Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, December 09, 2021

Maximum Retail Price ng 71 uri ng gamot, itinakda ni Pangulong Duterte!




MANILA, Philippines — PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order o EO na magre-regulate sa presyo ng mga gamot at medisina na ginagamit sa mga sakit na nangungunag dahilan ng pagkamatay ng mga Filipinos.

Ayon sa Malacanang, inaprobahan ng pangulo ang EO No. 155 na nagpapatupad ng maximum retail at wholesale price para sa 34 na drug molecules at 71 drug formulas.

Ayon kay acting spokesman Karlo Nograles, na ang nasabing mga drug molecules at formulas ay "used in agents affecting bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma and chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics," 
Sinabi din nito na sakop ng kautusan ang mga molecules at formulas na ginagamit laban sa glaucoma, hypercholesterolemia, hypertension, cancer, Parkinson's disease, overactive bladders, psoriasis, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, at iron chelating agents, at iba pa.



Ads


“This is part of efforts to improve access to affordable, quality medicines and reduce the health-related expenses of our countrymen, consistent with the goals of the Universal Health Care Act,” dagdag pa ni Nograles.

Narito ang listahan ng mga drug molecules at formula kasama ang kanilang maximum prices:









Ads

Sponsored Links



Kinakailangan din maiprint sa label ng mga gamot ang nasabing maximum retail price.

Ang listahan ng mga nabanggit na mga gamot at kanilang mga presyo ay kailangang suriin ng Department of Health o DOH, kasabay ng consultation sa Department of Trade and Industry, anim na buwan mula nang ipinatupad ang EO at kada anim na buwan pagkatapos nito.

Multa namang P50,000 hanggang P5 million ang naghihintay sa sinomang lalabag sa nasabing drug regulation.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nagpatupad din ang gobyerno ng limit sa presyo ng 86 na mga drug molecules o 133 drug formulas.



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: