Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, December 14, 2021

Mas pinaraming Solo Parent benefits, lusot na sa Senado!






MANILA, Philippines —LUSOT na sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng buwanang cash subsidies, automatic health insurance at iba pang dagdag na benepisyo sa mga Filipino solo parents.

Noong Lunes, Disyembre 12, pinaboran ng mga senador sa botong 22-0-0 ang Senate Bill 1411 na magpapataas ng mga benepisyo na kasalukuyang tinatanggap ng ma solo parents sa ilalim ng Republic Act 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000. 

Sa ilalim ng panukalang batas, pinalapad din ang pagsasalarawan ng solo parent na kinabibilangan ng mga sumusunod:
  • Asawa ng low or semi-skilled overseas Filipino worker na patuloy na nagtatrabaho sa abroad sa loob ng 12 buwan o higit pa

  • Foster parent na kinikilala ng Department of Social Welfare and Development

  • Legal guardian na kinikilala ng korte

  • Kamag-anak na nag-iisang responsable sa pag-aaruga sa isang bata
Ads


Sa kasalukuyan, sa ilalim ng RA 8972 ang mga sumusunod ay ikinokonsidera na solo parents:
  • A woman who gives birth as a result of rape and other crimes against chastity

  • Parent whose spouse died

  • Parent whose spouse is detained or is serving sentence for a criminal conviction for at least one year

  • Parent whose spouse was certified by a public medical practitioner as either physically or mentally incapacitated, or both

  • Parent left alone with the responsibility of parenthood due to legal separation or de facto separation from spouse for at least one year

  • Parent whose marriage was annulled and is left with the custody of the children

  • Parent whose spouse abandoned them for at least one year

  • Unmarried mother or father who has preferred to rear his or her children 

  • Any person who solely provides parental care and support to a child

  • Any family member who assumes responsibility of head of family as a result of the death, abandonment, disappearance, or prolonged absence of parents
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga solo parents ay magkakaroon ng 20% discount sa mga infant formula, diapers, medicines, vaccines, medical equipment, food supplements, at iba pang mga basic necessities, hospital bills, at tuition fees sa kanilang mga anak.

Iniuutos din ng panukalang batas na makakatanggap ang solo parents ng comprehensive package of social protection services na kinabibilangan ng livelihood opportunities, legal advice and assistance, at counseling.

Sa ilalim ng Senate Bill 1411, makakatanggap din ng buwanang cash subsidy na nagkakahalaga ng P1,000 ang bawat solo parent.

Maaari ding ma-avail ng mga solo parents ang parental leave. Inaatasan din ng panukalang batas ang mga companies at government offices ng daycare centers. 

Awtomatiko din na kwalipikado sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth coverage ang mga solo parents na may premiums na babayaran ng gobyerno.

Binibigyan din ng prioridad ng SB 1411 ang mga solo parents, partikular na ang mga solo mothers na makabalik sa trabaho at kanilang mga anak sa mga apprenticeship at scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority, ngunit “subject to eligibility and qualifications.”

Ads

Sponsored Links



Naniniwala naman si Senator Risa Hontiveros, isa ring solo parent at isa sa mga primary authors ng panukalang batas na malaking tulong sa mga solo parents ang malapit nang maipasang batas lalo na ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

“Bukod sa kailangang magtrabaho, biglang kailangan namin maging teacher sa aming anak. ‘Pag may magkasakit, COVID-19 man o hindi, wiped out ang konting ipon at walang kahalili sa gastos. Kaya nga habang may pandemya, lalong mahalagang mapabilis pa ang pagsasabatas nito,” pahayag ni Hontiveros sa manifestation nito sa ipinasang SB 1411.

Una nang ipinasa ng House of Representative ang kanilang version ng Expanded Solo Parents’ Welfare Act noong Enero. Ibig sabihin, kailangang mag-convene ang Senado at House of Representative bilang isang bicameral conference committee upang mapag-usapan ang mga hindi nagkakatugmang mga provisions sa kanilang magkaibang versions ng panukalang batas.

Kailangan ratipikahan ng Senado at Kongreso ang kanilang reconciled version ng solo parents welfare bill bago ito dalhin sa Malacañang para sa pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: