THINGS TO REMEMBER BEFORE RIDING THE TAXI AT NAIA, METRO MANILA AND ABROAD
THINGS TO REMEMBER BEFORE YOU RIDE A TAXI AT:
THINGS TO REMEMBER BEFORE YOU RIDE A TAXI AT:
NAIA
1.Huwag makisabay ng taxi sa hindi niyo kakilala sa airport. Maraming kaso na naghahanap ng paraang makatipid, yun pala magnanakaw, manghoholdap o nagpapanggap ang kahati sa bayad sa taxi. Sa panahon ng taggipit hindi maiwasang may mga taong magsasamantala sa mga OFW sapagkat alam nila na may dala itong pera o gamit sa bakasyon.
2.Iwasan ang taxi na panay ang pahinto-hinto at patawag-tawag ng celpon. Maaring tumatawag ito ng kakuntsaba para sa holdap o mananambang sa daan.
3.Huwag hayaang buksan ang trunk ng taxi habang nakahinto o nagpapagasolina ang taxi. Maaring masalisihan kayo ng mga gamit.
4.Kausapin ang driver kung magkano ang singil at huwag kaagad sumakay hanggat hindi nagkasundo sa bayad. Kadalasan, ang hindi malinaw na bayaran ang dahilan kung bakit napapaaway pa ang mga OFW.
5.Mag-ingat sa mga MMDA o Pulis daw na humihingi ng pera o mga isanlibong tip o kunwari may violation ang driver o kaanak na may dala ng sasakyan.
6.Huwag magpasakay ng kahit kanino sa taxi kahit pa kakilala ng driver. Maaring maholdap kayo sapagkat nakarinig na tayo ng mga ganitong kaso.
MANILA
1.May mga nanghoholdap, yung iba nagtatago ang kasabwat sa trunk ng taxi at tumityempo.
2.May mga gumagamit daw ng chemical spray na nakakahilo, nakakanigas ng paa at kamay.
3.May mga di tama ang meter ng taxi. Flagdown pa lang, sobra na sa kalahati ang bayad mo kapag di mo nababantayan.
4.May mga namboboso, o nagkukuwento ng mga malalaswa lalo pa’t nag-iisang babae ang sakay.
5.Pagsakay ng taxi, kunin o picturan ang plate number at name ng taxi at isend sa mga kamag-anak para ipaalam na ito ang inyong sinakyang taxi. Walang masama sa nag-iingat.
ABROAD
1. Iwasang sumakay ng taxi na nag-iisa lalo na kung malalayong lugar at madilim na o gabi.
2. Iwasan ang makipag-usap sa
driver ng mga bastos o malaswang usapin.
3. Kunin ang plate number ng taxi at itext sa mga kasama o isend sa inyong kakilala upang ipaalam na ito ang inyong sinakyan.
4. Makipag-usap ng bayad bago sumakay lalo kung galing airport o papuntang airport.
5. Iwasang sumakay sa mga pampublikong taxi
na naniningil ng 2SR
at maraming pasahero. May mga sakay na biglang sisigaw na nawala ng wallet o pera at ikaw ang ituturong kumuha, kukunin ang pera mo sa wallet at sasabihing sa kanya iyun.
Ingat po mga KABAYAN.
©2014 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment