Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, August 14, 2023

Ano ang Lifeline Rate Subsidy Program at Paano maka-avail ng discount para sa iyong electric bill?










MANILA Philippines — KASABAY ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tumataas din ang singil sa tubig at kuryente. Pero alam mo ba na may programa ang gobyerno na Lifeline Rate alinsunod sa Republic Act No. 11552 o An Act Extending and Enhancing the Implementation of the Lifeline Rate, Amending for the Purpose, Section 73 of Republic Act No. 9136 , o mas kilala sa tawag na, "Electric Power Industry Reform Act of 2001 as Amended by Republic Act No. 10150.

Pero ano nga ba ang Lifeline Rate Subsidy Program?

Ang Lifeline Rate ay subsidized rate o diskwento na ibibigay ng gobyerno sa mga kwalipikadong consumer.

Sino ang pwedeng maka-avail ng Lifeline Rate?
  1. Mga miyembro o kabilang sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program

  2. Mga marginalized end-user na napabilang sa poverty threshhold ayon sa batayan ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Kailangan din na:
  • Nakapangalan sa aplikante ang metro;

  • Ang aplikante ay miyembro ng pamilya at nakatira sa bahay na sakop ng kooperatiba, magbigay lamang ng kopya ng government issued ID o Barangay Certificate;

  • Ang aplikante ay nangungupahan, at ang nakapangalan sa metro ay ang may-ari ng paupahan o ang dating nangungupahan, magbigay lamang ng kopya ng government issued ID o Barangay Certificate

  • Ang bahay ay inuupahan ng beneficiary ng 4Ps Act o miyembro ng pamilya ng benipisyaryo, magbigay lamang ng kopya ng government issued ID o Barangay Certificate.






Ads


Ang mga eligible consumer ay maaaring maka-avail ng 20% hanggang 100% discount sa kanilang electric bill, depende sa kanilang konsumo. 

Ang mga may konsumo na 1 -20 kWh ay makaka-avail ng 100% discount; 21 hanggang 50 kwH - 50% discount; 51 hanggang 70 kWh - 35%; at ang mga may konsumong 71 - 100 kWh ay makaka-avail naman ng 20% subsidy.

Pero naka-depende pa rin ito sa inaprobahang diskwentong ng mga distribution utilities o electric cooperatives sa inyong lugar.

Ano ang mga requirements?

1. Kung ikaw ay kabilang sa 4Ps:
  • Application form

  • Pinaka-huling electric bill

  • Valid ID na may pirma at address
2. Kung ikaw naman ay kasama sa marginalized end-user na hindi kabilang sa 4Ps beneficiaries ngunit ang income ay nakapaloob sa povery treshold:

  • Certification mula sa Social Welfare and Development Office na inisyu sa loob ng nakaraang anim na buwan

  • Application form

  • Pinaka-bagong electric bill

  • Valid ID na may pirma at address

3. Kwalipikadong marginalized end-user na hindi miyembro ng 4Ps at nais mag-renew ng Lifeline Rate:
  • Certification mula sa Social Welfare and Development Office na inisyu sa loob ng nakaraang anim na buwan

  • Pinakabagong electric bill

  • Valid ID na may pirma at address

  • Previous Certification of Lifeline Coverage mula sa iyong electic cooperative
Bitbit ang nasabing mga requirements, maaaring aplayan ang programa sa pinaka-malapit na DUs o electric cooperative sa inyong lugar.

Ads

Sponsored Links



Sino ang Disqualified o hindi kasama sa Lifelife Rate Subsidy Program?

1. Marginalized end-user na:

  • Nakatira sa condominium o subdivision projects, maliban na lamang sa mga condominium at subdivision na kabilang sa proyekto ng gobyerno.

  • Mga nag-aavail ng net metering services maliban sa mga marginalized end-user na qualified sa Sec. 15 ng Net Metering Rules.
2. Mga hindi kwalipikado ngunit ang konsumo ay nasa o mas mababa sa consumption treshold na aprobado ng ERC.

3. Mga Member-Consumer-Owner o MCOs na lumabag sa RA. No. 7832 at Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994.

Ngayong Agosto na ang simula ng implementasyon ng programa ngunit ang makikinabang lamang nito ay ang mga nakapag-apply sa programa.

©2023 THOUGHTSKOTO

No comments: