pa ang buhay namin dito sa manukan. o",)

Reena said...

wow ang sarap namana nyan!!! pero ang mahal naman. hehe

mrsgiftsphilippines said...

masarap ang dilis kaya...lalo na kung wala nyan sa bansang where you are.

A-Z-3-L said...

naks.. sosyalan ang tawag... anchovy salad!

pangmayaman nga yan, ginto kung tutuusin ang dried fish pag nasa ibang bansa ka.

yang chicken, im sure hindi na pagkaing mayaman yan.. mura lang yan jan! lolz!

parang mamaya ganyan din ang ulam namin... turbong chicken... kaso walang salad... UPO daw ang gulay namin. pangmahirap :(

Life Moto said...

ginutom tuloy ako bro. lalo ko na miss ang tuyo na galing sa pinas buti na lang at meron akong stock sa bahay. lulutuin ko mamamaya :)

Sardonyx said...

waaaa nainggit naman ako sa ulam niyo, nalimutan kong magdala ng tuyo, daing at dilis pabalik dito sa Japan, kakainis lalo tuloy akong nainggit sa'yo. Yun manok nagsawa ako sa Pilipinas ng lechong manok, halos araw-araw yan ang ulam namin hehehe kaya kahit di mo ako alukin ayos lang ako hehehe. Di bale may dilis din ang mga Hapon dito kaya makagawa nga rin ng salad hehehe

Anonymous said...

Anchovy salad -- sounds appetizing. Pero mukha namang masarap ung nasa picture.

Like Sardonyx, ako din walang nadalang dilis, tuyo at daing. Maamoy e. Hehehe.

Sarap ng itsura ng manok. Ano'ng oras ba ang dinner mamaya sa bahay nyo?

enjoy said...

ang sarap naman ng madaratnan ko dito. nakakgutom. :D

merong din dilis dito sa SG. mura lang kung bibilhin dahil karaniwan ng sahog yun sa mga noodle soups nila. ipapatikim ko rin sa hubby ko ang anchovy salad mo. hekhek. hindi kaya ako mabatukan pag nakitang pritong dilis at kamatis lang pala yun? :D

The Pope said...

Mas gusto ko yung anchovy salad, thanks for the post, it reminds me to cook the remaining dilis. "No" to fried chicken-manok hahahaha.

A blessed weekend.

Ken said...

***Lord CM

Paborito mo rin ang manok? Ako din. hehehe. at mas pinakapaborito ko ang native na manok na may dahon ng sili, papaya na tinatawag na tinola!

***DRJ

ayan pinagdugtong ko na ang Dr at RJ. The Middle East is the number one consumer ng Chicken-Manok. Kaya habang may Middle East, malakas ang demand ng manok mo diyan sa Asutralia

*** Reena

Salamat sau. Ang mahal nga eh. Kaya ikaw na nasa Pinas, isipin mo kami pag dilis ang ulam mo.

caloi said...

kenji, we miss the anchovy tell to sheila, prepare that on potluck siguradung ubus yan. pls dala kayo nya ha!!!!

pamatayhomesick said...

pards penge naman ng dilis...

sarap sarap...tama ka yan ang paborito dito sa lupang buhangin.

galing naman ni mrs.!