JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Monday, October 11, 2021

OWWA, handa sa pagdagsa ng mga uuwing OFWs ngayong kapaskuhan






MANILA, Philippines — PINASIGURO ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na handa ito sa pagdagsa ng mga uuwing overseas Filipino workers o OFW ngayong Disyembre.

Ayon kay OWWA chief Hans Cacdac, may sapat na accomodation para sa mga OFWs bago pa man ang Christmas season.

Sa ngayon, nasa 12, 000 hanggang 13,000 OFWs pa ang nananatili sa mga government-sponsored hotel facilities. Sa nabanggit na bilang, mahigit sa 9,000 umano ang nananatili sa 178 hotels sa Metro Manila.

Ads


Sinabi pa nito na may mga panahon na umabot sa 15,000 ang bilang ng mga OFWs na nasa quarantine facilities na maikukunsiderang nasa red alert level.

“Aside from the Ninoy Aquino International Airport (NAIA), the government has already established several international ports of entry, such as the ones in Laoag, Clark, Subic, Cebu, and Davao,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng IATF resolution, ang mga bakunado na biyahero mula sa mga ‘green o yellow list countries’ ay sasailalim pa rin sa quarantine hanggang sa mailabas ang resulta ng kanilang COVID-19 test results.

Ads

Sponsored Links



Dagdag pa ni Cacdac na nasa P15,000 hanggang P20,000 ang gastos ng gobyerno sa kada OFW. 
Dahil dito,  humiling na ng dagdag na P7.5 million ang OWWA bilang pondo para sa repatriation funds ng mga returning OFWs hanggang sa katapusan ng taon.



Samantala, narito ang travel advisory ng Pilipinas sa mga uuwi o pupunta ng Pilipinas galing sa ibang bansa:

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments:

Post a Comment