Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, March 02, 2023

6 Bedroom Plants that Will Help You Sleep







Importante ang tulog para sa physical well-being ng isang tao. Ngunit may mga panahon na hindi sapat ang dim light sa kwarto, malambot na kumot at unan o magagandang musika para magkaroon ng mahimbing na tulog.

Alam ba ninyo na may mga tanim o halaman na hindi lamang pampaganda o pang-dekorasyon sa loob ng bahay, ngunit nakakatulong din bilang pampa-tulog?
Tinatawag itong mga "plants for sleep" na nakakapagbigay ng positibong epekto sa mood at kalusugan ng isang tao. Base sa pag-aaral mula sa Kansas State University, nakaka-baba ng blood pressure at anxiety ang pagkakaroon ng mga halaman sa loob ng kwarto.

Kaya narito ang mga halaman na maaari mong alagaan sa mismong loob ng kwarto mo na makakatulong sa pagkakaroon ng magandang tulog.

1. Snake Plant

May kakayahan ang mga snake plant na i-filter ang hangin sa loob ng bahay o kwarto. Isa din ito sa mga halaman na may kakayahang i-convert ang carbon dioxide sa oxygen sa gabi. Dahil sa mga katangian na ito ng snake plant, nagiging ideal ito bilang bedroom plant dahil nire-regulate nito ang healthy airflow at natatanggal nito ang formaldehyde, benzene, xylene, toluene, at trichloroethylene mula sa hangin. 

Hindi din ito nakalalason sa tao o sa mga hayop.

Madaling alagaan ang mga snake plant dahil hindi nito kailangan ng direct sunlight at maraming tubig dahilan kung bakit perfect ito sa loob ng kwarto.






Ads


2. Peace Lily

Isa sa mga halaman na nasa listahan ng NASA bilang toxin removers. Itinututuring din na low-maintenance houseplant ang peace lily dahil mas lumalago ito kahit hindi nasisikatan ng araw. Kilala din ang peace lily sa mga halaman na may kakayahang mabuhay kahit sa isang kwarto na walang bintana.

Sa research mula sa Japan, epektibo ang mga peace lily sa pagtanggal ng toluene and xylene, mga uri ng toxins sa hangin. Nakaka-absorb din ng mold spores mula sa hangin ang mga dahon ng peace lily.

Dahil kilala ito bilang air purifiers, isa ito sa itinuturing na best plants na makatutulong para sa mahimbing na pagtulog.





Ads
{EMBED VIDEO HERE}
Sponsored Links



3. Aloe Vera

Kilala ang Aloe Vera bilang oxygen generating machine. Nagbibigay ito ng maraming oxygen at nakatutulong sa mga may insomnia na makatulog ng maayos sa gabi.

Kinilala ng NASA bilang air-improving plants ang Aloe Vera gaya rin ng Snake Plant. Isa din ito sa mga madaling palaguin na halaman dahil hindi ito nangangailangan ng direct sunlight at regular na pagdidilig.

Madaling paramihin ang Aloe Vera na hindi lamang nakakapag-bigay ng magandang tulog ngunit maaari ding gamitin ang mga dahon nito bilang topical treatment sa mga maliliit na paso, kagat ng insekto at iba pa.






4. Jasmine

Ayon sa isang pag-aaral, ang bango ng jasmine ay nakakatulong upang magkaroon ng restful sleep ang isang tao. Ang namumulaklak na halaman na ito ay nakakababa din ng anxiety levels para sa mas magandang mental health.

Ang exotic plant na ito ay may soothing effect sa katawan at isipan. Sa isang pag-aaral, nagbibigay ng positibong epekto ang pagkakaroon ng jasmin plant sa loob ng bahay o kwarto dahil nagbibigay ito ng high-quality sleep.




5. Rubber Plant

Kilala din sa tawag nga ficus elastic ang rubber tree plan. Magandang indoor o bedroom plant ang rubber plant dahil nagre-release ito ng oxygen habang nag-aabsorb ng cabon dioxide habang ikaw ay natutulog.

Napatunayan sa mga pag-aaral na ang common house plan na ito ay nakakapag-bigay ng magandang epekto sa overall health kabilang na dito ang pagpapababa ng stress levels at nagpapaganda ng tulog.




6. Golden Pothos

Kilala bilang ‘super air purifier’ ang Golden Pothos na isa sa magandang addition sa alinmang kwarto sa loob ng bahay mo. Maaaring ilagay sa pot o hanging basket ang Golden Pothos.

Sinasabing parang "magic" kung mag-trabaho habang tulog ka ang Golden Pothos dahil nililinis nito ang hangin sa loob ng kwarto at ina-absorb ang mga air toxins kagaya na lamang ng carbon monoxide at formaldehyde.

Isa ito sa mga low-maintenance plant na maaaring tumubo sa mga low light areas at kailangan lamang diligan kung tuyo na ang lupa nito.



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: