Ayun, sinisikap kong maging normal ang buhay after almost one month na medyo naging abnormal ito.
1. Vacation, umalis ako sa kompanyang tinatrabahuan ko ng maayos, pero maraming dahilan kung bakit. Sabihin na lang natin na hindi sila naging matino! hahaha.
2. Nagulat sa sobrang init sa Pinas, at maging sa kahit saang bahagi ng mundo ayun sa mga balita.
3. Maraming papeles ang inayos at inaayos para sa magandang kinabukasan.
4. Bumalik ulit sa Gitnang Silangan sapagkat di mapapalagpas ang oportunidad sa bagong offer sa trabaho.
5. Naghahanda para sa pagbubukas ng nomination ng PEBA 2010 sa July 2010.
6. Naghahanap ng magandang bahay at maipwesto ang PC at laptop para sa tuloy tuloy na Facebook at blogging. hehe
7. Walang upuan sa trabaho ko ngayon. Maghapon akong naglalakad sa laboratory at nakatayo na naglalaro ng mga chemical, kasama ang mga kinakatakutang theory at analysis sa Quantitative Chemistry nung 3rd year sa high school at maging sa college. Ang laki ng pinagkaiba, kung parang bossing ako dati, matindi rin ang mga bossing dito ngayon, pero pakialam ko sa kanila basta ginagawa ko ng maayos ang trabaho at milyones ang sahod ko! haha (yan ang sinasabi nilang mukhang pera?)lols!
8. Ang hirap pala ng mahiwalay sa asawa at anak. Nararanasan ko ngayon ang naranasan ng mga OFW na malayo sa pamilya. Nakakalungkot, nakakaiyak, nakakawala sa katinuan pero kelangan tiisin para sa kanilang kinabukasan at maaya-ayang pamumuhay. Hoping makasunod na rin ang mag-ina ko sa madaling panahon. Hays. Namimiss ko na ang mga luto ni Mrs. Thoughtskoto!
Reporting, Mr. Thoughtskoto, back to work, back to blogging!
©2010 THOUGHTSKOTO
13 comments:
At bumalik ka nga. Di bale konting tiis lang at babalik ding muli ang pamilya mo sa piling mo. All your hardships won't be in vain. God bless and take care.
good luck sa bagong work parekoy!
Kenji, saan ka na ngayon na destino?
Sa Saudi ba ito, baka laboratoryo ito ng ipinagbabawal na gamot... hahahaha...welcome back my friend... wag kang mag-alala, di maglalaon makakasama mo rin ang iyong mag-ina. God bless you.
welcome back Kenji!! Kaya mo yan for the sake of your family hehehe, good luck sa new job mo!
welcome back to the world of OFW nga ba? Se you around the corner. Take care dyan bro! gb!
malungkot po tlaga pag di kasama ang family...pero konting tyaga lang ang prayers....
keep it up!
God bless!!!
Kenjie, baka nasa France ka na, ayaw mo lang kami gulatin, sus!
mind you, masarap yang minsan may laya kay mrs, ahihihi.
Pero pagdating sa cooking, Mrs thoughtskoto is the best, kaya kunin mo na sila, kundi baka papayat ka.
Bon, change of work is good, it is widening out ng teritory mo and you become wiser.
Ayan, all the best!
Welcome to the Port City of Jeddah! Kitakits tayo this weekend... Super duper busy ako last week (as always)!
All the best sa iyong bagong mundo ng laboratoryo!
pards, mahirap sa simula, pero sabi mo nga.. kakayanin para sa kanila...
musta na!
musta na?
musta ang bagong work?
ingat palagi at welkam bak!
I would like to exchange links with your site www.blogger.com
Is this possible?
I think that readers should use this tips. They will able to help make their work easer.
Post a Comment