(Mga kuha ko gamit ang celpon nung ako ay nagbayad ng aking OWWA OFW Fee, ang haba ng pila, kaya dito na ako sa labas, number 5201 ako, pang limang libo mahigit sa araw na yun.)
Naisip ko lang yan, naitanong ko pala sa isip ko.
Bakit nga ba maraming nag-aabroad? Some migrate with their families, some pursue their studies, but a big portion, numbering to 13 Million went abroad in almost, always singular reason...
better future.
Never mind ang lagpas kili-kili at minsan abot-leeg na mga presyo ng mga pangunahing bilihin.
Never mind na halos lahat ng mga hiring sa bansa is dapat graduate ka nito, or pasado ka dito, or dapat may masteral ka. Competition is very steep, kung di ka pa nag-aral sa mga di-kalibreng paaralan, wala kang mapapala kahit mamudmud ka pa ng resume mo.
Never mind na engineer ka at sumasahod ka ng 20T sa isang buwan, minus tax, minus etc, etc.
At habang nanonood ka ng balita, maiinis ka lang sa gulo sa gobyerno, at sa mga batas kuno na pinagtutuunan ng pansin ng mga halal ng bayan.
At kung papasok ka ng work, marami pang mga anik-anik, at samut-saring fines, rules, regulations, kaltas, etc...
I don't want to sound negative, pero ang pag-aabroad ay patuloy na bahagi at magiging bahagi ng buhay ng Filipino hanggat hindi maiayos ang namamahala sa gobyerno at mga gumagawa ng batas nito.
Mas pipiliin ng isang accountant, technician, or skilled worker na magtrabaho sa ibang bansa kapalit ng pagtitiis at sobrang lungkot para lamang maiahon sa kahirapan ang pamilya at mabigyan ng magandang bukas ang mga anak.
It is not a trend, going abroad is not anymore a matter of choice, it is a necessity, sometimes, in exchange of personal sacrifice and terrible loneliness, because most Filipino's believe, going abroad will make if not all, some of their dreams come true.
Iilan lang yan sa mga reason kung bakit maraming nag-aabroad. Ikaw, bakit ka nag-abroad?
2010 THOUGHTSKOTO
11 comments:
I have to delete the first comment, of all the things, its a very lengthy Farmville ads...hehehe
Sinasabi mo ba na wala na talagang pag-asa ang Pinas?
Nagtatanong lang para sa magandang diskusyon :)
nag abroad ako to be with my family, single pa ako nuon. pero di ko inisip na magtatagal ako dito sa Dubai. Hanggang ngayon wla akong plano na umuwi for good sa Pinas. I raised my family here and I feel we are better off in here kesa sa atin. I am not saying na di kmi babalik duon pero hindi sa lalong mdaling panahon...
@CM, kapatid, palagay mo may pag-asa pa ba ang Pilipinas? hehehe
I don't want to be negative, pero bakit maraming umaalis? the very reason kung bakit maraming nag-aabroad is walang trabaho sa Pinas, at bakit wlang trabaho, hmmn, I guess the reason is walang masyadong nagnenegosyo, or just that, walang pangpuhunan. hehe
What do you think?
@Yellow Bells, its great to know na kasama mo ang family mo. I feel grateful to start my family life abroad with my wife and the baby who come along later.
And same like you, we have no plans to come home yet, not for good. hehe
Merong pag asa ang Pinas at alam ko nasa sa atin pa rin manggagaling yun, sa ating mga OFW...
Bakit daw?, di ba sumagi sa isip natin na may posibilidad na makapag ipon tayo at bumalik sa Pinas upang magtayo ng sariling negosyo?
Sa ganitong paraan ,may matutulungan na tayong mga walang trabaho, nakakatulong tayo sa Pinas at nasa sariling bansa pa tayo, dba?
Nawawala kasi sa atin yung tinatawag nilang Patriotism kapag nakaapak na tayo sa ibang bansa, pero kung hindi mawawala to malamang maganda ang Pinas kahit pa maraming nag aabroad at pagdating ng panahon eh bumabalik ng Pinas...
sana dumating ang araw na kaya mahaba ng pila sa departure area kasi marami lang talagang may gustong magbakasyon..
tama ka superjaid! sana dumating ang araw na hindi ka aalis ng bansa para magtrabaho... aalis ka para magbakasyon at tuklasin ang kultura at tradisyon ng karatig bansa.
may pag-asa pa ang pinas, kung sisimulan ang pagbabago sa sarili at ituturo sa susunod na henerasyon.
korekek ka sa lahat ng sinabi mo! kaya ako nag abroad para makatulong sa pamilya ko sa Pilipinas, sa palagay ko wala ng pag-asa ang Pilipinas hehehe talamak na ang problema natin, yun mayaman lalong yumayaman at ang mahihirap lalong naghihirap, pero grabe ang pila sa dyan ha, 5k na tao ang nakapila, bakit ganun?? wala bang magandang process para maiwasan ang pila? hehehe dami ko reklamo no? hehehe Mr. Kenji, miss u! LOL
hi,
i hope some can give me some advise about my dilema,,.... Im one of a thousand or even a million filipinos dreaming to work abroad however i was diagnosed of having Hepa B in my blood... makakaalis pa ba ako? say sa middle east ung job na pupuntahan ko.....?? tnx a lot
lagi ko din tinatanong sa sarili ko kung bkit maraming nag-aabroad,, kung tutuusin maraming trabho dito sa pilipinas ang npakalaking problema lang sa mga company dito sa atin masyado silang mataas ang standard pagdating s pamimili ng mga aplikanteng magtatrabaho para sa kanila.. dati akong OFW at pansin ko sa bansang pinaglingkuran ko dati hindi nila alintana kung graduate ka ba or degree holder, hindi din alintana kung may edad kana basta't kaya mong mgtrabaho at alam mo ang trabahong iyong papasukan hindi ka mhihirapang mag-apply.. sana dito sa pinas ganun din.. kaya madami ding unemployed dito s pinas dahil di yun npapansin ng gobyerno, mas pinagtutuunan p nila ng pansin ang pagpapatalsik s gusto nilang mapatalsik kesa sa harapin at resolbahin ang problema ng bansa.
Post a Comment