Naalala ko lang habang naglalakad sa loob ng mall at kinukulit ng isang realty agent na kumuha ng isang unit ng condo. Nagkaroon ako ng pagkakataong masabi ang aking mga katanungan. Ito ang naging tema ng aming usapan.
Me: Ah bakit ko ba kailangang kumuha ng condo sir?
Agent: Sir mura lang po ang downpayment, convenient po para sa inyo at may mga security po tayo, amenities na maganda at state of the art.
Me. Ako po simple lang naman mga tanong ko po sir.Agent: Sir mura lang po ang downpayment, convenient po para sa inyo at may mga security po tayo, amenities na maganda at state of the art.
kung kukuha ako ng unit, at nasa 10th floor ako, paano po kung lumindol?
Agent: Sir, may quality po ang ating mga building na hindi basta-basta natitinag sa lindol.
Me: Eh halimbawa nga po sir lumindol at nasira ang building o condo, anong mangyayari?
Agent: Sir may option po kayo ng insurance para sa inyong unit.
Me: Okay halimbawa 10th floor ako, at nasira ang building ng condo, pero may insurance ako, paano ko maipapatayo ang aking unit sa 10th floor kung hindi pa nagpapatayo ang may unit sa 1st floor or 2nd floor?
Agent: Ah hindi ko na po alam sir eh.
Mas mura nga ba talaga ang Condo kumpara sa House and Lot? Yan ang tanong ng karamihan. May mga unit ng condo na nasa Metro Manila area na mahigit sa isang milyon lamang ngunit wala ka ng makukuhang maayos na bahay at lupa sa Metro Manila prime area na hindi bababa sa 2 milyon. Pero sa may mga kailangang bayaran sa condo monthly maliban sa tubig at kuryente plus parking fee kung may sasakyan ka pa. Ang condominium naluluma habang tumatagal at nagdedepreciate ang value. Sikat ka ngayon pero laspag ka na bukas. Pero ang house and lot, posibleng magdepreciate ang iyong bahay pero tumataas ang value ng iyong lupa lalo na kung nasa highways o malapit sa mga prime o matataong lokasyon.
Alin ang mas magandang lokasyon?
Sa Metro Manila o malalaking cities, mahal ang lupa kaya napaconvenient ang condominium. Mas magandang lokasyon both condo unit at house and lot ang mga lugar na malalapit sa malls, schools at market or business district. Magandang pwesto din ang mga malalapit sa highways, terminals at stations ng mga MRT/LRT o public transport.
Mas gusto namin ang mamuhay sa medyo malayong lugar kaysa sa Metro. Iwas polusyon. Iwas traffic. Iwas gastos. Pangarap namin ng simpleng pamumuhay sa medyo probinsiyang lugar pero di naman ganun ka kalayuan sa malalaking bayan. Pangarap namin na magkaroon ng garden, at makakalanghap ng sariwang hangin.
Halimbawa ng Condominium

Seguridad o may sariwang hangin?
May mga taong mas gusto ang nakakulong, kain, tulog, trabaho, exercise at magtambay sa bahay. May mga batang professionals at maliliit na pamilya na mas gusto ang buhay sa condo kaysa sa mga townhouse o villages maliban sa malapit sa trabaho, mas convenient. Kapag gusto mong seguradong may safety ka sa maganakaw, manghoholdap at maging sa masasamang elemento, condo ang nababagay sayo. May gwardiya, may cctv camera, at may maayos na sistema at maintenance people 24/7
Mas gusto ko ang makakalanghap ng sariwang hangin. Magagawa mo lamang ito kung ikaw ay pwedeng magtanim ng mga halaman at punong kahoy. May pwesto para maggarden kung sakali sa house and lot o subdivision.
May mga taong mas gusto ang nakakulong, kain, tulog, trabaho, exercise at magtambay sa bahay. May mga batang professionals at maliliit na pamilya na mas gusto ang buhay sa condo kaysa sa mga townhouse o villages maliban sa malapit sa trabaho, mas convenient. Kapag gusto mong seguradong may safety ka sa maganakaw, manghoholdap at maging sa masasamang elemento, condo ang nababagay sayo. May gwardiya, may cctv camera, at may maayos na sistema at maintenance people 24/7
Iwas baha o Iwas lindol?
May mga lugar na binabaha, lalo na kung panahon ng bagyo at tag ulan. Ang house and lot, maaring maapektuhan sa panahon ng mga bagyo at matinding pagbaha. Safe na safe ang condo sa pagbaha.
May mga lugar na minsan tinatamaan ng lindol. Wag naman sana, pero minsan hindi natin alam ang mga tawag ng kalikasan. Nagkakaroon ng lindol na maaring mawala na parang bula ang ating ipinundar sa condominium.
*****************************
Ito po lamang ang aking mga naiisip. Nasa bawat isa pa rin po ang desisyon. Gaya ng mga nasabi ko na na mga factors, location, halaga, at kakayahan, seguridad at convenience kayo na po ang bahalang magdesisyon. Ako po ay mas prefer na bumili ng lot, o house and lot, kaysa sa condo unit.

©2014 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment