Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, January 05, 2022

'Di bakunado, 'di na makag-proseso ng passport sa mga malls at consular offices ng DFA





MANILA, Philippines — NAGLABAS ngayon ng abiso ang Department of Foreign Affairs o DFA na hindi na tatanggapin sa kanilang mga consular offices at off-site mall passport services na nasa Alert Level 3 areas ang mga hindi pa bakunado laban sa Covid-19.

Sa advisory, nilinaw ng DFA na ang pagbabawal sa pagpasok ng mga hindi pa nabakunahan laban sa Covid-19 ay ipinatutupad ng mga shopping malls kung nasaan ang kanilang consular offices at Temporary Off-Site Passport Services at TOPS.

“The [DFA]…informs the public that its Consular Offices (COs) and [TOPS] located in malls in areas where at least Alert Level 3 is raised will not be able to accommodate unvaccinated individuals, including minors, due to the restrictions imposed by their host malls barring the entry of unvaccinated persons,” paliwanag ng DFA.

Ads


“Consular Offices are unable to override the host malls’ security and health protocols,” dagdag pa nito.

Pinayuhan naman ng DFA ang mga hindi pa bakunadong mga aplikante kasama na ang mga minor de edad na i-check muna ang regulations ng mga malls kung saan naroon ang kanilang opisina bago pumunta para sa kanilang appointments.

Maaari naman umanong i-reschedule ng mga apektadong aplikante ang kanilang appointment sakaling maging fully-vaccinated na laban sa Covid-19 o “after malls and local government units have lifted the entry restriction on unvaccinated persons.”

“The Department requests the public’s cooperation as it strives to deliver passport services to the public while ensuring the public’s safety and health amidst the ongoing pandemic,” pahayag ng DFA.

Ads


Sponsored Links



Matatandaan na isinailalim ng gobyerno sa mas istriktong Alert Level 3 hanggang Enero 3 ang Metro Manila dahil sa labis na pagtaas ng bagong kaso ng Covid-19.

Maliban sa Metro Manila, nasa Alert Level 3 din simula Enero 5 ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, at Rizal na tatagal din hanggang Enero 15.

Nananatili naman sa Alert Level 2 ang natitirang bahagi ng bansa.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: