Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, December 05, 2022

10 Smart Tips sa Pag-Gastos ng Inyong 13th Month Pay




DUMATING na nga ang pinaka-masayang buwan ng taon at ito ang buwan ng Disyembre kung saan pinag-diriwang ang Pasko na susundan naman ng Bagong Taon.

Ito ang buwan na pinakahihintay ng mga empleyado lalo na sa tatanggapin na mga bonus at 13th month pay. Pero napag-isipan mo na ba kung saan mo gagastusin ang 13th month pay mo upang maging makabuluhan ito? Hindi maikakaila na nag-mahal na ang halos lahat na mga gastusin sa ngayon, kaya't kung hindi ka mag-hihinay-hinay sa pag-waldas, mauubos at mawawala na parang bula ang iyong pinaka-hihintay na 13th month pay.

Sa mga tatanggap ng 13th month pay ngayong Disyembre, narito ang 13 bagay na maaari mong pag-laanan ng iyong pera upang maging makabuluhan ito.

Ads


1. Pambayad ng utang!

May kasabihan na "Ang hindi marunong magbayad sa pinagka-utangan, ay hindi na makaka-ulit kaylan man".  Masarap isipin na wala tayong utang. Isa sa pinaka-magandang regalo sa sarili ngayong Pasko ay peace of mind at kawalan ng mga naniningil. 
Alamin kung magkano ang mga utang mo at unang bayaran ang mga may malaking interest rate, upang hindi ka mabaon sa kala-unan.

2. Mag-simulang mag-invest

Kung maliit lamang o walang utang na babayaran, maaaring gamitin ang 13th month pay sa pag-invest. Maaaring mag-invest sa Modified Pag-IBIG 2 o MP2 Savings ng Pag-IBIG Fund o sa SSS Pesos Fun. Mga government-guaranteed savings programs ito na ideal investment para sa mga naghahanap ng mura at low-risk investment.

Halimbawa na lamang sa Pag-IBIG MP2, maaari kang mag-simula sa pag-invest ng P500 kada buwan.

Maliban dito, maaari mo ring pag-isipan ang real-estate investment o pagbili ng lupa o house and lot. Hindi man kaya ng 13th month pay mo na bayarang buo ang isang properties, pero, kaya naman siguro nitong bayaran ang downpayment.

Ang nasabing mga properties ay maaari mong paupahan sa mga tenats o negosyante at kumita mula sa bayad sa renta.

3. Magsimula ng maliit na negosyo o palakihin ito!

Kung mahilig ka sa sideline, bakit hindi mo gamitin ang 13th month pay mo bilang capital sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

Ayon sa sikat na financial consultant na si Chinkee Tan, "Don't be afraid to take risk, mas kabahan ka kung wala kang ginawa sa buhay mo."

Maaaring may ideya ka na noon sa gusto mong negosyo ngunit hindi mo ito nasimulan dahil sa kawalan ng capital. Ngayong may 13th month pay kang tatanggapin, baka ito na ang tamang panahon. Maraming mga maliliit na business ideas na maaari mong simulan na may mababang kapital. 

Ads

Sponsored Links



4. Kumuha ng Insurance

Isa sa pinaka-importanteng investment sa buhay ang pagkuha ng insurance. Madalas, binabalewala lamang ito ng mga Pilipino dahil hindi naman ito kailangan agad. Ngunit hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, dahilan kung bakit importante na handa tayo sakaling may dumating na hindi inaasahang pangyayari o trahedya. 

Sa pamamagitan ng 13th month pay mo, maaari mong simulan ang pagkuha ng life insurance, car insurance, home insurance o health insurance.

5. Gamitin bilang Emergency Fund!

Kung ayaw mong gastusin ang iyong 13th month pay, maaari mo itong idadag o gamitin bilang emergency fund. Sa panahon ngayon, importante ang pagkakaroon ng emergency fund na hindi bababa sa anim na buwan ng iyong living expenses.

6. Ilaan sa Retirement Fund!

Maaaring napaka-aga pa para paghandaan ang iyong retirement, ngunit hindi ibig sabihin na babalewalain mo na lamang ito sa ngayon. Kung walang ibang paglala-anan ng 13th month pay, maaari mo itong i-impok sa bangko bilang retirement fund.

7. Gamitin sa Bakasyon

Maaari mo ring gamitin ang iyong 13th month pay sa pagbakasyon sa ibang lugar. Hindi maikakaila na halos tatlong taon din na walang bakasyon ang karamihan dahil sa Covid-19 pandemic. Wala mang financial return ang pagbakasyon sa ibang lugar, nakakabuti naman ito sa physical at mental well-being ng isang tao.

8. Gamiting pampa-ayos ng bahay

Magandang ideya din na gamitin ang 13th month pay sa pagpapa-ayos ng bahay. Maaaring gamitin ang pera sa pagpapa-pintura, pagpapalit ng mga tumutulong bubong at iba pang maka-buluhang repair upang masiguro ang comfort at kaligtasan ng mga naka-tira.

9. Gamitin para sa pamilya

Pamilya ang dahilan kung bakit tayo nagta-trabaho, kaya bakit hindi mo gamitin ang 13th month pay mo sa kanila sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay na kailangan nila. Mag-isip ng mga makabuluhang bahay na kailangan ng mga magulang, kapatid, asawa o mga anak at bilhin ito bilang regalo. Hindi lang ito makakatulong sa kanilang pamumuhay, magiging masaya din sila ngayong Pasko.

10. I-share ang iyong mga blessings!

Season of giving ang Pasko at isa sa pinaka-magandang paraan sa pag-selebrate nito ay ang pag-bahagi ng iyong mga blessings sa iba kahit sa simple o maliit na paraan.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: