Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, March 21, 2023

Pabor kaba sa Divorce Bill?








MANILA, Philippines — INAPRUBAHAN ng House Population and Family Relations Committee nitong Martes, Marso 21 ang isang unnumbered substitute bill na nagbabalik sa divorce bilang alternatibong paraan para sa pagpapa-walang bisa ng kasal.

Unanimous na inaprubahan ang nasabing panukalang-bata matapos nakakuha ng 12-0 na boto mula sa panel.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas na dadaan sa judicial process ang anumang divorce petition kung saan dito patutunayan ang dahilan ng divorce at kawalan ng anumang posibilidad na magkasundo pa ang mag-asawa. 

Sa kabila nito, ipinagbabawal ng panukalang batas ang quickie, notarial, email at iba pang mabilis na drive-thru divorces.

Ads


Dagdag pa nito na walang decree of absolute divorce na ibabase sa stipulation of facts o sa confession of judgment.

Maliban dito, may inilaan din na 60 araw na cooling-off period matapos inihain ang divorce petition. Sa nasabing period, gagawin ng huwes ang makakaya nito upang pagkasunduin ang magkabilang panig. 

“Spouses, especially wives, will soon have the option of getting out of an irremediably broken marriage and get a new lease on life with the approval by the House Committee on Population and Family Relations of the bill reinstituting absolute divorce in the Philippines,” pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman, isa sa mga principal authors ng panukalang batas.

“The approval of the substitute bill on absolute divorce for eventual plenary debates assures that the country is now at the threshold of joining the universality of absolute divorce in the community of nations,” dagdag pa ni Lagman.

Inaatasan din ng divorce bill ang public prosecutor na magsagawa ng imbestigasyon upang matiyak na walang sabwatan sa pagitan ng magkabilang panig  o kung pinilit ng isang partido ang isa na maghain ng divorce petition.

Ads

Sponsored Links



Ang divorce petition, gayunpaman, ang idi-dismiss anumang oras sa panahon ng paglilitis kung sumang-ayon na magkasundo ang mga partido.

Gayundin, ang divorce decree ay maaaring mapawalang-bisa kahit na matapos ang pagpapalabas ng absolute divorce decree sa kondisyon na ang mga partido ay magpasya na magkasundo.

Para naman sa mga mapapatunayang nagkasala ng pakikipagsabwatan upang makakuha ng isang divorce decree o ng isang asawa na pumipilit sa isa na maghain ng divorce, ang panukalang batas ay nagpapataw ng limang taong pagkakakulong at malaking multa.

Sa ngayon, ang Pilipinas at Vatican na lamang ang mga bansa sa buong mundo na walang divorce law. 

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: