Dumaan kami ng Obhur, Jeddah isang araw at nakita namin ang sign na ito ng itinatayong Kingdom Tower. Sinasabing ang taas nito ay aabot sa 1000 meters, mahigit 173 meters ang taas kaysa sa Burj Khalifa ng Dubai. Hindi pa masyadong klaro ang eksaktong taas ng Kingdom Tower na itatayo sa Jeddah, Saudi Arabia pero ang orihinal na gusto ni Prince Talal, ang pamangkin ni King Abdullah at pinakamayamang tao sa buong Middle East, dapat ang taas nito ay 1600meters doble sa taas ng Burj Khalifa ngunit mukhang inayawan o hindi feasible ayun sa mga construction builder.
Sa ibaba ay makikita niyo ang mga larawan o images ng building na itatayo. Samantala ito ang mga detalye.
Worlds Tallest Tower - Kingdom Tower, Jeddah, Saudi Arabia
Worlds Tallest Tower - Kingdom Tower, Jeddah, Saudi Arabia برج المملكة
Posted by Kingdom Tower: The Next World's Tallest Building on Friday, May 16, 2014
530,000 square meters ang area ng Kingdom Tower, at tinatayang mahigit 1,000 meters ang taas nito.
Mahigit 200 meters ang lalim ng pagkabaon ng foundation o piling at nagumpisa ang construction noong 2013 at matatapos sa 2019. Ang formal na pagtatayo ay mag-uumpisa sa April 27, 2014 ayun sa balita.
Ang KINGDOM Tower ay magiging centerpiece ng Jeddah Economic Company na "Kingdom City" at lawak na 530 Million square meters
Kumpara sa ibang mataas na mga building ito ang comparison image.
Check the video of the Kingdom Tower and Kingdom City here
Images from smithgill.com kingdom.com, skycrapercity.com
©2014 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment