Our greatest enemy, sometimes, is ourselves. We love ourselves, we are proud of who we are and what we have accomplish, but we are beset sometimes of the failings and mistakes that drags us down, that if left uncheck will lead to sometimes, broken hearts, broken dreams, broken lives.
Mediocrity.
I might be using strong words today, please forgive me. I would like to unleash something that we been carrying and is too heavy for me and my little family.
Today I declare, unequivocally, and without terms and condition to surrender against one very familiar enemy. One that destroyed many OFW's work, destroyed cherished and long friendships and worst, even destroyed lives. One that becomes a Filipino habit or mentality, at home or abroad, and I believe one of the reason why we are still down there, while other's are already up there.
Today I declare war against GOSSIP!
Nung kararating lang ni Mrs. Thoughtskoto dito sa Saudi, she was 22 that time. A young wife, and without much knowledge about the culture, both Saudi and the OFW's, care free lang kaming nagwawalk along the kanto, or sa mall.
Nakikita ko sa mga mata ng ilang kababayan natin ang tingin na may mga namumuong tanong.
"Legal kaya itong mag-asawa."
"San kaya sila nakabili ng papel para nagsasabing mag-asawa sila?"
"Maganda ang babae, san kayang ospital nagtratrabaho ito?"
"Ano kayang pinakain ng lalaki kay babae at nagkagusto ito sa kanya?"(lols!)
Minsan may hindi nakatiis.
"Ah kuya, saan nagtratrabaho ang misis mo?" "Saan kayo nagpakasal ng misis mo?" "Pare, san ka nakakuha ng papel?" (meaning fake documents of marriage)
Malugod ko namang sinasagot at may mapagkumbabang boses.
"Ah, hindi po siya pumapasok, nasa bahay lang po siya."
"Ay, pagkatapos ng kasal namin sa Pilipinas, kinuha ko na po siya dito."
"Hehe, kuya, ano pong papel?"
One time nasa mall kami, nakakatawa ang sitwasyon dun kasi ang mga tao, kapag sa kabilang side nagchecheck ang mutawa (Religious Police), ang mga tao ay andun naman sa kabilang dulo. Wala pa kaming kaalam-alam ni Mrs. Thoughtskoto na may mutawa pala, wala pa kaming baby nun at paholding-holding hands pa kaming tumitingin sa isang store ng mga watches.
Nabigla ako ng biglang nag-alpasan palayo samin ang mga tao. Nabigla na lang ako may tumabi na dalawang police, pinagitnaan kami ni Mrs. Thoughtskoto. Tapos may isang malaking Arabo, at mahabang bigote ang lumapit at tinapik ako sa balikat asking for my Iqama and papers. Kinabahan ako nun, kasi sa gitna ng mall, daan ang nakatingin sa amin sa malayuan, samantalang si Mrs. Thoughtskoto ay parang Miss Universe na nagwawave ng kanyang mga kamay, sabay lingon dito at duon para sa kanyang mga 'fans'. Hehe, joke lang.
Binigay ko ang aking Iqama or National ID, pati ang Nat'l ID ni Mrs. Thoughtskoto, at papers namin sa Marriage. Sinipat ng mutawa, nagthank you and nagsorry saying that they'll have to do this just for checking. I said, "No Problem at all. Thank you too!"
Umalis na sila habang sinusuyod ang mall, at ang mga tao ay umiiwas naman ng palayo sa kanila, habang dumami naman ang mga tao at fans ni Mrs. Thoughtskoto na nagsilapitan sa amin.
"Napahiya sila, kabayan." Sambit ng isang Pinoy. "Akala nila makakahuli na sila." Sagot naman ng isa. "Saan kayo sa atin?" Tanong pa ng isa. For a newly married couple, she's early 20's and I am late on my 20's kinda unsual here. Kaya kami cheneck kasi bibihira ang magkaroon ng family status na bata pa. To which I am humbly grateful.
We have been a victim of gossip, I have blog about that before. In fact, we asked one of our room occupants to leave our flat because of the issue of gossip. I have heard that the recent tragedy in Khobar where a Filipino murdered a fellow Pinay is because of gossip. Terrible must be that gossip that leads people to take lives.
I have heard countless of stories about gossips and its terrible price. It is okay to pass on information or to speak about someone if he/she is not around as long as it is uplifting and positive.
There are many brothers and sisters to GOSSIP.
FAULTFINDING
BACKBITING
MURMURING
ENVYING
COVETING
JEALOUSY
Pride is the mother of them all. I'll call them all the "Secret Combinations" of our time.
Recently, I received a call from a mother working in a hospital na kakilala namin.
Tsiswhiz: "Ken, may asawa ba si Hanah?"
Ken: "Ha, opo meron po nasa Iloilo."
TsisWhiz: "Kasi nakita ko siya kanina may kasamang lalaki dito sa mall.
Ken: "Ah, baka po brother niya o kasamahan sa simbahan. Kelan po ninyo nakita? Siya po ba talaga ang nakita niyo?"
TsisWhiz: Mga 7:00PM kanina. Oo siya talaga yun. Bakit siya nagdadate eh may asawa pala siya."
Ken: "Ate, kasama po namin si Hanah mga 6-7pm, nandito po siya sa bahay kanina pa.
TsisWhiz: tot...tot...tot... (cellphone off)
I encourage all, na if wala na po tayong masasabing mabuti or ikakabuti, maliban kung constructive criticism or positive commendation, wag na po tayong magsalita. There are things better left unspoken, and we have far more weakness and failings to attend to, including the Thoughtskoto's, than to mind the lives of others who might be far better than we are. Only God knows the intents and desires of our hearts. Only Him, and Him alone can tell who and what you or me really are.
Pagbabago, begins within us.
©2009 THOUGHTSKOTO
21 comments:
tama ka kuya jan...
may mga ibang tao talaga kase kuya na mahilig sa tsismakz. lalo na ung mga walang magawa sa buhay nila, yun bang libangan nalang nila ang pakikipag tsismisan.
sadyang nasa dugo na ata talaga ng ibang tao ang tsismis...kaya ingat nalang tayo sa mga taong hindi natin kilala maxado at wag magsalita ng kung anu-ano agad. at wag basta basta maniniwala sa mga sinasabi ng ibang tao lalo na kung wala tayong alam talaga sa totoong nangyari...
dumaan lang aketch :) nakitsismis sa post mo! lolz!
Amen.
Well said.
Lets hope that these people will find something more productive to do instead of "gossiping". haha.
***Manang Dyi
Oi, anong tsismis dyan? Hahaha
Salamat sa pakikitsismis dito. Stop na ang tsimis! Maliban na lang kung tsismis about sa PEBA Entry ha. hehehe
***Mrs. Thoughtskoto
Oi, nagcomment ang maraming "fans" na asawa ko, okay ah! salamat sa dalaw! parang hindi ko kinuha ang ibang thoughts mo, sa draft ng post mo sa Pinkmother at isinama sa thoughts ko ah. hehehe
Salamat pala sa thoughts mo.
Addendum ko pala.
nabasa ko ang post dati ni THE SANDBOX or Blogusvox na kahit mga male OFW's mga tsismoso din pala.
Sana mawala na sa dugo ng Pinoy ang Chiswhizmis...Sana magcast si RJ ng Harry Potter like spell, hehehe
mbuti na lang po at para sa mga chismosa lang ang post na to...
heheheh
pano na lang kung para sa mga alaskadora at mapambalahurang kagaya ko toh, di na ko makakacomment kung sakli..(joke)
sabi nga nila kuya...
mas chismoso pa daw ang lalaki kesa sa mga babae...
tested and proven ko yan kuya...:D
Total war against gossip!!!
All the tsismosas pala ay nariryan sa Saudi, talagang nakaka-irita ang ganyang mga tao. Since biblical times naririyan na ang mga tsismosa and the Bible has warned us Christians about the evil of these men can do.
Sabi nga sa Proverbs “a perverse man stirs up dissension, and a gossip separates close friends” (Proverbs 16:28) - maraming magandang pagkakaibigan ang sinira ng tsismis kaya nga Christ has warned us of the evil that gossip do to friendships.
Kaya't pinag-iingat tayo ni Bro, and He said:
“A gossip betrays a confidence; so avoid a man [or woman] who talks too much” (Proverbs 20:19).
Pero ganun raw talaga, kapag hatik ang bunga ng isang puno ito'y laging pinupuna at pinag-uusapan, anong magagawa natin kasalanan ba ninyo kung kayo ay perfect couple at may sparkling personality (sige na nga guapo at guapa). They cannot care less kasi naiingit sila, hahahaha.
God bless you and your family.
Kenjie, tip: Paglumabas kayo ni Shiela at baby tots sa mall. Always look straight and confident and look at mutawas straight in the eye, kahit malayo pa sila. Sila mismo ang maiilang lumapit.
Hindi rin ako abatin ng mga kababayan nating "Uzi". Maybe because of the way I look at them in the eyes. Sometimes I put on my "haunting, hunted" looks.
I was, am and will be a victim of gossip..ayaw kasi akong tantanan..kambal ko na ata ito..hay...
Nakikita ko ngayon ang advantage ng tatlong tao lang sa workplace, at malayo sa kabihasnan. Walang tsismis. Hindi ko na experience ang bagay na yan dito sa current job ko.
...but i agree sa mga sinabi niyong masasamang naidudulot ng tsis. Noong nasa Philippines pa ako nagtatrabaho, naranasan ko ring napakaraming kontrabida.
Pero ayos lang, kapag may mga kontrabida raw kasi sa paligid mo, ang ibig sabihin ikaw ang bida! o",)
pag walang magawa kasi,yung ibang pinoy yan ang pinanglilipas ng oras,ang makakita ng paguusapan..pero grabe pala talaga dyan sa saudi,masyadong malakas ang power ng mutawa,may kasama laging police..
ewan ko pards ha, sana maiwasan ng ibang pinoy ang ganyan,kasi hinihila nila pababa ang sarili at kapwa..pinagtatakpan kasi nila ang mga maling gawa. kung wala ka namang dapat ikatakot at ikabahala bakit ka matatakot diba. yung iba kasi kala nila pareho lahat ng tao. maraming ilegal kasi na gawain,kaya nawawalan ng tiwala sa iba, at ang gagawin gusto maging katulad nila.im sure pards,pagdating ng araw mababawasan ang ganyang mentalidad sa ibang bansa sa ugali ng ibang pinoy. kasi matitira nlang talaga ang may mga mahuhusay at may dignidad na katulad nyo...kahit saang lugar pa...sige pards masyado nang mahaba ito.. madalas kasi nangyayari din yan dito sa kuwait ang humusga..kung sino pa yung mga mababa ang sitwasyon dito sila pa ang mga maangas sa ganyan. at yung mga nagttrabaho ng maayos at may papel sila pa ang mapagkumbaba.
masasabi ko lang yung ganyang tsismis tsismis eh, takot sila tumingin sa salamin.
ako po nanggigigil dyan sa tsimis.
Tingin ko sa ganyang tao ay:
walang magawa sa buhay kundi magbantay ng kilos ng iba.
Sa France, ang mga ganyang tao, iniiwasan, kasi they put US in trouble.
Usually ang sagot ko dyan:
And so? Do you have a problem with that?
In some stories I heard, gossipers start the fire, when it became a forest, the one started it saying: oh after all it is not my business.
hugas kamay na.
Sarap ibitay ang mga pakialamera.
To stop that is to face the person and really put her where she should stand, and let it be known to the community what she did so that everyone will avoid her.
I would. And I did. Tumigil sila sa kaka tsismis sa buhay ko when I told someone once.
Hinaharap yan, hindi hinahayaan. Loko sila..
Each one builds its own reputation....
remember small mind talk about people, big mind talk about ideas.bakit hindi natin cla invite d2 sa blog natin para d2 cla gumawa ng tsismis. heheheheh!!! lets invite then kenj.lets blog in.!!!!!
Speaking of confrontation sa mga ngtsitsismis. Ang dami kasing tsismis, kaya lang sayang ang time kung isa isahin pa namin sila i-confront. Siguro ang iba gusto lang talaga maghanap ng away. One time merong hindi makatiis sa aming pananahimik.
Lumapit ang isang kakilala saken, at pabulyaw na nagsabi
Mrs. A: hoy bakit mo itsinitsismis na ***(pasigaw with matching turo ng kamay).
Mrs. Thoughtskoto: sige po iharap nyo kung sino ako nagsabi para malaman natin kung sino ba nagtsitsismis.
Mrs. A: Anong iharap, eh ipinagkakalat mo eh. (pasigaw pa rin)
Mrs. Thoughtskoto: iharap nyo po para malaman natin kung sino nagsasabi ng totoo. Kung gusto nyo magsabi na rin kayo ng kahit isang pangalan kung kanino ako nakipagkwentuhan.
Mrs. A: Eh bakit sabi ni ***, sinabi nyo na ganito ganyan.
Mrs. Thoughtskoto: Ah ganun po ba, gusto ko din nga sana kayo kausapin kasi sinabi nyo din daw sa kanya na may sinabi kami na ganito at ganyan sa inyo. Kelan po ba ako nakipag usap sa inyo o nakipagkwentuhan isang taon na tayo magkakilala.
Mrs. A: Oo nga ni hindi tayo nag uusap. Wala akong sinasabi sa kanya na may sinabi kayo sa akin na ganito at ganyan.
Mrs. Thoughtskoto: Siguro po dapat magharap harap tayo tatlo at mag usap para ma-clear na yan.
Mrs. A: Ewan ko, dahil wala ako sinabi na ganyan. Nabanggit ko lang, pero wala ako sinabi na sa inyo nanggaling.
Mrs. Thoughtskoto: Kanino po kaya nanggaling yon. Siguro hindi lang kayo nagkaintindihan.
Mrs. A: Nabanggit ko lang sa kanya, kasi may narinig lang ako sa tabi tabi, hindi ko na maalala kung sino. (malumanay na).
In the end lalabas din ang totoo. Sabi nga peace is the best weapon. Sila din ang hindi makakatiis sa pananahimik mo. At you don't have to waste you time finding and confronting them.
P.S.Nasaken ang huling halakhak. Good luck sa mga tsismosa at tsismoso. hahhaha.
WHEN YOU'RE AROUND WITH TSISMOSO'T TSISMOSA BETTER KEEP QUIET AND JUST LISTEN KUNG ANO MAN ANG PINAGTSITSISMISAN NILA. NEVER GIVE A COMMENT AND FOR SURE YOU'LL BE SAFE AND SURE TOO NASA IYO ANG LAST HALAKHAK...BAKA KASI SUMALI KA RIN SA PINAGTSITSISMISAN NILA. WHY DONT YOU ASK YOURSELF? BWUHAHAHAHAH...
*** Blogusvox
Salamat ng mdami sa tip, haha, ganun pala, take it from the veteran from Riyadh, the strictest city in Saudi!
Salamt po!
Bakit ba naman kasi napakasarap ng oras at bidahan kapag buhay ng ibang tao ang pinag-uusapan! Haaay!
I must admit nag-e-enjoy ako sa mga usapan tungkol sa buhay ng ibang tao (especially those close to me). And for that I extremely apologize especially dun sa mga taong naging biktima ng aking makating dila. (Napakaliit ng dila pero napakatindi ng power nya!).
As a receiver naman of tsismis, I don't really believe them outright. Lalo pa kung hindi naman credible ang nagkukuwento.
Sige from now on, I will try to talk only of I, me and myself! Hehehe.
***Jen
Talaga pala, mga lalaki ang matindi sa tsismis? hahaha, sa tagayan ba nangyayari yan? hehehe, safe ako, di ako tumutuma eh.
***The Pope
Bakit kasi mahigit sa isang milyon or 2 milyong ang nadito sa Saudi na Pinoy, kaya marami din dito ang mga TsizWhiz.
***Ruphael
I am sorry that you had been a victim of the gossip too. It's a terrible plague that destroyed many lives and i think it is Satan's tool to spread the evil in this world.
***RJ
Natawa kami ni Mrs. Thoughtskoto nung binasa namin ang comment mo. Oo nga noh, pag may kontrabida, tayo ang bida. Wag lang mamatay ang bida in the end ha. hehehe
***Ever
Salamat sa comment. Mukhang mahaba ang comment and nagenjoy talaga ako sa pagbabasa. I guess naging biktima ka rin nitong Gossip.
***Francesca
Ate Frances, seguro naging usap-usapan ka na sa breakfast, lunch at dinner ng maraming anonymous sa bloglife mo. hehehe Ganun daw talaga sa showbiz.
***Caloi
Maganda talaga ang quote na yan galing kay Eleonor Roosevelt. Salamat Kuya.
very well explained kuya tot..
and yes sad to say gossip is a very rampant disease. para nga yata siyang H1n1 pandemic na.
Nasa sarili natin ang pagbabago, napatunayan ko yan nang minsan mainvolve ako sa eksena na nagpabago ng relationship ng 2 staff sa amin. I weighed what was the right thing to do and i ended up telling the truth.
From then on kapag nararamdaman ko ng "chismisan" eto, lumalayo na lang ako para wala na akong marinig..clear na ang conscience ko.
***Nebz
natawa naman ako sa talking about, you, me and myself. hehehe. Okay lang naman seguro kung positive at informative. Pag di na kasi nakakabuild it will end up hurting others.
***Niqabi
Oi, nabasa ko ang post mo. hehehe. Galing nga ng ginawa mo, you tell the truth, di ba ang sarap ng feeling? Salamat sa dalaw at comment.
***Nebz
natawa naman ako sa talking about, you, me and myself. hehehe. Okay lang naman seguro kung positive at informative. Pag di na kasi nakakabuild it will end up hurting others.
***Niqabi
Oi, nabasa ko ang post mo. hehehe. Galing nga ng ginawa mo, you tell the truth, di ba ang sarap ng feeling? Salamat sa dalaw at comment.
di po ako ofw nandito po ako sa atin sa pinas pero nakakagulat talaga mga pinoy kahit saan mapunta di ko naman nilalahat pero madami sa atin ang dala ang pagiging tsismoso at mapanuri. minsan pa kapwa mo na pinoy ipapahamak ka pa para lang sa pansariling interes.
Post a Comment