MANILA, Philippines — MAKAKATANGGAP ng P1,000 na monthly cash assistance ang mga low-income solo parents sa ilalim ng bagong batas na magbibigay ng mas maraming benepisyo sa mga solo parents.
Una rito naging batas ang Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act, noong Hunyo 4 matapos hindi ito inaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng bagong batas, mula sa isang taon, pina-ikli sa anim na buwan ang panahon kung saan maaaring ideklara bilang single parent ang isa tao matapos ang pag-abandona.
Ads
Maliban sa P1,000 na buwanang cash aid para sa mga single parents na ang income ay below poverty line, makakakuha din ang mga solo parents na kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon ng 10% na discount sa bibilhing gatas para sa kanilang mga anak, pagain, micronutrient supplements at sanitary diapers, gamot, bakuna, at iba pang medical supplements para sa kanilang mga anak hanggang sa anim na taong gulang.
Makakakuha din ng kahalintulad na benepisyo ang mga lolo at lola na naging tanging tagapag-alaga o sole guardians ng minor de edad.
Ads
Sponsored Links
Inatasan din ng batas ang Department of Education, Commission on Higher Education, and Technical Education and Skills Development Authority na magbigay ng mga scholarships sa mga kwalipikadong anak ng mga solo parents sa mga institusyon ng basic, higher, and technical/vocational education and training.
Dagdag pa dito ang pagbibigay ng prioridad sa mga solo parents sa mga low-cost housing project ng gobyerno at na may mas madaling payment period.
©2022 THOUGHTSKOTO
2 comments:
How to apply.. any link to process.. thank you
Hindi po ba pd mag apply ng solo parent pag kasama sa bahay ang magulang? Nakikitira kc kami sa bahay ng magulang
Post a Comment