Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label ReliefAgad. Show all posts
Showing posts with label ReliefAgad. Show all posts

Friday, May 15, 2020

RELIEF AGAD para sa SAP Step by Step na Proseso ng Pagrehistro

Paalala lamang na ang ReliefAgad na app ay para lamang sa mga tao na nakatanggap ng Social Amelioration Card (SAC). Ang mga nasa gustong makatanggap ng 2nd tranche sa kahit saang lugar ay pwede ng magrehistro sa app na ito ayun sa mga taga gobyerno. 
Ang bawat detalye ay sasailalim din sa masuring pag-review ng LGU/DSWD. Ang pagsisinungaling, pandaraya, at hindi awtorisadong paggamit ng ReliefAgad ay may karampatang parusa sa ilalim ng mga umiiral na batas ng Pilipinas.

Panoorin ang latest video kung paano mabilis na makapag-rerehistro sa DSWD ReliefAgad app para sa mabilis na pagrehistro ng SAC.
Ads

The Department of Social Welfare and Development (DSWD), in cooperation with the Department of Information and Communications Technology (DICT) and Developers Connect Philippines (DEVCON), launches the 'ReliefAgad' Web App in a virtual press briefing on May 14, 2020.
Ads
Sponsored Links


STEP by STEP na Proseso

Step 1. Pumunta sa https://reliefagad.ph/start
Buksan ang website at kuhanan ng picture ang barcode na makikita sa Social Amelioration Card Form. Kung sakaling hindi mascan ang barcode, iclick ang MANUAL ENTRY. Ilagay ang inyong Rehiyon, Distrito, Siyudad o Munisipyo at kopyahin ang barcode number.



Step 2: Ilagay ang pangalan, kasarian, iba pang personal na impormasyon, address, trabaho, buwanang kita, pinagtratrabahuan, uri ng ID at ID number, kundisyon ng kalusugan at iba pang benepisyong natatanggap.


 Step 3: Ilagay ang lahat ng miyembro ng pamilya. Paalala lamang na ang unang dalawang miyembro na ilalagay ay siyang magsisilbing alternatibong kinatawan ng inyong pamilya.

 Step 4: Para mabilis matanggap ang ayuda, piliin ang alinman sa mga ito. Cash, GCASH, PAYMAYA o Bangko. Paalala lamang na may kaukulang  fee ang GCASH, PAYMAYA at bangko kung magwiwithdraw sa ATM o nagcashout. Kung bangko ang napili, piliin ang bangko at ilagay ang account number ninyo.

Step 5: Icheck kung tama at kumpleto ang lahat ng mga detalyeng inyong ibinigay. Sumang-ayon kung ang lahat ay tama.
  
 Step 6: Hintayin ang one-time PIN na dadating sa inyong numerong nakarehistro at ilagay ito sa form. 

 Step 7: Isumite o click Submit. 


Ang ReliefAgad na app ay ginawa ng gobyerno para sa layuning mabawasan ang tsansa na magkahawa-hawa o magkasakit ao maapektuhan ang mga mabibigyang tulong dahil sa paglabas at pagpila ng mga benepisaryo nito lalo na ang mga matatanda, buntis, at PWD.

Q and A

Narito ang ilang katanungan at kasagutan hinggil dito.

Sino ang mga dapat magrehistro sa ReliefAgad na app?

Ang maaaring magregister sa app ay ang mga kwalipikadong benepisaryo ng Emergency Subsidy Program (ESP) ng SAP. Kung ikaw ay may Social Amelioration Card (SAC) na ipinamigay mula sa inyong barangay.

Sino ang mga kwalipikado na magrehistro?

Ang mga kwalipikado sa pagregister ay ang mga kabilang sa mahihirap na pamilya na may mababang kita o impormal na sektor. Kabilang ang mga myembro na pasok sa vulnerable na sektor.

Ano ang mga kailangang dokumento sa pagregister?

Ang SAC form lamang ang iyong kakailanganin na siyang may kumpletong impormasyon lalong lalo na ang CODE number sa form.

Paano naman sa mga nakapagbigay pa lamang mg kanilang SAC form sa barangay, maaari ba silang magregister sa app?

Opo, maaari din po kayong magrehistro sa app sa www.reliefagad.ph. Kung makatanggap ng error message pagtapos mainput ang barcode o maiscan ito, ibig sabihin ay nai-encode na ito ng inyong LGU at naisumite na sa DSWD.


Paano po kung walang phone o walang smartphone?

Kailangan po ninyong magrehistro gamit ang internet o pumunta sa mga internet station para magrehistro.

Paano po kung nahati o napunit o nawala ang aming SAC Form o hindi na makita ang barcode?

Kailangan ninyong makipag-ugnayan sa LGU o sa DSWD na nagbigay sa inyo ng form. Dalawa po ang kopya ng form inyong nafill upan. Maari ninyong makuha ang barcode sa form.


1. Sino ang maaaring gumamit ng ReliefAgad app para mag-register sa social amelioration program?
Maari kang mag-register kung qualified ka sa cash assistance mula sa Emergency Subsidy Program (ESP) ng Social Amelioration Program (SAP) na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mayroon ka nang Social Amelioration Card (SAC) mula sa iyong local government unit (LGU) o barangay. Ang mga qualified sa cash assistance ay ang mga sumusunod: mahihirap na pamilya na may mababang kita o kabilang sa impormal na sektor; o pamilyang may myembrong kabilang sa vulnerable na sektor.

Sa ngayon, mga benepisyaryo ng SAP na nasa National Capital Region (NCR) ang maaaring mag-rehistro ng kanilang SAC gamit ang ReliefAgad app.
2. Anong mga papeles ang kailangan ko para makapag register sa ReliefAgad app?
Kailangan ang iyong SAC form na may kumpleto nang impormasyon.
3. Naibigay ko na ang kopya ng LGU ng aking SAC form sa Barangay. Maaari ko pa bang i-rehistro ang kopya ko ng SAC form sa ReliefAgad app?
Oo, kahit nakapagbigay na, maari pa rin kayong mag register sa ReliefAgad app gamit ang kopya ng iyong form.
4. Nakatanggap ako ng photocopied form mula sa aming Barangay / LGU official
Para sa seguridad nito, may unique o natatanging barcode ang bawat SAC form. Kapag photocopied lamang ang form at nagamit na ito ng iba, lilitaw ang "invalid barcode" sa app kapag ito ay ni-register. Makipag-ugnayan sa inyong LGU o barangay at siguraduhing orihinal at hindi kopya lamang ang inyong SAC form.
5. Kabilang ako sa dapat makatangap ng cash assistance mula sa social amelioration program ngunit wala akong SAC. Maaari ba akong mag register sa ReliefAgad app?
Makipag-usap sa inyong Barangay o LGU, o di kaya’y tumawag sa grievance hotline ng DSWD
6. Paano mag-register gamit ang ReliefAgad app?
Step 1 Gamit ang inyong smartphone, pumunta sa www.reliefagad.ph website
Step 2 I-scan ang barcode na makikita sa ibaba ng inyong SAC form
Step 3 Kung hindi ma scan ang barcode, mano-manong ipasok ang numero ng barcode sa app
Step 4 I-enter and inyong personal na impormasyon
Step 5 I-enter ang myembro ng inyong pamilya
Step 6 Piliin kung paano ninyo gustong matangap ang cash assistance. (Tip) Kung pipiliin ang PayMaya, Gcash o bank account, direktang matatanggap ninyo ang cash assistance sa inyong account
Step 7 I-enter ang One Time Pin na matatangap ninyo sa text message
Step 8 I-click ang submit
7. May lumitaw na error o invalid message matapos ma scan ang barcode
Kapag may lumilitaw na error o invalid message, posibleng naipasok na ang barcode na ito sa system. Ang bawat SAC form ay may unique o natatanging barcode. Kung kopya or photocopied lamang ang inyong form, maaaring nagamit na ito ng iba. Makipag-usap or makipag ugnayan sa inyong barangay o LGU upang magreklamo. Kung hindi mabasa ng camera ng cellphone and barcode, subukang i-enter ang serial number sa ilalim ng barcode upang maipagpatuloy ang pag rehistro sa app.
8. Hindi bumubukas ang camera ng aking smart phone matapos kong i-click ang “mag register”
I-check ang setting ng camera ng iyong smartphone at i-activate ang barcode / QR code scanning. Kung walang pagpipilian, maaaring walang kakayahang mag-scan ng mga barcode ang iyong smartphone. Sa app, i-enter na lamang ang serial number na makikita sa ilalim ng barcode ng inyong form at magpatuloy sa pag register.
9. Wala akong sariling cellphone, gamit ko lamang ang cellphone ng aking anak.
Maari mong gamitin ang cellphone ng inyong anak upang mag register sa ReliefAgad app. Ang number ng phone na inyong ginamit ang marerehsitro sa inyong pangalan para sa SAP. Dito magpapadala ang DSWD ng mga anunsyo o mensahe.
10. Anong klaseng ID ang maaari kong gamitin sa pag register?
Maaring gamitin ang mga sumusunod na IDs:
  • Driver’s license
  • Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ID, o sulat na nagpapatunay ng pagiging kasapi sa asosasyon / orgnisasyon, o sulat mula sa barangay o LGU.
  • Employment ID, or kasambahay ID, o sulat mula sa amo na nagpapatunay na iakw ay nagtatrabaho o natangalan ng trabaho.
  • Patunay ng negosyo, o anumang iba pang patunay na nagpapakita ng trabaho, trabaho o negosyo
  • ID or sulat mula sa Department of Agriculture (DA) or mga ahensya ng DA
  • Sulat mula sa barangay
  • Sulat mula sa National Council on Indigenous People (NCIP) o sa pinuno ng tribo / konseho ng mga pinuno o nakatatanda ng mga Indigenous People (IP)
11. Ilang myembro ng pamilya ang pwede kong isali?
Dapat isali ang lahat ng pangunahing myembro ng inyong pamilya. Mahalagang tandaan na ang unang dalawang (2) miyembro ng pamilya na iyong ini-rehistro ay magsisilbing kahalili nyo sa pag tanggap ng cash assistance para sa inyong pamilya.
12. Sine-save ba ng ReliefAgad app ang mga impormasyon ko sa SAC?
Para sa inyong proteksyon, hindi na se-save ang inyong mga impormasyo sa ReliefAgad app. Kapag naipadala na ng app ang inyong impormasyon at ito ay natanggap na ng DSWD, ito ay mabubura na sa app.
13. Hindi ko sinasadyang na-swipe ang screen at nawala ang web page. Maaari ko pa bang makuha ang data na aking pinasok?
Kung hindi mo na-click ang para sa next step, at aksidenteng nalipat ka sa ibang web page, mawawala ang impormayon na iyong ipinasok sa app. Para ito sa proteksyon ng iyong data. Kailangang mong ulitin ang pag register sa app.
14. Maari ko bang matangap ang cash assistance sa aking account sa GCash/PayMaya/bangko?
Oo. Ang pinakamabilis, ligtas at pinaka-maginhawang paraan upang matanggap mo ang iyong cash assistance ay sa pamamagitan ng isang e-wallet account na tulad ng GCash o PayMaya, o alinman sa 54 bangkong kasapi ng PESONET. Kasama dito ang Landbank, BPI, BDO, Metrobank, Security Bank, Unionbank, RCBC, at iba pang mga bangko. Maaari mong ibigay ang iyong detailye ng iyong e-money o bank account. Subalit, ang DSWD at/o LGU ay maaaring gumamit ng ibang pamamaraan ng pagbayad na meron sila.
15. Wala akong isang GCash / PayMaya / bank account. Maaari ko bang bigay ang GCash / PayMaya / bank account ng aking asawa o anak?
Oo. Kung sakaling wala kang GCash / PayMaya / bank account, maaari mong ibigay ang account ng iyong asawa, anak o kapatid.
16. Para sa ano ang one-time PIN (OTP)?
Ang OTP ay isang paraan upang mapatunayan kung ikaw ay may access sa mobile number na ibinigay mo (mobile number mo, o ng asawa o anak). Ito ay mahalaga dahil sa mobile number na ito ipararating ng DSWD ang mga anunsyo o komunikasyon.
17. Natangap ko na ang OTP text, ano ang susunod kong gagawin?
Ipasok ang OTP (code) sa puwang na ibinigay at hintayin kung ang OTP code ay tinanggap ng system. Kung sakaling walang natanggap na OTP sa loob ng limang (5) minuto, maaari kang mag request ng isa pang OTP.
18. Sigurado bang maaaprubahan ang aking SAC pag narehistro ko na ito?
Ang matagumpay na pagrehistro sa ReliefAgad web app ay hindi nangangahulugan na ang iyong cash grant ay kaagad na naaprubahan. Kailangan pang i-proseso ng LGU at ng DSWD ang mga impormasyong inyong pinadala para makumpirma na kayo ay kabilang sa mga grupong nararapat na makatanggap ng cash assistance at hindi tumatanggap ng iba pang ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program.
19. Kailan ko matatangap ang cash assistance?
Ipapaalam ng inyong LGU o ng DSWD ang iskedyul ng pagbibigay ng cash assistance sa iyong lugar.
20. Paalala:
Siguraduhing tama ang lahat ng impormasyong ilalagay upang mas mabilis ang pagproseso at pagkumpirma ng inyong SAC.


©2020 THOUGHTSKOTO