Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
SEARCH THIS SITE FOR HOUSE DESIGN, OVERSEAS FILIPINO NEWS, FREE ONLINE STUDIES, CASH LOANS and BANK LOANS, PROPERTY FOR SALE, HOUSE AND LOT, FORECLOSED, CARS FOR SALE and anything beneficial for the Filipinos at home and abroad
Advertisement

Tuesday, March 25, 2014

12 Crucial Steps that May Save Your Life.



Maaring maisalba o sasagip ng iyong buhay o buhay ng iyong mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga tips na ito. Pakishare nito sa iyong asawa, mga anak, at mga mahal sa buhay at kakilala. Ito ay 12 TIPS, napakahalagang tips at pakishare po. Hindi naman seguro masamang mag-ingat tayo at matuto ng mga bagay na ito.

1. Galing sa Tae-Kwon-Do: Ang siko ang pinakamalakas na bahagi ng ating katawan. Kung saka-sakaling kinakailangan mong gamitin ito sa mga nambabastos, o magnanakaw o sa masasamang tao na pinagtatangkaan ka, gamitin mo ito.

2. Kapag ang magnanakaw ay nagsabing ibigay moa ng wallet mo o bag mo, wag mo itong iabot sa kanya. WAG MONG IABOT. KUNG PWEDE, IHAGIS MO MALAYO SA KANYA. Mas interesado sila sa wallet o pitaka o bag mo kaysa sayo kaya mas pupuntahan niya ang wallet o bag. Pagkatapos tumakbo ka ng pinakamabilis na takbo sa kabilang direksyon kung saan mo inihagis ang wallet/purse.

3. Kung ikaw ay inilagay sa trunk o likod ng kotsesipain mo ng sipain ang mga ilaw sa likuran at ilabas ang mga kamay sa butas at kumaway ng kumaway at humingi ng saklolo. Hindi ka makikita ng driver pero lahat ng sasakyan na nakasunod sa inyo at mga tao sa kalsada ay makikita ka. Marami ng buhay ang nailigtas dahil dito.


4. Ang mga babaeng nagmamaneho minsan ay nagkukulong sa kanilang sasakyan pagkatapos ng shopping, kumain o magtrabaho at uupo sa sasakyan at gagawa ng listahan o magbibilang ng pera etc. WAG GAWIN ITO! Ang masasamang tao ay maaring nakatingin lamang sayo sa malayo, papasok, uupo sa tabi mo o sa likod ng sasakyan at tutukan ka ng kutsilyo o baril at sabihin sayo kung saan ka pupunta.
PAGSAKAY MO NG IYONG KOTSE O SASAKYAN, ISARADO AT ILOCK ang PINTUAN AT UMALIS.
5. Kung may tao sa sasakyan o kotse mo at tinutukan ka ng baril o kutsilyo at sinasabing papatayin ka niya, wag huminto o wag hayaan, paandarin mo ang sasakyan, magdrive ng mabilis at pagiwang-giwang o kung maari ibangga ang sasakyan. Ang Air Bag ng iyong sasakyan ay makakaligtas sayo, ang katabi mong masamang tao ay magtatamo ng pasa o mauuntog, kung sila ay nasa likuran ng sasakyan, mas malala ang aabutin nila. Kapag bumangga ang sasakyan, tumakbo ka ng mabilis. Mas mabuti na ito kaysa makita na lang ang iyong katawan na malamig na sa kung saang liblib na lugar.

6. Ilang mga paalala kung kayo ay papunta sa inyong sasakyan sa parking lot o parking garage.
A.) Maging aware. Maging mapagmasid, tingnan ang paligid, at ang iyong sasakyan, sa bandang passenger side o sa likod o back seat.
B.) Kung may kaduda-dudang tao o may van o sasakyan sa tabi mo o driver’s side, dumaan sa passenger side na pintuan ng sasakyan, pumasok at ilock ang sasakyan. Karamihan sa mga nandudukot ng babae ay hinihila ang mga babae habang sila ay papunta sa sasakyan nila at binubuksan ang pintuan ng driver’s side ng sasakyan.
C.) Kung may lalaki na nag-iisa o kahit may kasama na nakatayo o nakaupo malapit sa iyong sasakyan at walang ibang tao, mas mabuting bumalik ka sa work o sa mall at magpasama sa guard sa parking lot. MAY KASABIHAN NA IT IS BETTER TO BE SAFE THAN SORRY. At mas mabuti ng maging paranoid minsan kaysa malaman na lang na malamig ka ng bangkay, di ba?

7. Laging gumamit ng elevator kaysa sa hagdan lalo na kapag gabi at madilim. Laging tandaan ang magnanakaw o masasama ay natutuwa at sa madilim naglulungga.
8. Kung ang masamang tao ay may hawak na baril at hindi ka niya control, LAGING TUMAKBO!
Pwede ka niyang tamaan ng apat na beses sa isandaang beses niya na pagbabaril at kahit pa, ito ay seguradong hindi sa ulo, puso o mga vital na organ na maaring kumitil ng buhay. 
TUMAKBO ka lang, at mas mabuti kung tumatakbo ka na PAZIGZAG na pattern.
9. Para sa mga babae, minsan napakamaawain nila. STOP IT. ITIGIL NIYO PO ITO! Maraming babae ang nagahasa o pinatay dahil dito. “Ted Bundy, the serial killer, was a good-looking, well educated man, who ALWAYS played on the sympathies of unsuspecting women. He walked with a cane, or a limp, and often asked 'for help' into his vehicle or with his vehicle, which is when he abducted his next victim.”

10. Another Safety Point: PALALABASIN KA NG BAHAY SA GABI.
May mga masasamang tao na may nakarecord na boses ng umiiyak na bata, ialalagay sa harapan ng iyong bahay o sa pintuan at kung bubuksan mo na o lalabasin mo na, saka ka dadakmain at ilalagay sa sasakyan.

11. WATER SCAM. Minsan ang mga masasamang tao ay paaandarin ang iyong mga water taps o mga sprinklers at kung lalabas ka at nag-iisa ay papasok sila sa bahay at ihohostage ka nila. Kailangan mas safe kung may kasama at wag lumabas ng bahay sa gabi na nag-iisa.

12. Wag magpost sa Facebook or Twitter na nag-iisa ka, o kung saan ka pupunta, maaring sinusundan ka ng masasamang tao na hoholdap sayo o pag-interesan ang buhay mo.

Alam ko marami pang mga safety tips, lalo na sa mga babae. Pwede po kayong magcomment kung ano pa sa palagay niyo ang mga dapat tandaan ng mga Pinoy para maiwasan ang kapahamakan. Stay alert, keep safe, and look out for your neighbors! Please share.


©2014 THOUGHTSKOTO