Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label free bill. Show all posts
Showing posts with label free bill. Show all posts

Wednesday, April 15, 2020

Libre at Walang Bayad ang Kuryente ng mga Mababa ang Konsumo Ngayong Marso-Abril 2020!

Ngayong summer at panahon na naman ng tag-init, tiniyak ng Department of Energy na mayroong sapat na suplay ng kuryente sa buong Luzon. Katunayan, sobra-sobra umano ang supply ng kuryente ngayon dahil sa halos nagsarado ang mga pabrika at ibang opisina. Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa briefing na isinagawa sa Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ngayong Miyerkoles, April 15.
Sinabi din ni Secretary Nograles na ang mga Pilipinong nabibilang sa mga mahihirap o lifeline consumers na gumagamit ng mas mababa sa 50kilowatt per hour, ay LIBRE sa kuryente at hindi na magbabayad ng bayarin sa kuryente simula sa buwan ng Marso hanggang Abril. Ito ay bilang bahagi ng programa ng gobyerno na Pantawid Liwanag Program.
Ads

Ads


Sponsored Links

May sapat na suplay ang Luzon ayun sa Department of Energy, may available na kapasidad na 11,795MegaWatts, at ang peak na demand lamang ng buong Luzon ay 7,323MW so may sobra pang 4,742MW.

Ayun pa kay Secretary Nograles, "Sa mga kababayan natin na kumukonsumo ng mas mababa sa 50KWH kada buwan o yung tinatawag na 'LifeLine Consumers' ng mga electric cooperatives dito sa Luzon, Visayas at Mindanao, maliban sa isang buwan na grace period sa pagbabayad ng kuryente, LIBRE na po ang inyong konsumo sa loob ng March to April billing period."

Makikinabang dito ang mahigit 3M na mga mahihirap na mga kababayan sa ilalim ng programang Pantawid Liwanag ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc o PHILRECA para maibsan ang problemang idinulot ng pandemic ng Novel Corona Virus o COVID-19.


©2020 THOUGHTSKOTO