Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, May 07, 2021

'One-time' P20,000 para sa EC pensioners ng SSS at GSIS, ibibigay na!





MANILA, Philippines — KUNG nananatiling bad news ang dala ng pandemya dulot ng coronavirus disease o Covid-19, may good news naman para sa mahigit 32,000 na employee compensation o EC pensioners dahil makukuha na ng mga ito simula ngayong buwan ng Mayo ang kanilang P20,000 na one-time financial assistance.

Ayon kay Employees Compensation Commission o ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis, sisimulan na nila ang pamimigay ng asssistance ngayong Mayo. Matatanggap umano ng mga EC pensioners ang kanilang P20,000 na financial aid kasabay ng kanilang pension.

“We will start releasing the assistance this May. When they receive their pensions, the PHP20,000 financial aid will be included,”

Sakop ng financial aid ang mga EC pensioners para sa permanent partial disability, permanent total disability, at survivorship mula sa mga pribado at public sectors.


Ads


Makakakuha ng P20,000 ang mga employees compensation (EC) pensioner, o ang mga pensioner na maaagang nagretiro sa serbisyo sa gobyerno dahil sa karamdaman, bilang tulong sa mga nahihirapan ngayong pandemya. 

“From the private sector, at least 20,000 EC pensioners will benefit while some 12,000 government workers will also benefit,” dagdag pa ni Banawis.


Ayon sa opisyal target nilang ma-kompleto ang releasing ng cash assistance sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Makukuha ng mga private sector workers ang kanilang one-time financial aid mula sa Social Security System habang sa Government Service Insurance System o GSIS naman ang magbibigay ng nasabing cash assistance sa mga government workers.


Ads
Sponsored Links



Kinumperma naman ni GSIS Executive Vice President Nora Malubay, na isasabay ang pamimigay nito sa mga kukuha ng kanilang buwanang EC pension. 

Maaari aniyang ibigay ito sa pamamagitan ng cheke o UMID card.

 
"Ngayon po ay makakatanggap sila ng fixed amount na P20,000. Sila po kasi ay nagke-claim ng monthly EC pension so lahat yon isasabay ang P20,000 either through checques, yung iba may UMID card. Ngayong Mayo ipapatupad namin 'yan," ani Malubay. 

Alinsunod ang pamimigay ng cash assistance sa Administrative Order No. 39 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril. 


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: