Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Christmas Bonus. Show all posts
Showing posts with label Christmas Bonus. Show all posts

Friday, December 03, 2021

Paano maging "wais" sa paggastos ng 'yong 13th Month Pay






MANILA, Philippines — MALIBAN sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon, isa sa pinaka-masayang araw sa buwan ng Disyembre ay ang pagtanggap ng 13th month pay. Isa ito sa mga pinaka-hihintay ng mga empleyadong nagtatrabaho sa gobyerno man o sa pribadong institution.

Alam nating lahat na hindi dapat ginagastos sa mga walang kwentang bagay ang 13th Month Pay dahil minsan lamang ito dumarating sa buhay ng isang empleyado.

Kaya bago mo ito ibili ng mamahaling sapatos o bagong cellphone, narito ang ilan sa mga importante at makabuluhang bagay na maaari mong ikonsidera na paggastusan ng iyong 13th month pay.

Ads


1. Pambayad utang

Hindi maikakaila na nakakasira ng mood ang mga naniningil ng utang lalo na kung walang pambayad. Huwag mong hintayin na sirain din nito ang masayang selebrasyon mo ng Pasko at Bagong Taon. Isa sa pinaka-magandang pagsisimula din ng Bagong Taon ang kawalan ng utang.

Kung may pinagkaka-utangan, gawing prioridad ang pagbabayad ng utang sa pamamagitan ng 13th month pay mong matatanggap at simulan ang bagong taon na walang utang.
Kung may mga hindi nabayarang credit card bills, bayaran muna ito bago gumastos sa ibang bagay. Maaari ding gamitin ang 13th month pay bilang advance payment sa binabayarang sasakyan o bahay.

Gawin ito sa pamamagitan ng paglista sa mga utang at kung alin sa mga ito ang dapat unang bayaran. Unahing bayaran ang pinaka-malaki at may pinaka-maas na interes na utang at isunod ang mga maliliit at hindi naman kailangang bayaran agad.

Hindi maikakaila na napakaganda sa pakiramdam na hindi tayo nai-istress ukol sa pera lalo na sa mga utang na may malaking interes, maliban pa sa mga naniningil.

Ang peace of mind ay isa sa piaka-magandang regalo na maaari mong ibigay sa iyong sarili ngayong holiday season.
Ads

2. Investment

Kung wala ka namang utang na dapat bayaran at nag-iisip ng makabuluhang bagay para sa iyong 13th month pay, maaari mong i-konsidera ang pag-invest.

Magandang source ng passive income ang investment gaya ng stocks at mutual funds sa kondisyon na popondohan mo ito ng regular. 

Sa investment, maraming maaaring pagpilian:
  • Mutual funds at UITFs – Maaaring magsimula sa mutual funds o Unit Investment Trust Fund, lalo na kung baguhan ka sa aspetong ito. Maaaring magsimula sa halagang P1,000 para minimal lamang ang risk ng iyong investment.

  • Stock investments — Kung gusto mo namang mas challenging, maaaring mong subukan ang stocks. Itinuturing itong high-risk, high-reward type na investment, kaya dapat may alam ka sa stock market bago mo ito pasukin.

  • Pag-IBIG/SSS investments — Maaari ka ring mag-invest sa mga government-regulated funds upang masigurong tutubo ang pera mo. Sa halagang P500, maaari kanang makapag-simula ng investment dito.

  • Real estate investments — Bakit hindi mo gamitin ang iyong 13th month pay sa pag-invest para sa dream home mo? Maaaring kulang ang iyong Christmas bonus para bumili ng bahay o lupa, pero maaari mong gamitin ito bilang pambayad ng downpayment sa isang home lot o rent-to-own condominium. Kahit wala kang plano sa ngayon na tumira sa mga ito, maaari mo naman itong paupahan sa mga tenants o business owners kung saan maaari kapang kumita mula sa renta.

Sponsored Links



3. Magbukas ng savings account at emergency fund

Isa sa pinaka-importanteng bagay na dapat mayroon ang isang tao ay ang savings at emergency fund upang may magamit sa panahon ng pangangailangan.

Kung wala ka pang naitatabi, maaaring gamitin mo ang iyong 13th month pay upang magbukas ng savings account at emergency fund sa banko.

Alam natin na hindi madali ang pagkakaroon ng emergency fund dahil sa iba't-ibang financial obligation na mayroon tayo. Ngunit importanteng mayroon tayong savings o emergency fund bilang "safety net" o madudukot sa mga panahon ng labis na pangangailangan. 

Ang "rule of thumb" sa pag-iipon ng emergency fund ay hindi dapat bababa ang halaga nito sa kabuuan halaga ng iyong tatlong buwanang sahod.

Kung sumasahod ka ng P25,000 kada buwan, dapat nasa P75,000 ang emergency fund mo. Maaari kang mag-simula sa mababang halaga hanggang sa makamit mo ang iyong target at palaguin.

4. Planuhin na ang pag-retiro

Sa edad na 25-anyos, maaaring masabi mo sa sarili na napaka-aga pa upang pagplanuhan ang pag-retiro, ngunit hindi mo rin dapat hintayin na magiging 50-anyos ka bago mo ito pag-isipan. Itinuturing bilang "most rewarding gifts" para sa sarili ang maagang pagplano ng pag-retiro. Hindi lamang ito para sa sarili mo ngunit maging sa iyong pamilya.

Ayon sa isang pag-aaral, karamihan sa mga Filipinos ay hindi naghahanda para sa kanilang retirement.

Ayon sa pag-aaral ng Global Aging Institute and Pru Life UK noong 2015, siyam sa 10 Filipino workers na nagreretiro ay nahihirapan sa buhay dahil sa ubos na savings, pagkakasakit at kawalan ng mag-aalaga o nagiging pabigat na sa mga anak. 

Ngunit maaari mo itong maiwasan kung maaga pa lamang ay napaghahandaan mo na ang iyong pag-retiro sa pamamagitan ng paggamit ng iyong 13th month pay bilang paunang ipon para sa iyong retirement fund at gawing habit ang paglalagay nito ng ilang porsyento mula sa iyong buwanang kita.

5. Kumuha ng insurance

Isa sa pinaka-importanteng investment ang insurance na binabalewala ng maraming Filipino dahil hindi naman ito agad kailangan. Ngunit hindi natin alam kung kailan tatama ang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay natin. 

Pasalamat tayo sa 13th month pay na maaring gamitin sa pag-apply sa iba't-ibang uri ng insurance.
  • Life insurance — Maaari mong ipa-insure ang sarili mo o ang mga mahal mo sa buhay. Kayunin nito na may magamit na pera ang mga maiiwang mahal sa buhay o mga anak sakaling ikaw ay sumakabilang-buhay. Maituturing na nakakasakit ang ganitong uri ng insurance ngunit importante ito para sa mga mahal mo sa buhay lalo na kung ikaw ang kumakayod o bread winner ng pamilya.

  • Car insurance — Kung may sasakyan, kailangan din nito ng insurance upang may sasagot sa mga gastusin sakaling maaksidente.

  • Home insurance — Magbibigay naman ito ng financial protection laban sa pagkasira ng iyong bahay dahil sa natural disasters o human error.

  • Health insurance — Kahit may Philhealth na, maaari ka pa ring mag-apply ng health insurance upang masagot nito ang mga bayarin na hindi na sakop ng Philhealth.
6. Magsimula ng negosyo

Maaari mong gamitin ang iyong 13th month pay sa pagsisimula ng sariling maliit na negosyo. Posibleng may naisip kanang negosyo noon ngunit wala kang kapital. Dahil may 13th month pay kana, panahon na upang maisakaturaoan mo ito.

Maraming mga negosyo na nangangailangan ng maliit na kapital kagaya na lamang ng mga sumusunod:

Piso Wi-Fi vending machine – Mas mura ito kung ikukumpara sa computer shop at mas madali din na i-manage. Kailangan lamang mag-invest sa magandang internet connection para makapag-simula.
Cake and pastry business — Kung may skills at talent ka sa paggawa ng mga cakes at pastries, maaaring simulan mo ito sa pamamagitan ng iyong 13th month pay lalo na kung may mga gamit kanang nabili.
Bills payment business — Ito ang isa sa mga pinaka-gusto ng mga Filipinos dahil, sino ba naman ang may gusto sa mahabang pila? Maaari kang magsimula ng sariling payment centers sa halagang P5,000 sa pamamagitan ng pag-invest sa point-of-sale device.

7. Gastusin ang 13th month pay!

Napakasarap gumastos ng pera, ngunit isiping mabuti kung mahalaga ba o kailangan ba talaga ang isang bagay na bibilhin para hindi ito pagsisisihan sa huli.

Maaari mong gastusin ang iyong 13th month pay sa pagpapaganda sa iyong bahay, para sa bakasyon ng buong pamilya o sa pagbili ng gamit na matagal mo nang inaasam-asam.

Perang pinag-hirapan ang 13th month pay kaya bago mo ito gamitin, pag-isipang mabuti ang mga desisyon at iwasan ang padalos-dalos na desisyon sa paggastos.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, December 03, 2015

SSS Pensioners To Receive 13th Month Pension


According to Ms. Susie Bugante of SSS, this month of December, SSS will give 13th month pension to its almost 2 million pensioners.



The 13th month pension will be equivalent to their monthly pension benefit, but it does not include career allowance for those receiving disability pension. 

Those receiving retirement pension, and death beneficiary of their deceased spouse will be entitled to receive two 13th month pension, as part of their retirement pension and another as death beneficiary.
"HERE’S happy news to our pensioners! Close to 2 million Social Security System (SSS) pensioners will receive their 13th-month pension along with their December pension within the month. This is part of the annual tradition began in 1988 as the pension fund’s way of enhancing its pensioners’ benefits.
The 13th-month pension of retirees and survivor pensioners is equal to the amount of their regular monthly pensions, while it excludes the career’s allowance for disability pensioners.
Children receiving dependent’s pensions are also entitled to the 13th-month pension. Partial disability pensioners should have received a full year’s pension for them to be entitled to the extra month pension.
SSS members or their beneficiaries can withdraw their December and 13th-month pensions on a schedule based on the members’ contingency dates for retirement, disability or death. Based on experience, however, most banks allow pensioner-depositors to withdraw their benefits earlier than their contingency dates to enable them to enjoy the Christmas season.
Retirement pensioners who are, at the same time, death beneficiaries of their deceased spouses, who were members of the SSS, are entitled to separate 13th-month pensions under the two benefits.
What about those pensioners who availed themselves of the first 18 months advance pension and the three months advance pension for calamity victims, are they still entitled to the 13th-month pension? This is a question that pensioners often ask.
The answer is yes, they are entitled to the 13th-month pension. Thus, they can expect to have this amount deposited in their account within the month.
For those pensioners who are still receiving their pensions in checks, they can expect to receive their checks within the month of December.
Regardless of the date of settlement of a retirement, death or total disability claim, the pensioner is entitled to a full 13th-month pension when the month of December comes along."

SOURCE HERE
For more information about the Social Security System (SSS) and its programs, call its 24-hour call center at (632) 920-6446 to 55, Monday to Friday, or send an e-mail to member_relations@sss.gov.ph.









©2015 THOUGHTSKOTO