Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, August 09, 2023

7 Simple Tips para Makapag-Ipon sa Kabila ng Hirap ng Panahon







SA panahon ngayon, malaking hamon na ang pag-iipon dahil sa napaka-mahal na ng mga bilihin at halos hindi naman tumataas ang sahod natin. Kaliwa't kanan ang mga gastusin at kung minsan, bago mo maisip na magtabi para sa savings, ubos na ang sahod mo.

Ngunit sa kabila nito, importante pa ring ugaliin ang pag-iipon para sa kinabuksan mo at ng pamilya mo. Kung may ipon, may magagamit sa panahong tayo ay gipit.

Ads



Narito ang walong simpleng tips na maaaring sundin para makapag-ipon.

1. Gamitin ang 70-20-10 rule.

Ang 70% ay ilaan sa living expenses kagaya na lamang ng bills, pagkain at iba pang basic need.

Ang 20% naman ay ilaan sa pagbabayad ng utang kung mayroon. Kung walang utang, maari itong ilaan bilang savings, investment o retirement fund.

Ang natitirang 10% ay para sa pagbabalik-grasya sa Diyos o tithing. Kung hindi ka naman naniniwala sa tithing, maaari mo itong gamitin sa mga bagay na gusto mo o wants.

2. I-record ang gastos at kung saan napupunta ang pera mo.

I-lista ang lahat na gastos at itabi ang lahat na mga resibo. Sa ganitong pamamaraan, malalaman mo kung saan napupunta ang kita mo. I-lista din ang lahat na kitang pumapasok mula sa sweldo, sideline at iba pang pinagkakakitaan.

Sa ganitong paraan, malalaman mo kung magkano ang pumapasok na pera sa iyo sa loob ng isang buwan at magkano ang gastos mo. Magiging guide mo rin ito sa pag-gastos at pagpili ng short o long term goal sa pag-iipon.

3. Mag-automatic savings.

Madalas umaasa tayo sa ating willpower o kagustuhang mag-ipon ngunit sa huli, walang naitatabi.

Kapag hawak na ang pera, madaling matuksong gumastos. Pero bago pa man gumastos, itabi muna ang para sa ipon. Maaaring subukan ang automatic savings para hindi mahirapang magtabi ng pera mula sa sweldo buwan-buwan.

May mga banko na nag-aalok ng option para sa Automatic Savings Plan o maaari mong kausapin ang HR ninyo na agad na ibawas sa sweldo mo buwan-buwan ang 20% para sa savings mo.

Dahil uso na rin ang online o mobile banking, maaari mo rin itong gawin sa pamamagitan ng paglipat ng pera mula sa sweldo mo sa iyong savings account bago pa man i-withraw ang sahod.

Ads

Sponsored Links

4. Gamitin ang 24-hour rule.

Huwag agad magpatukso sa mga gamit o bagay na nakikita sa mga mall o online shops. Gamitin ang 24 hour rule o delayed gratification strategy upang maiwasan ang impluse buying.

Kung mamimili ng isang bagay o "wants", magpalipas muna ng isang araw o 24 oras bago ito bilhin upang mapag-isipang mabuti kung kailangan ba o gusto mo lang bilhin ang isang bagay.

5. Magkaroon ng emergency fund.

Isa sa mga dapat pinaka-unang pinag-iipunan ng isang tao ay ang kanyang emergency fund. Ang emergency fund ay magagamit mo sa mga panahon na hindi inaasahan o sakuna, pagkakasakit ng pamilya at iba pang mahalagang gastusin.

Ang halaga ng emergency fund ay dapat katumbas ng tatlong buwang sweldo mo o higit pa, depende sa pangangailangan ng pamilya.

Maaari mong ipasok ang emergency fund sa 70-20-10 rule. Kung hindi ka naniniwala sa tithing, maaari mong ilaan ang 10% ng kita mo sa emergency fund o ang 5% mula sa 20% na savings.

6. Mag-hanap ng investment o savings buddy. 

Napakaganda kung ang asawa o partner mo ang magiging savings buddy mo. Dahil dito, maaari ninyong tulungan at ma-inspire ang isa't-isa na mag-ipon.
Ngunit kung hindi cooperative ang partner mo sa pag-iipon mo, maaari kang maghanap ng iba na investment o savings buddy na gagabay sa iyo sa pag-iipon. 

7. Mag-set ng goal.

Importante ang pagkakaroon ng goal sa pag-iipon. Tanungin ang sarili, para saan ang ipon? May bagay kaba na pinag-iipunan? Para ba ito sa downpayment sa inaasam mong bahay o lupa? O para ba ito sa iyong pag-retiro?

Malaking tulong ang pagkakaroon ng goal sa pag-iipon. Magkano ang dapat ipunin, gaano katagal o kabilis mo itong gustong maabot?

Importante ang pagkakaroon ng goal sa pag-iipon dahil ito ang magiging inspirasyon mo sa pag-iipon.

Hindi madali ang kumita ng pera, pero mas mahirap ang walang ipon sa panahon ng pangangailangan.

©2023 THOUGHTSKOTO

No comments: