Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, July 04, 2009

Tinamaan Ako

Bandang 6am pa lang ng umaga nakapila na ako sa International Philippine School of Al Khobar or IPSA para magrenew ng aking passport na mageexpire ngayong September. Limang taon na ako sa Saudi Arabia, ang tagal ng panahon magmula ng dumating ako dito, 28 years old pa lang ako.

Pang 211 ako sa mga nakapila, hindi pa kasali ang mga isang libo mahigit na nakapila sa labas. Sinasabing mga nasa 500,000 na OFW's ang nandito sa Eastern Province, ang oil capital ng Saudi Arabia. Along the pila, iba't-ibang kwento ng buhay ang napag-uusapan habang umuusad pagong pupuntang assessment, payment at encoding.

Ito yung pila para sa payment after maassess na okay na ang mga documents mo.

Meron isang kasabay ko na mali ang picture, hindi blue background, DH siya, at wala ng perang pampapicture ulit. Kinausap ko, at binigyan ng 25SR para pambayad sa kanyang picture sa isang room duon sa IPSA. Buti na lang sahod kahapon, kaya galante ako ngayon, hehehe.

Meron isang katabi ko sa upuan, 24 years old pa lang na babae, DH din siya, galing Basilan at ang sahod niya at 700SR or P8,400 pesos. Nalungkot ako sa sahod niya, masyadong mababa para mawalay sa pamilya pero kailangan niyang mapag-aral ang mga kapatid niya, at masaya naman daw siya sa amo niya, isang mutawa at mababait naman daw ang mga anak.

Ito naman ang mahabang pilahan sa loob ng IPSA Gym.

Ang isa ko pang katabi ay 26 years old na binatang lalaki, tig welder daw siya, nagweweld ng mga stainless sa isang malayong bayan dito sa Eastern Province. Dumating siya dito sa pilahan mga alas 2:00 ng madaling araw, mahaba na daw ang pila. Kung bakit nagkasabay kami sa pilahan kahit alas 6:00 na ako dumating gawa ng kasama ko sila Mrs. Thoughtskoto at Babytots kasi magpaparehistro kami sa Comelec para sa OFW voting at dahil may baby kami, pinapasok kami agad. (wais, hehe)

Natapos ako ng pagpaparenew ng passport at pagpaparehistro sa Comelec eksaktong alas 3:00 ng hapon. Sinundo ko sila Mrs. Thoughtskoto at Babytots sa katapat na bahay sa IPSA dahil may kaibigan kami dun at dun ko muna sila pinatambay.

Ito ang voter's registration Booth, kukuhanan ka ng litrato, kukunin ang left and right thumbmark, and digital signature.

Pero napagod ako, at nastress, kaya heto, sakit sa ulo, sipon, lagnat at ubo ang inabot ko. Tinamaan ako ng sakit. Hindi naman H1N1, sakit gawa ng init, alikabok, at pagod. At usual, alaga ako ng mabait kung minamahal kahit hinihila pa ako ng maliit na tsikiting para makipaglaro sa kanyang playhouse.

Ingat po kayo kahit saan man tayo, health is wealth ika nga nila. Nasa bahay lang ako now, kain ng fruits at masasarap na bake at cooking ni Lovefate ko.

Yung mga wala pang entry sa PEBA, sali na po tayo! Kung marami na pong boto ang iba, take note na wala yan sa padamihan ng boto, although merong popular award, 10% lang po iyun sa over-all na criteria. Sali na, habol ka!

©2009 THOUGHTSKOTO

22 comments:

The Pope said...

Wow naman, napaka galante mo pala, baka matulungan mo ako, wala akong pampalitrato para sa PEBA profile, pero kung wala ka ng pera puede mo akong i-drawing na lang muna hahahaha.

Pagaling ka bro, baka sa pc mo nakuha yang virus hahahaha.

Take care.

BlogusVox said...

Uso nga ata ang sipon kahit tag-init. Meron din ako, singhot ng singhot, dahil sa alikabok na pinong-pino.

Dito sa Riyadh may pila din, pero hindi gaano kagrabe kaysa dyan sa Eastern Region.

2ngaw said...

Wag ka muna hahawak sa computer mo o sa keyboard baka mahawa pa yan sa sakit mo at maipasa pa sa amin ung virus lolzz

Grabe pala jan, ako nagparenew ng passport na wala man lang pinilahan eh :)

A-Z-3-L said...

i wish you well kuya kenji...

drink plenty of water...

magvitamins ka rin panlaban sa sakit... sobrang init na... at mas iinit pa sa susunod na month kaya kelangan ang dobleng pagiingat!

Ken said...

*** The POPE
Haha, baka nga sa computer ko nakuha ito, haha. Trojan Virus. Musta na, ang tagal natin di nagkachat ah. Ang PEBA Entry, inaabangan namin.

*** Blogusvox
Uso nga yata yan dito kasi last week, marami akong pamilyang nalaman na may mga sipon. Seguro sa sobrang init? Unusual talaga ang panahon ngayon, Buti sila baby at Shie, okay na, mga 3 days din sila may sipon.

***LORD CM
haha, ayan wag kang magrereply at baka mahawa ka, mapunta sa Palau ang virus. Swerte mo naman sa passport renewal dyan. Mainit din ba dyan ngayon? Musta inventory ng mga malls natin?

***AZEL

musta na? hehe,nakalimutan ko send sau ang isesend ko sana. Di bale pagbalik ko sa office, nandun kasi ang file. kitakits!

Ken said...

***AZEL

Salamat Azel. Kelangan ko talagang uminom ng water kasi sa init seguro itong sipon ko.

mightydacz said...

ayayay musta po dami ko ng namiss dito....oi galante naman paburger ka lol oi open na ba jollibee dyan sa ramaniyah?

poging (ilo)CANO said...

penge po pera pang date ko lang total bagong sahod ka naman..hehehe..joke

pagaling po kayo!

PEBA?malapit na...late na ba ako?hhehe

Life Moto said...

hope ok ka na bro!

Francesca said...

dito kami sa Monaco nag papa renew ng passport, may appointment dapat, kasi hindi kayanin ang whole day. So na accomodate kami ng first day at 3hours wait lang, and na release ang passport ni marghie after 3 months.
Pero dyan, grabeh, haba pila!

next time kuya pag naka uwi ka ng pinas dun ka na renew, mura pa.

Pero nag kaka idea ako, pag nag renew ako, hihiram ako ng baby sa labas, para unahin ako, ahihihiiii

The Pink Tarha Team said...

Panahon na naman ng sakit ngayon. Two of the PT Girls were also sick last week. Hay, ingat po... Pagaling po kayo. :)

Ken said...

***Mighty Dacz

nice to see you back sa blogosphere. Hehe. looking forward for the updates.

***Poging James
Dapat ako uutang kasi ikaw nga may bahay na naipundar. hehehe, oyt! hindi naman kelangan magastos ang date di ba? Nasan na ba si Jen...baka lagi kayo sa TGIF? hehee


***Jess
Doing quite well Jess. Ubo ubo na lang. hay, hirap talaga magkasakit! Buti saken may nag-aalaga, paano na lang ang mga single or hindi kasama ang pamilya na nasa malayo.

***Ate France (Amy)
Hehe, ang sarap ng feeling na may Ate na taga FRANCE di ba? Anyways, bakit aabutin ng ganun katagal ang pagprocess ng passport dyan sa France? Sa Phil Embassy ba? Marami din ba pInoy dyan?

***Pink Tarha's
Salamat po. Oo nga uso na talaga kasi nga panay panay sandstorm at ang init pa ng panahon.

pamatayhomesick said...

isang kababaan ng loob ang ginawa mo pards...simpleng pagbibigay,di ka malilimutan. pambihirang pinoy ka talaga..

ang dami palang pinoy dyan..

p.s.
penge ng bake cake.buti kapa may nagaalaga pag may sakit,kaya laging smile eh....

EǝʞsuǝJ said...

ako din kuya kakagaling lang sa sakit...
hayy naku...
grabe kase yung panahon sa middle east ang hirap iekspleyn
hehehe

pagaling ka kuya..
"Dapat ikaw ang pinakahealthy sa lahat"..hehe..

Sardonyx said...

I miss your blog na!! I hope ok ka na, wag ka namang manghawa sa amin hehehe, grabe pala ang pila dyan parang PIlipinas din. Bakit ganun kahaba, wlaa ba silang sistema o talaga lang marami na ang Pinoy dyan?

Francesca said...

IN FRANCE three months process, kasi pinapadala pa ata sa manila yun at duun ipaparocess. Kasi Mobile DFA lang ang bumibisita sa amin, yung main Phil Embassy sa Paris pa, 900kms away from Monaco.

April nag apply, june na dumating PASSPORT ni marghie.

atticus said...

ang bait naman. buti naman ang ilang kababayan natin sa labas ng bansa, nagtutulungan.

(got here from bloguxvox)

cheers!

manilenya said...

katulad ng DH na nakilala mo, ganyan din ang sahod ko nung nag DH ako sa Singapore kaya laking tuwa ko nung nakapasok ako ng Canada, biro mo yun yung isang linggong sahod ko dito e mas malaki pa dun sa bwanang sahod ko sa Singapore, pero ganun pa man medyo nakakalungkot din kasi kanina habang naguusap kami ni bf e napag usapan naming wala pa sa minimum wage yung sinasahod ko dito. Syempre kasi hindi pa naman ako open permit dito..hay hirap.

Anonymous said...

Kenj, nakakalungkot nga yung mga kwento ng ating mga kababayan na sobrang liliit ng sweldo at napalayo pa sa kanilang mga minamahal sa buhay. Kapag minalas ka pa eh masama pa yung amo mo.

Ken said...

Salamat sa pagbati...im a little well, but too well insha-allah soon. natabunan na naman ako ng mga comments para magreply isa isa, hehe, salamat ng marami sa inyo.

Ken said...

Salamat sa pagbati...im a little well, but not too well insha-allah soon. natabunan na naman ako ng mga comments para magreply isa isa, hehe, salamat ng marami sa inyo.

Ken said...

Salamat sa pagbati...im a little well, but not too well, insha-allah soon. natabunan na naman ako ng mga comments para magreply isa isa, hehe, salamat ng marami sa inyo.