Dates photo taken at Al Khobar, Saudi Arabia
When we went home, one Sunday afternoon in the Philippines, I bravely and briefly conducted Saudi 101 in a group of around 100 people in our congregation, telling them what the real life in Saudi is.
What makes it different working in Saudi than in any other place? What makes a certain place/country the best location to work? Nice and beautiful sceneries? Cozy and pleasant environment? Tall and skyrocketing buildings? Salary and high-income places? Peace and satisfaction?
What makes it different working in Saudi than in any other place? What makes a certain place/country the best location to work? Nice and beautiful sceneries? Cozy and pleasant environment? Tall and skyrocketing buildings? Salary and high-income places? Peace and satisfaction?
Mr. Thoughtskoto with his Jeddah-born son, Galei
-Saudi Ka Lang Pala?!-
(Madami po kaming kaibigan sa ibang bansa maging sa US, Canada at Europe. Hindi po mahalaga para sa amin kung nasaan tayo, ang importante po, tayo ay nagsisikap para sa ating mga magagandang pangarap sa buhay at para sa ating mga minamahal)“San ka ba galing?” Tanong niya sakin. “Saudi po ako. Isang buwan at kalahati kaming nagbabakasyon dito. “
Saudi ka lang pala, akala ko nasa Utah ka na, or di ba mag-aaral ka sa Hawaii?”
(Umismid ako sa “Saudi ka lang pala”. Biglang uminit ang aking pakiramdam.)
“Ay hindi na po ako natuloy sa Utah, wala po kasi kaming pera noon para sa show money para maaapprove yung scholarship grant ko sa BYU or sa Hawaii.”
“Anong trabaho mo dun sa Saudi? Ang init-init dun di ba?”
“Chemist po ako. Mainit po kung summer pero sobrang lamig naman pag winter. Nagissnow pa nga po minsan sa Riyadh, capital city ng Saudi.”
“Ilang taon ka na dun? Sabi nila kapag matagal ka na sa Saudi, pag-uwi mo, wala ka nang trabahong makukuha at wala ka nang masyadong alam. Nakakabobo daw dun.”
(Nagpanting ang tainga ko, dinig na dinig ko ang kalampagan ng drum at cymbal, pati kampana. Bumuntung hininga ako at sumagot…)
“ Magwawalong taon na kami dun, kasama ko ang misis ko, at dun na ipinanganak ang dalawang baby namin. Walang trabaho? Baka po wala ng mahanap na trabaho dahil kakarampot po ang sahod ng mga ultimong technician dito, minsan nga 3 months kontrakwal lang, ang dami pang deductions lalo na tax at baka po nabobobo dahil hindi po kami ganun kaupdated ng mga nangyayaring corruption lalo na sa gobyerno at mga krimen na nangyayari dito sa Pilipinas.”
Sabay tanong ko sa kanya, “Nakapag-abroad na po ba kayo? “
(Alam ko na nakapagbakasyon na siya sa Hongkong, sa Europe, sa Macau, sa US.)
“May mga kakilala po ba kayo na nagwowork din sa Saudi o sa Middle East?”
Si Pareng Domeng niya daw, at ang mga pamilyang Maganto at mga anak ni Aling Trisya mga OFW daw yun sa Saudi o Dubai hindi niya matandaan, pero mahirap pa rin daw ang buhay. Yung isang anak nga ni Aling Trisya, umuwi daw dahil 3 months na walang pasahod ang kompanyang pinapasukan.
“Bakit kasi Saudi pa kayo nag-aabroad, ang dami naman sa Malaysia, sa Singapore o sa Australia o sa US o Canada.”
Depensa ko, “Ano po bang kaibahan ng OFW sa Saudi kaysa sa ibang bansa? Sa Middle East po, we enjoy some benefits that other OFW’s doesn’t enjoy. Most common is the free tax kaya buong-buo ang salary na makukuha mo. The benefits and standard of living of most OFW’s are higher because the costs of living are cheap as well as the price of goods. Nakakaipon ng malaki kasi nga walang taxes and many fees. And besides pangalawa po sa US ang Saudi at Middle East sa may pinakamaraming OFW sa buong mundo. With regards to the walang pasahod, marami po talagang ganung kwento sa Saudi, kakaawa nga eh. Pero sipag, tiyaga at tibay ng loob ang labanan sa buhay abroad. Dyan sa pamumuhay sa Middle East lalo na sa Saudi na siyang sentro ng relihiyong Islam nasusukat ang tibay ng isang OFW.”
“Sa Saudi na pala pinanganak ang anak niyo, di Saudi citizen yan?" Tanong niya.
“Hindi po wala pong ganyan sa Saudi. Filipino pa rin po sila. Sa totoo lang po, mas masaya sanang kasama ng mga OFW ang kanilang pamilya dito sa abroad, pero nakakalungkot din na hindi lahat ay makakasama ang pamilya, ganun pa man, masaya na rin sila na napupunan ang mga pangangailangan na hindi kayang tugunan kung mananatili lang sila sa Pinas”
I joke around before we part ways.
“May suggestion po ako sa inyo, tutal, natour naman na ninyo ang mundo, bakit di niyo subukang bumisita ng Saudi, subukan ko pong hanapan kayo ng sponsor. Marami kayong matutunan dun, at malalaman niyo ang tunay na sitwasyon ng mga kababayan natin. May masaya, malungkot, at may nagtitiis, nagsisikap para matupad ang mga pangarap. Ipagdaddrive ko po kayo ng kahit anong uri ng sasakyan, (nagyabang ako ng konti na lahat ng klaseng magagandang sasakyan nakikita sa daan, at may mga pwedeng marentahan) pasasakayin ko pa kayo ng kahit camel! Pang-asar ko na sinabi.”
Ito pong usapang ito ay isang halimbawa kung papaano na sa sariling bayan natin or in other places ay kulang sa information at hindi tamang pananaw about sa tunay na kalagayan ng buhay OFW sa Saudi . Sa palagay ko, kung gaano kadami ang nag-aakala na kapag abroad ka ay nagmimina ka ng pera at ginto, ganun din kadami ang nag-iisip na gadisyerto ang init at naliligo ka sa pawis habang nagtratrabaho dito sa Saudi o sa Middle East. Hindi po natin kailangang maliitin ang ibang tao kung saan man sila nagwowork, at hindi rin po ibig sabihin na hindi maganda sa US o Canada o sa Australia, dito lang pinalad na mapunta sa Saudi at Middle East ang mahigit sa 1.5 milyong mga OFW, kasi may opportunity dito, maayos na trabaho, para sa katuparan ng mga pangarap sa mga mahal sa buhay. Hindi importante kung sa Singapore yung iba o Malaysia o sa Hongkong o kahit sa "Saudi lang pala", ang mahalaga, masaya ang pamilya at maging maayos ang buhay ng bawat isa.
When we went home, one Sunday afternoon in the Philippines, I bravely and briefly conducted Saudi 101 in a group of around 100 people in our congregation, telling them what the real life in Saudi is.
What makes it different working in Saudi than in any other place? What makes a certain place/country the best location to work? Nice and beautiful sceneries? Cozy and pleasant environment? Tall and skyrocketing buildings? Salary and high-income places? Peace and satisfaction?
"Saudi ka lang pala?" Mas mabuti po ito, marangal na trabaho kahit nakakalungkot, nagtitiis kaysa mamatay ka at ang buong pamilya sa Pilipinas na dilat ang mata!
LIKE our FACEBOOK PAGE HERE
THOUGHTSKOTO
©2013 THOUGHTSKOTO
12 comments:
nakakaloka yang kausap mong yan! Buti di mo pinatulan hahahha
I've read this post via facebook and I must say, the nerve nung kausap mo. Sa totoo lang, ako proud na proud na taga Saudi kasi ito ang bansang bumuhay sa akin at sa aking buong pamilya. Kung wala itong bansang ito, san kaya kami pupulutin. Totoo naman, nakakapagtrabaho tlg dito ang mga undergrads gaya ng tatay ko, buti na nga lang dito pwede un di tulad satin, laging kailangan nakatapos bago bigyan ng maayos na trabaho, buti nalang may Saudi kasi dahil dito, napagtapos kami ng tatay ko... salamat sa Saudi Arabia, nagkaron kami ng kabuhayan...
Mga Ate, Ako po ay nagtratrabaho dito sa SAUDI LANGi going to 10 years na, marami na po ang nabago dito, marami na rin Saudis ang mga nakapag-aral at nakatapos at may mga masteral pa at doctorate degree pa sa ibang countries, like europe and usa. sa batas naman nila marami na rin ang nabago, kahit po yung pagputol ng kamay pag may nahuling magnanakaw ay inalis na, yung isang daliri mo na lang ang puputulan ng litid para d na makagalaw ANG ISA MONG DALIRI, dyan sa atin napakaraming balita dito ang tungkol sa nakawan, eh kung ganoon kaya ang GAWIN sa kanila, maaaring mabawasan ang gumagawa ng pagnanakaw. ANG MAHIRAP NA TRABAHO DITO AY MGA DOMESTIC HELPER, na kung pwede nga lang na hindi PUMUNTA dito ang mga Pilipino na ganoon ang magiging trabaho, ginawa na nila. kaya lang ang PROBLEMA ay diyan sa atin, wala silang MAPASUKAN NA TRABAHO, na kahit na yung mga may tinapos, hirap rin makapasok ng TRABAHO.yun namang napuputulan ng ulo eh yung gumagawa ng matinding pagkakasala, na in the first place ay alam naman nila yun, bago pa sila pumunta dito sa saudi. mahirap, oo, pero kailangan ang tiyaga. mostly ng Filipinos working here, eh hindi naman nasa initan, NAKA AIRCON PA NGA at maayos naman ang position. Kahit ang mababa ang position NA MGA PILIPINO ay may maayos na pamumuhay DITO SA SAUDI LANG, na hindi MARARANASAN diyan sa atin. siguro nga yung nasasabi nya eh dati pa yun. ang iba kasi nating kababayan, matitigas ang ulo, alam na ipinagbabawal, yun pa ang gagawin, kaya nakukulong sila, ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at inuming may alcohol, eh sila pa ang gagawa at magbebenta, bawal ang pagsasabong, sila pa ang mangunguna sa pagpapasabong. Ang nasasabi niya na iyan ay yung mga nasa liblib na lugar na naka assign dito. sa ngayon ang mga saudis pag gusto nila mag happy happy ay pumupunta sila ng bahrain or any OTHER countries NEAR from saudi or any GCC countries. Talaga lang na marami sa kanila ang tamad magtrabaho, AYAW MAG-ISIP at gumawa, pero nagpapasalamat pa rin kaming mga OFW dito dahil if masisipag sila, wala kami dito sa lugar na ito. Marami po ng mga FILIPINO here working in SAUDI LANG AY HIGHLY TRAINED PROFESSIONALS, BOARD PASSER and SKILLED PEERSONNELS. And finally, PLEASE take note, Biblicaly speaking, " WISE MEN CAME FROM THE EAST" it is written in Matthew Chapter 2 Verse 1. ,,,,,,,REGARDS PO.
People who underestimate OFW's in Saudi are ignorant and clueless. I was one of them before. Now, I'm running 5 yrs here in Saudi and though life is unusual here, (freedom wise) but I see a lot of advantages of working here. After all, kaya nga tayo nag-abroad para kumita ng pera diba? Hindi para ihambog kung saang lupalop ka naroon. A lot of Western based OFW's come here because of earning "taxless" salary, ifever there's such a word.
Well anyway, maybe the cliche, "Katas ng Saudi" seems funny to others, but at least I know we are not earning money in vain here. We can shop and buy stuff we want without being scared na ma-short. Saan man sa mundo ilagay ang isang OFW, isa lang naman ang iniisip natin, ang mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya natin. Kaya sana sa mga makikitid ang utak na kung maka-comment sa mga Saudi OFW's eh wagas, tignan niyo muna ang sarili niyong bakuran bago kayo makialam sa bakuran ng iba. At least kami kumakayod ng mahusay.
Kuya r u an LDS?
Saudi lang din ako nag work as a Registered Nurse in a military hospital my husband until now is working as an automotive technician at Mercedes Benz and proudly we earned as much as other is earning in some other countries that they usually say better than SAUDI LANG and it is free from taxes..plus the fact that we dont need a double job to earn that much..we work decently & with dignity..If SAUDI LANG is LANG bkit kmi nakapag invest ng house & lots as in lots, cars as in cars, and now that Im here in the Philippines for good I'm running our own business..the point here is that pare pareho lang taung OFW kahit saang country kapa the reason why we went abroad is to give our family a comfortable living khit saang country pa yan in the end uuwi at uuwi kapa din sa pinas kc khit anong gawin mo Pilipino ka pa din mami miss mo pa din ang tuyo at bagoong...its a matter of "sipag at tyaga" and faith to God..kahit saan ka pang country my mga tao tlgang sadyang nagiging successful at meron din namang hindi ng su-succeed.kaya sa mga nagsasabing SAUDI LANG, boom panes!
Saudi lang din po ako, almost 18 years na (mukha na raw akong kamelyo). I was aslo living here with my wife and kids. Twice a year umuuwi kami sa pinas para magbakasyon. Yung kumpare kong nagpunta sa canada 15 years na hindi pa rin makauwi. Bukod daw sa laki ng pamasahe, baka daw wala ng siyang trabaho pagbalik nila sa canada. Nakapasyal na rin kaming mag anak sa UK,Hongkong at sa USA (yung panggastos, kinuha ko lang sa housing allowance ko :)). Iyan ang wala sa UK,USA,Canada or sa kahit saang bansa. Yung ganiyang klase ng pribilehiyo na nakukuha ko sa Saudi lang....
greatful ako sa Saudi kc npg aral kming apat n mgkakapatid ng tatay ko dahil sa Saudi... heavy equipment operator ang tatay ko at evrerytime n tatanungin ako ng mga kaibigan at kakilala ko very proud kong cnsabi ng yun ang trabaho ng Tatay ko sa Saudi at npka sipag ng Tatay ko. Di man nktapos ang Tatay ko Saudi gave my Tatay d opportunity to work there kaya di nmin sinyang magkakapatid ang effort ng Tatay ko. Now we are all in a Corporate world and having our own works... un parents ko nmn ang Pensionaire kc kaming apat n ang ng susuport sa kanila...
tama ka pare ko housing lang pang-gala na, pambili ng cars bahay etc. kung saudi lang! ang ang tingin ng iba sana di ko na ito ma mimiss, ngunit nami-miss ko ang jogging sa cornish, ang shopping sa rashid mall, ang fishing sa dammam bahrain causeway, ang driving around al-khobar / halfmoon beach, estraha parties at maraming pang iba. i was there for more than a decade with my family and I love every bit of it. at dahil din sa bansang ito ay narating ko ang ibat ibang sulok ng mundo for free. only in saudi.
Boom panis ang nagsasabi na SAUDI KA LANG PALA. In God's help and guidance my stay here now for more than 25 years and no regrets. As they said l've been to many countries because of my housing allowance and that is true! Saan ka pa? Frankly speaking, I was an alcoholic b4 when in pinas but look at me now-alcohol free with med insurance pa!
Misinformed yong kausap mo. Sad to say, nagiging pangit ang isang lugar kung pangit ang naging kapalaran ng isang tao doon sa napuntahan nya. Mapa-USA, Canada, Europe o Australia pa man yan.
I choose Saudi despite the fact na pwede naman ako pumunta sa kahit saang bansa na gusto ko.
Some of my reasons are as follows:
1.My benefits. Free Airfare going to my country twice a year. 3 months housing allowance base on my basic + 10% transportation allowance, Performance bonus and 13 month pay. So what more can I ask for.
2.I only paid less than Php6,000 or SAR500 a month for my food and Php90,000 or SAR7,500 shared 3 bedroom brand new apartment. Riding a brand new toyota car of which I only use my allowances.
3.I can go any place either a nearby country or far from my workplace. If im bored in Saudi I can drive 45 minutes to Bahrain and watch movies, eat pork and party all night in disco houses and pubs with mix races. Its easy to get approval for US, Shengen, UK visa.
4.I work with different races, from Arab-GCC Nationals to Nepali, Indian, Filipino,Mexican-American, British,American
5.Its more safe for me to work in a strict country and deal with there customs and tradition.
6.what more can I ask more..
kanyang kanyang diskarte lng yan kung paano mabuhay ang pamilya mo kung sang lugar ka kaht nsa pinas ka or abroad as long maayos ung panghanap buhay mo nsa Saudi ka nmn pero gnon namn ang kita mo sa pinas umuwi ka na lng sa pinas at makapiling ang pamilya mo...maraming dis-advantage at advantage sa abroad pero ang kalabasan ng lahat un maahon mo sa hirap un pamilya mo....pero kung ako ppailiin mn lng yaw ko sa Saudi galling na rin ako jan mas pabor pa rin ako sa asia country...galling na rin ako sa Malaysia, Indonesia, New Calidonea, Russia at Africa, sa awa ng diyos napuntahn ko libre lahat wla akong ginastos kung ppalarin ka maigi kasi swerte swerte ang abroad pero kung bigyan ka ng magandang pagpiliian don ka talga sa mas mainam pra sayo....kung mas maganda ang Saudi para sayo mabuti yon..kung mganda para sayo ang Pinas mabuti p rin iyon as long lng na kagustohan mo....
Post a Comment