May balitang lumabas sa Saudi Gazette na ang mga nangungupahan daw na hindi
nakakapagbayad ng upa ay ikukulong. Ayun pa sa isang nanay na lumabas ang
resulta ng paglilitis at may papel na siyang hawak na ipinapakulong siya dahil
sa hindi pagbabayad ng upa sa bahay. Sabi niya na masyadong “harsh” ang
ganitong verdict sa kaso, ang mabilanggo kasama ang mga kriminal.
Ayun naman sa korte, ang parusa daw sa
hindi pagbabayad ng rent ay pagbibigay ng abiso ng hindi tatagal sa isang buwan
para makahanap ng malipatang bahay o pagpapalayas sa nakatira. Inamin din na
masyadong madami na daw ang kaso ng mga hindi pagbabayad ng upa kung kaya’t kinakailangang
pagkabilango na ang magiging kaparusahan. Sa Jeddah daw ay 1,173 na kaso, sa
Riyadh ay 1,128, sa Makkah ay 883, sa Madinah ay 667, sa Dammam ay 526 at sa
Al-Khobar ay 334 na kaso.
Samantala, sa UAE naman lumabas ang
balita sa The
Filipino Times na padami na ng padami ang mga Pinoy doon na inaayawan ng
mga kumpanya ng real estate at mga may-ari ng bahay paupahan sa kadahilanang
nagsasama-sama ang mga Pinoy, nagpapaupa, ng bedspacing, laging nagpaparty sa
bahay na nakakaistorbo sa mga kapitbahay at pagluluto ng mga maamoy na pagkain
kagaya ng pritong tuyo o daing.
Dahil padami ng padami ang mga
nagtratrabaho sa UAE, nagging mapili na ang landlords sa kanilang pinapaupa. Sa
ngayon daw, ang ibang mga landlords ay nagrerequire na na ang mga uupa ay
pagbigay ng kopya ng bank certificates, o salary certificates para maipakita
kung may kakayahan daw ba silang mangupa ng bahay ayun sa kanilang sahod o
kinikita, dahil kung mas mababa ang sahod, malamang daw na ipapaupa nito sa iba
ang flat o bahay kaya nagsisikipan.
May iba pa daw na mga Pinoy na
pinarenovate at pinalagyan ng mga division at bahay at kwarto ng walang
pahintulot o hindi ipinaalam sa may-ari. Nauso din daw ang family apartment
tapos pinapaupa ng isang pamilya sa ibang Pinoy ang ibang kwarto. Isa din daw
sa mga problema ng sharing o pagpapaupa sa ibang tao ay ang cohabitation, o ang
pagsasama, bilang bedspace, sa isang kwarto kahit babae o lalaki dahil ito ay
isang serious offense, ang pagsasama ng kwarto kahit hindi kasal.
Sa Saudi Arabia, mahigit sa isang milyon ang mga OFW at mga pamilya nito. Sa UAE naman ay nasa 700,000 mahigit ang mga OFW na nandoon.
Maraming challenges ang mga Pinoy sa
abroad ngayon, at isa na dito ang pahigpit na pahigpit na mga batas. Sana lang
wag ng mapuna lalo na sa Saudi itong pagpapaupa at itong pagsasama sa isang
flat ng isang pamilya at mga single o bachelor sapagkat maraming kababayan ang
maapektuhan.
©2014 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment