Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Sunday, August 02, 2009

Pasasalamat at Suporta


Pasasalamat

THE SANDBOX

Nais kong magpasalamat sa mga taong lubos na sumusuporta sa ating mga adhikain. Isa dito ay si Blogusvox ng THE SANDBOX, isa sa mga taong blogero na hinahangaan ko hindi lamang sa kanyang panulat kundi pati na rin sa kanyang pakikisama sa mga tao sa blogosperyo. Hindi ako nagtataka kung bakit nasa Magic 3 siya sa nakaraang PEBA 2008 sapagkat makikilala mo siya sa kanyang panulat at drawings at hinahangaan din siya ng mga hurado. Kami sa PEBA ay humingi sa kanya ng tulong upang magpagawa ng sariling Juan de la Cruz na mukha para sa aming header sa PEBA, at hindi kami nabigo. Ang larawan sa ibaba ay obra-maestro ng puno ng talentong pinoy, ang blogger sa likod ng malapit nang maging aklat na BUHANGIN SERIES (Insha-Allah), si Blogusvox. Salamat po Sir!


PERLAS NA BLOG

Nais ko ring pasalamatan ang nagvoluntaryong maging pansamantagal na Webmaster, si Jon Guzman ng Perlas na Blog na gumagawa sa kasalakuyan ng sitemap at lay-out ng blog ng PEBA. napakabait na tao, napakahumble, at higit sa lahat mapagkawang-gawa. Ang magiging header ng PEBA at variation nito ay gawa ni Jon, isang batikang lay-out at graphic artist at website builder na nakabase dito sa Al-Khobar. Sayang at hindi niyo makikita ang mga flash at paglilipad ng butterfly at pagsayaw-sayaw ng globe at ng theme pero hayaan niyo at malapit na itong malagay sa PEBA site. Alam ko ang hirap sa paggawa nito at labis akong nagpapasalamat sayo, Jon the Mango.


Naaawa na rin ako sa aming PEBA lady, si AZEL.

Napakasipag, napakatiyaga, at higit sa lahat napakapatient at masayang nangungulit sa inyo para sumali sa PEBA. Salamat sa banner na ito, isang kahanga-hangang kontribusyon na forever will be a part of PEBA history.

At sa marami pang mga Blogger na sumusuporta at nagtitiwala sa PEBA, ang pamilya Thoughtskoto ay nagpapasalamat sa inyo.

Suporta

Kung mapapansin niyo, may nakalagay na nominee banner ng PBA or Philippine Blog Awards sa aming sidebar, at maging sa sidebar ng PEBA at KABLOGS. Ito po ay hindi upang kami ay manalo, bagkus dahil na rin sa pag-aadvise sa akin at sa PEBA ng dating presidente ng PBA na si Momblogger ay napagdesisyunan kong magbigay ng suporta sa isang organisasyon na nagbibigay parangal sa mga Pinoy Blogger. Karamihan sa mga KABLOGS at nominee ng PEBA ay naging nominee na rin ng PBA. I would like to invite all to give our support to this cause in inspiring people from all walks of life to share their blog for the world to read and to learn. Ours is a time of explosion of tremendous knowledge through the use of a medium we are all familiar, the internet. Let us celebrate the outpouring of this technological advancement by asking others to share their stories and laughters, their failures and successess thereby we will all learn and be a better person, a better father, mother, brother, sister, friend and Filipino people, in general.

©2009 THOUGHTSKOTO

9 comments:

A-Z-3-L said...

wala pong anuman...

patuloy ang pagsuporta ko sa PEBA. hangga't may libreng panahon, hangga't kaya ng powers.

maraming salamat din sayo kuya kenji sa pagtitiwala...

RJ said...

Magaling at mahusay nga si Mr. Blogusvox, hindi lang sa pagsusulat kundi pati sa pagguhit. U

Buti nalang hindi makabagong sombrerong pula ang suot ni Juan dela Cruz dito. o",)

Deth said...

nice...mahuhusay talaga ang talentong Pinoy...

thumbs up po sa inyong lahat:D

BlogusVox said...

De nada! Basta nakakaluwag at walang gaanong trabaho, tutulong ako hangang sa kaya ko!

Ken said...

***AZEL

Salamat Azel. You're one of a kind, and soooooooo grateful to have you in PEBA.

***DocRJ
Haha, oo nga noh, classic type na sombrero ni JDC yan.

***Deth
Salamat Deth. Mahusay talaga si Blogusvox, si Jon at si Azel.

***Blogusvox
Haha. Salamat po Blogusvox. Isang malaking bagay ang magkaron ang PEBA ng sariling JDC image.

The Pope said...

Maraming salamat sa walang sawang pagtulong ni Gng. Blogusvox sa PEBA, isa sa aking hinahangan at kapita-pitagang blogger, aabangan namin ang paglulunsad ng kanyang aklat na Buhangin Series.

At sa mutya ng PEBA, sa kanyang convincing power upang kami ay makilahok sa nasabing patimpalak, isa sa mga prominenteng tauhan ng PEBA na madalas na nakikita sa iba't ibang sulok ng Blogospero.

At kay Jon, maraming salamat sa iyong malikhaing kamay at kaisipan na pumuno ng kulay sa tahanan ng PEBA.

At sa iyo Mr.Kenji, sa iyong makabuluhang pangarap na mapagbuklod ang mga OFW Bloggers sa isang bubong ng KABLOGS at PEBA, maraming salamat sa inyong lahat at nabigyan ng halaga ang mga panulat ng Global OFW Bloggers.

The Pope said...

Ang nag-iisang Mutya ng PEBA na napaka aktibo, walang iba kundi si Lady AZEL.

pamatayhomesick said...

lalo akong napapabilib sa PEBA..
at hanep ang gawa ni blogusvox..

mabuhay ang PEBA..todo suporta ang OFW sa inyo.muling payamanin ang talento ng pambihirang pinoy OFW!

Anonymous said...

Mabuhay ang PEBA at ang lahat ng taong nasa likod nito.

Maganda ung proposed designs. Malinis tingnan. Congrats po kay Ed (and I'm truly looking forward to his Buhangin Series book!!) and Jon the Mango (excited na akong makita ang bagong mukha ng PEBA site and I'm sure it will be very, very good). And of course kay Azel, ang mutya ng PEBA (kay Pope galing ung term).

(Pope, hindi naman hawig ni Azel si Doris Bigornia na tinaguriang mutya ng masa ng ABSCBN, di ba? Hehehe. Peace, Azel. I love you).

I so truly heart PEBA and all the people behind it.