Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label COVID Aide. Show all posts
Showing posts with label COVID Aide. Show all posts

Thursday, August 06, 2020

SOLUSYON SA COVID? Avigan Tablets Mula sa Japan Dumating na sa Pilipinas

Bilang bahagi ng emergency grant aid nito sa mga bansang malaki ang problemang kinahaharap ngayon bunsod ng pandemya, nagpadala ang Japan ng Avigan tablets para sa 100 COVID-19 patients sa Pilipinas.
Ads

Ayon statement mula sa  Japanese Embassy sa Manila, nakarating na sa Department of Health (DOH) ang Japan-made anti-flu drug na Avigan; kamakailan lamang ay nakapukaw ng interes ng maraming bansa dahil sa potensyal nito na pumigil ng viral replication, kahit pa ang bisa nito kontra sa COVID-19 ay kasalukuyan pang tinitingnan.

“The Government of Japan delivered Avigan tablets for 100 patients to the Philippine Department of Health on August 6, 2020 as part of its emergency grant aid to countries severely affected by COVID-19,” saad ng embahada.
 
Ads

Sponsored Links
“Japan-made anti-flu drug Avigan has drawn interest from many countries for its potential to prevent viral replication, even as its effectiveness against the novel coronavirus is yet to be established," pagpapatuloy nito.

Avigan: Clinical Research

Bilang tugon sa mga request ng mula sa international community, nakipag-ugnayan ang Japan sa iba't ibang bansa--kabilang na ang Pilipinas--upang mas mapalawak pa ang pananaliksik nito na may kinalaman sa paggamit ng Avigan bilang lunas sa mga nakahahawang sakit.
“In response to the requests received from the international community, Japan has formed close cooperation with several countries, including the Philippines, to expand clinical research on Avigan as treatment for this infectious disease,” saad ng statement.

“Each recipient government has acknowledged of Avigan’s proper usage and prescription in view of its known adverse side effects,” dagdag pa nito.

Umaasa raw ang Japan na makatutulong ang pakikipag-isa nito sa Pilipinas sa layuning makatuklas ng paraan upang mapahinto na ang COVID-19 pandemic.

“Japan hopes that this ongoing cooperation with the Philippines would further contribute to the advancement of clinical research to contain the COVID-19 pandemic,” wika nito.


Thursday, May 28, 2020

Ibang Nakatanggap ng Ayuda sa Unang Tranche, Makatatanggap din Muli sa Ikalawang Tranche, ayon sa DSWD

Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes na 12 milyon lamang na mga households mula sa original na 18 milyon na beneficiaries ng social amelioration program o SAP ng gobyerno ang makakatanggap muli ng tulong pinansyal sa buwan ng Mayo. May naidagdag naman na panibagong 5Million na makakatanggap na mga pamilya na mga mahihirap at hindi pa nabigyan noong unang trance na ayuda ng gobyerno.
Ads


Ayon pa kay DSWD spokesperson Irene Dumlao na ayun sa direktiba galing sa Malacañang, 12 milyon na mga households sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula pa noong May 1 ang makakatanggap ng cash at 5 milyon pa na nakawaitlist noong unang trance ang maisasamang mabibigyan ng ayuda. 
“Those under GCQ (general community quarantine) may be considered, subject to validation,” ayun pa kay Dumlao 
Panoorin ang pahayag at explanation ng Secretary ng DSWD kung sino ang makakatanggap muli ng SAP sa pangalawang trance at anong mga proseso at mga validation ang ginagawa ng DSWD para sa pangalawang bugso ng ayuda o Social Amelioration Program.
Nandito rin ang mga katanungan at kasagutan para sa iba pang may kinalaman sa SAP
Ads
Sponsored Links



Samantala, ayun sa Malacañang, ang pamamahagi ng pangalawang trance ng SAP na PHP100-billion budget fay maaring ipamigay sa pamamagitan ng electronic distribution sa mga mahihirap na pamilya. Posible ang mga nagrehistro sa RELIEF AGAD ay maipapa ang mga ayuda sa pamamagitan ng remittance centers, Paymaya, Gcash o bank online transfer. Ang mga hindi makakatanggap nito ay posibleng matatanggap ito galing sa PNP at AFP
Ayun kay Presidential Spokesperson Harry Roque layunin ng gobyerno na mas mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa pangalawang bugso at maiwasan ang mga katiwaliang nangyari sa unang pamamahagi kung saan maraming opisyales ang kinasuhan. 


Sa gitna ng nagaganap na COVID-19 crisis sa bansa, 134 barangay officials ang kinasuhan kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).    Ads    Sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inanunsyo ng ahensya na parami na nang parami ang mga mamamayang lumalapit sa kanila upang ireklamo ang mga barangay official sa kanilang lugar dahil umano sa katiwaliang may kinalaman sa SAP. Ang nasabing tala, nangangahulugan daw ng 320 percent increase sa mga bilang ng barangay officials na humaharap na ngayon ng criminal charges, na 42 lamang ang kabuuan noong Mayo 20.    “Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” dismayadong wika ni DILG Secretary Eduardo M. Año.    'Marami pang kakasuhan'    Aniya, may siyam na kaso pang isasampa ang Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) sa mga susunod na araw at kasalukuyan din nitong minamadali ang case build-up ng 86 na kaso. Pinasalamatan ng DILG Chief ang PNP-CIDG dahil sa mabilis na aksyon nito sa mga reklamo mula sa publiko.  Ads          Sponsored Links       Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya sa Department of Justice at sa Prosecutor General sa pagbibigay order sa lahat ng provincial at city prosecutors na unahin ang preliminary investigation ng mga kaso laban sa mga barangay official na dawit sa SAP anomalies.    “We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” aniya.    Ilan sa mga kaso    Sa Boac, Marinduque, isang barangay chairman, dalawang barangay kagawad, at SK chairperson ang kinasuhan dahil sa ilegal na pangongolekta ng P50 processing fee mula sa mga SAP beneficiary. May naiulat din na ganitong insidente sa in Binmaley, Pangasinan, kung saan ang kapitan at ang isang tauhan nito ay naireklamo sa pagsingil ng P1,000 mula sa isang residenteng tumanggap ng SAP assistance.    Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients.    Mayroon din mga kinasuhan dahil sa paglalagay ng pangalan ng kani-kanilang mga kamag-anak sa listahan nga SAP beneficiaries kahit hindi naman sila kabilang sa mga "poorest of the poor" at mga nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng lockdown.
©2020 THOUGHTSKOTO