JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Saturday, May 29, 2021

P1,000 per month na minimum pension sa mga senior citizen, isinusulong






MANILA, Philippines — ISANG panukalang batas ang inihain ngayon sa Senado ni Senate President Vicente Sotto III na naglalayong dagdagan ng P500 ang minimum na monthly social pension ng mga indigent o mahihirap na mga senior citizens sa buong bansa.

Ayon kay Sotto, layunin ng Senate Bill No. 2243 na amyendahan ang Senior Citizens Act at taasan ang social pension na natatanggap ng mga indigent senior citizens.


Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring makatanggap ng monthly social pension na hindi bababa sa P1,000 ang isang mahirap na senior citizen mula sa kasalukuyang P500 kada buwan.

“To address their pressing needs, this bill seeks to provide an additional financial assistance to indigent senior citizens. This is in the form of a monthly stipend amounting to an additional P500 from the current social pension, for a total of P1,000. This will aid our indigent senior citizens defray the cost of daily subsistence and other medical needs,” ang naging pahayag ni Sotto sa explanatory note ng panukalang batas.


Ads


Paliwanag ng opisyal na noong 2019, mahigit sa 3.7 million na ang bilang ng mga senior citizen sa buong Pilipinas.

“These are 3,796,791 individuals who are struggling to meet with their needs for basic commodities and healthcare due to lack of permanent source of income since they can no longer work fully and seek gainful employment,” dagdag pa ni Sotto.


Paliwanag pa nito na kahit may mga available benefits at pribilihiyo para sa mga senior citizens sa ngayon sa bansa, makukuha lamang ito ng mga seniors sa mga malls at iba pang malalaking service providers na sa ngayon, hindi din napupuntahan ng mga ito dahil sa mahal na presyo ng mga bilihin sa nabanggit na mga establishments.

“These discounts are mostly not available in the neighborhood stores and in their local wet markets,” 

“Thus, the rising cost of living and the added financial burden brought about by the present pandemic has taken a toll on our indigent senior citizens,” dagdag pa ni Sotto.


Ads

Sponsored Links



Para sa opisyal, malaking tulong ang dagdag na P500 para sa pang araw-araw na pangangailangan at medical needs ng mga mahihirap na matatanda.

Sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010, maituturing na indigent senior citizen ang mga sumusunod:
  • Nasa edad 60-anyos pataas
  • Mahina ang pangangatawan, may sakit o kapansanan
  • Walang pension na natatanggap o permanenteng pinagkukunan ng income, compensation o financial assistance mula mga kamag-anak upang suportahan ang basic needs nito
Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan din ang DSWD na i-review at kung kinakailangan, baguhin ang halaga kada dalawang taon ayon na rin sa pag-aproba ng Department of Budget and Management o DBM.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments:

Post a Comment