MANILA, Philippines — INAPROBAHAN na sa 3rd at final reading ng House of Representatives ang panukalang batas na magpapatupad ng SIM card registration.
Mahigit sa 180 na mga mambabatas ang pumabor sa House Bill 5793 habang anim ang umayaw at walang nag-abstain.
Sa ilalim ng panukalang batas, kailangang mag-presenta ng valid o government-issued ID na may pictures ang SIM card user bilang patunay sa identity nito sa teleccomunication company o sa direct seller.
Kailangan ding lumagda sa control-numbered registration form ang gagamit ng SIM card bilang patunay na iisang tao lamang ang bumili ng SIM card at ang pupirma sa registration form.
Maaari namang tumanggi ang seller o telco sakaling hindi masunod ang nabanggit na mga requirements.
Ads
Sakali namang walang anumang government-issued ID ang bibili, maaaring mag-presenta ito ng NBI clearance, police clearance o Philippine Statistics Authority o PSA certified birth certificate na may ID picture na kinunan sa nakaraang anim na buwan.
Magiging subject naman ng confidentiality clause ng panukalang batas ang mga impormasyong isusumite ng mga SIM card user, maliban na lamang kung may written consent mula sa user.
Required naman ang mga telcos na ilabas ang mga detalye sakaling may court order o subpoena o kung may written request mula sa law enforcement agencies para sa nagpapatuloy na imbestigasyon partikular na kung nagamit ang SIM card sa krimen o illegal na aktibidad.
Sa ngayon, pending sa Senado ang kahalintulad na panukalang batas at nasa second reading na ito.
Ads
Sponsored Links
Samantala, inihayag naman ni Senator Sherwin Gatchalian, ang principal author ng Senate version ng panukalang batas, na umaasa itong matatapos na ang kanilang diskusyon dito sa Enero.
"Hindi 'yan aabot this year, but sigurado ko, aabot 'yan January," pahayag ni Gatchalian.
"Kasi advanced stage na rin dito, nasa floor na. Sa aking pakikipag-usap sa ibang mga senador, wala namang tumututol dito, at lahat, mukhang almost everyone agrees na dapat mayroon na tayong ganito," dagdag pa nito.
Agad naman na nagpahayag ng suporta ang PLDT at ang wireless arm nito na Smart Communications sa panukalang batas dahil malaking tulong umano ito upang masawata ang mga SMS-related cybercrimes.
"The SIM card registration bill will definitely lessen the proliferation of fraudulent spam messages similar to the Smishing cases being encountered now and boost telecom security efforts as well. It will also boost e-commerce adoption and growth," ang naging pahayag ni Smart Communications vice president Roy Ibay.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment