Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, December 03, 2013

DALHIN ANG PAMILYA SA SAUDI – FAMILY VISA o VISIT VISA (Bring Your Family in Saudi Arabia)


DALHIN ANG PAMILYA SA SAUDI – FAMILY VISA o VISIT VISA.

GOODNEWS! ANG LBS PO AY NAGPROPROCESS NG INYONG DEPENDENT VISA. SABIHIN NIYO LANG PO NA NIREFER MULA SA PEBA.

General info: 

Yung mga two year courses o mas pinakasegurado ay yung Bachelor’s Degree at Masteral ay may tsansang madala ang pamilya sa Saudi gamit ang Family Visa kung ito ay may Work Specification o Work VISA na hindi bababa sa “TECHNICIAN”



Yung mga vocational courses, 6 months hanggang hindi lalagpas sa 2 years na kurso ay may tsansang makakuha ng VISIT VISA para sa kanilang asawa at pamilya kung ang work visa ay hindi bababa sa “Technician”.

Para makaseguro, tanungin ang inyong HR kung ang profession niyo ba ay pwedeng magdala ng pamilya o pwedeng makakuha ng visit visa.

MGA TIPS o PROSESO

1. Kuhanan ng passport ang bawat miyembro ng pamilya.

2. Humingi ng EMPLOYMENT CERTIFICATE at SALARY
CERTIFICATE SA INYONG KUMPANYA SA SAUDI.
IPAAUTHENTICATE SA CHAMBER OF COMMERCE.


3. Ipunin ang mga CERTIFIED TRUE COPY ng Diploma/ Certificate at Transcript of Records. Ipunin ang NSO na birth certificate ng mga anak at NSO na marriage certificate.

4. Ipa-RED Ribbon ito sa DFA sa Pasay, sa lumang DFA. P200 bawat dokumento ang bayad.
Update: May nakapagsabi sa amin na wala na sa Pasay ngunit doon na sa may bagong building malapit sa Mall of Asia ang red ribbon stamping.

5. Ipasalin sa legal na License Translation ang mga dokumento.

6. Dalhin ito sa agency kagaya ng “LBS Recruitment” o “Deltavir” para matatakan ng Saudi Embassy sa Pilipinas. Hindi tumatanggap ang Saudi Embassy ng walk-in, dapat ipadaan mo ito sa agency. Nagpapabayad ang agency ng halos  P500 bawat dokumento at patatak.
7. Ipadala ang mga papeles na ito, mga passport copy, red ribbon documents sayo dito sa Saudi Arabia. 



8. Pumila sa ISTIQDAM o bilihin ng VISA.

9. Ipaaassess sa mga tauhan ng Estigdam kung tama ba ang iyung mga dokumento at humingi ng application form.

10. Bibigyan ka nila ng APPLICATION FORM. Pafill –up mo ito sa Arabic maliban sa TAMANG o NAKACOMPUTER PRINT OUT ng pangalan ng IYUNG ASAWA at mga ANAK. Ididinit ito sa sa APPLICATION FORM.

11. May pipirmahan ka, at may pipirmahan at tatatakan ang iyong kumpanya sa bandang ibaba ng application form.

12. Pagkatapos matatakan ng kumpanya at mafill-up ang lahat ng detalye, pumunta sa CHAMBER OF COMMERCE sa inyong lugar at patatakan ang iyong application form.

13. Magbayad sa RIYADH BANK NG HALAGANG 2,000SR para sa Family VISA o 300SR para sa VISIT VISA. Pwede ring magbayad sa mga accredited na bayaran, minsan sa mga gilid ng ESTIQDAM o online via BANK, pakikumpirma kung pwede ba sa inyong mga banko. 

14. Ang Family visa ay sama-samang visa ng buo mong pamilya. Ang Visit Visa ay visa na valid for 3 months para sa iyung pamilya at renewable every 3 months, hanggang isang taon.

15. Pagkatapos matatakan ng Chamber of Commerce at makabayad, bumalik sa ESTIQDAM at ipakita ang mga dokumento pati ang resibo. Kung okey na ang lahat ng ito, bibigyan ka ng VISA (FAMILY o VISITORS)

16. Ipaphotocopy ang lahat ng mga dokumento na may red ribbon at ang VISA. Ibigay ang kopya ng VISA sa kompanya para maprocess ang PLANE TICKET ng pamilya. Kung kayo ay visitors visa, linawin sa inyong kumpanya kung sagot ba nila ang plane ticket ng iyung pamilya.

17. Ipadala ang iyong mga dokumento na may Red Ribbon, Birth Certificates, Arabic Translation pati na ang kopya ng VISA sa inyong pamilya sa Pilipinas o sa inyong agency.

18. Ibigay ang passport sa agency kasama ang mga dokumento na may red ribbon at kopya ng VISA.

19. Hihingi ng bayad ang Agency para dito ng hindi bababa sa P10,000 para sa buong pamilya.

20. Ipapadikit ng agency sa Saudi Embassy ang inyong VISA sa bawat passport ng miyembro ng pamilya na pupunta ng Saudi Arabia.

21. Hintayin ang plane ticket at ibigay sa inyong agency ang detalye. Ang agency ang magprepare ng travel documents at mga kinakailangang papel para sa pagbyahe ng inyong pamilya.

Paalala, ang mga nakasulat dito ay basi aking mga napagdaanan lamang at hindi ang batas ng Saudi. Mangyaring alamin o magresearch ng batas ng Saudi hinggil dito.

Apppreciate your comments and suggestions.



©2013 THOUGHTSKOTO

27 comments:

Anonymous said...

how many months to process all the documents?

Anonymous said...

based on my experience 4-8 weeks maximum

Anonymous said...

Mgnda rn po tanungin muna ang company kung willing sila n isponsor ang family mo or willing cla n gwing family status ka.may mga company po kc n ayw mgsponsor..

dumpasalvin said...

yes,salamat sa info mo bro...kz im processing also my documents for my family..i hope so

Anonymous said...

tanong ko lamang po, ako po kasi ay nagtatrabaho sa isang goverment hospital dito sa riyadh. dumating po ako dito na labor po ang aking trabaho, which means labor din po ang aking iqama. after 3 years na promote po ako bilang technician. nagtanong po ako sa passport section namin kung may chance bang mapalitan iqama ko nang sa ganun madala ko via visit visa ang wife ko dito pero sabi nila sakin hindi na daw nila mapapalitan ang iqama ko.. totoo po ba ito? at may chance pa bang mapalitan ang iqama ko?

Anonymous said...

How about naman ung naka pag asawa ka d2 and my anak kau. den isamama mo sa kapil u d2 sa saudi. papano ung processes? thank you.

Mrs. Thoughtskoto said...

1. how many months to process all the documents?

Usually po matagal na ang 6 months, pinakamabilis na ang 3 months. Ksama na passport application, pagpapadala sa KSA at pagpapadala ulit sa Pinas until the arrival nila dito sa KSA.

Kagaya ng sagot ng isang anynomous commenter, 4-8 weeks daw maximum kung ready na po ang papeles niyo.

Mrs. Thoughtskoto said...

Mgnda rn po tanungin muna ang company kung willing sila n isponsor ang family mo or willing cla n gwing family status ka.may mga company po kc n ayw mgsponsor..

- Tama po ito. Kung may FAMILY STATUS kayo sa kontrata, madali na lang po ito sa inyo.

Mrs. Thoughtskoto said...

tanong ko lamang po, ako po kasi ay nagtatrabaho sa isang goverment hospital dito sa riyadh. dumating po ako dito na labor po ang aking trabaho, which means labor din po ang aking iqama. after 3 years na promote po ako bilang technician. nagtanong po ako sa passport section namin kung may chance bang mapalitan iqama ko nang sa ganun madala ko via visit visa ang wife ko dito pero sabi nila sakin hindi na daw nila mapapalitan ang iqama ko.. totoo po ba ito? at may chance pa bang mapalitan ang iqama ko?

- May option po na mapalitan ang VISA niyo kung kayo mismo magbabayad ng VISA na ipapalit dito pero depende po ito sa company niyo.

Anonymous said...

pwede po ba na babae ang kukuha sa family nya sa Pinas? for example po ako female nurse dito sa Jeddah,gusto ko po makuha asawa ko.sa iqama at visa ko General Nurse ang nakalagay

Ken said...

May kakilala po kami na nurse na kasama i sponsor siya ng family niya, asawa at mga anak. Itanong niyo po sa company niyo kung pwede para segurado po

Anonymous said...

ask lng po. kailangan bang dumaan sa agency sa pinas? kc ung misis ko papuntahin ko d2 sa riyadh. naka family status namn ako at ok sa companya.

Anonymous said...

Dadaan pa po ba ng GAMCA ang pamilya para sa medical?

Anonymous said...

Pwede ba ang mga babae dto sa saudi mgapply ng family visa

Anonymous said...

marhaba tanong ko lang Sir/Madam kung may idea kayo na agency for US visa assistant(tourist) dito sa Riyadh or pinas. sukran

Unknown said...

Kailangan pa ba ng medical sa family visa?

Anonymous said...

WOW KELANGAN DW DUMAAN SA AGENCY KHIT HNDE EMPLEYADO AT PAMILYA LNG... THIS IS MISLEADING INFO.

Anonymous said...

Kabayan dadaan ka pa rin sa agency para maipadikit ang visa ng iyung pamilya sa passport nila dahil hindi tumatanggap ang Saudi Embassy ng walk-in na indibidwal sa kanilang embahada, intindihin po natin ang postat kung nasubukan niyo ng hindi dumaan sa agency, balitaan niyo po kami..

Anonymous said...

Pwede po yan change of profession. Ginawa ko na po yan. Pero company ang nagproseso babayad ka nga lang 1K

Anonymous said...

Tama po yan

Anonymous said...

dito po ako sa saudi ngayon uuwi po ako kasama ko fiance ko pra mgpakasal kami sa islam,final exit ang visa ko sa amo ko at ibang lahi po ang fiance ko,ano po ba ang ggawin pra madala nya ako sa saudi as a wife ano mga requirments?at kailangan ko pa ba mgpamedical? salamat po

Anonymous said...

Ang misis ko ay nurse sa Riyadh, pero siya po ay nasa Pinas ngayon dahil doon po siya nanganak. Ako naman ay nagttrabaho din sa Saudi ngunit hindi ako nakafamily visa. Sa ibang salita, hindi ko dependent si Misis dito sa Saudi. Nais naming dalhin si baby sa Saudi. Sa pagkakaalam ko po, nagbibigay ang Saudi ng On-Arrival visa ngunit ang katanungan po ay papayagan po ba siya ng immigration sa pinas para makaalis patungong Saudi kahit wala pang visa si baby? Salamat Po.

Anonymous said...

pde ko po ba i apply ng family visa ang parents ko?ung anak at asawa ko andito n po kc s saudi ksama ko.

Unknown said...

pede ko po ba makuha yung family ko?secretary po ang naka lagay sa iqama ko? please advise. salamat po

Unknown said...

Kelangan pa po ba dumaan sa medical check-up ang pamilya?

Nabila's Islamic Blog said...

nice

larryanna said...

The Hijaz came under Turkish rule in the western part of Arabia in 1517. It gets directly controlled by the Turks in 1845. Before introducing stamps and railways, a limited number of mails get sent, mainly travelling by camel. Between 1900 and 1908, a railway gets built between Medina and Damascus, known as the Hijaz Railway, and several railway stamps get issued for use on the service. They also printed Revenue stamps in connection with railway financing.
Read more about saudi post here.