Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, November 04, 2021

Israel, naghahanap ng 500 caregivers; naghihintay na sahod halos P80,000





MANILA, Philippines — SA kabila ng Covid-19 pandemic, marami pa rin sa mga Filipino ang naghahanap at nagnanais na makapag-trabaho sa abroad. Kung isa ka sa mga nais maging Overseas Filipino Workers o OFW, naghahanap ngayon ang bansang Israel ng nasa 500 mga caregivers!

Matapos ideneklara ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Palestine, tuloy na tuloy na ang deployment ng mga OFWs sa Israel.

Sa report ng Abs-Cbn, nasa 500 home-based caregivers ang kailangan ngayon ng Israel at tinatayang nasa 5,300 New Israeli Shekels ang buwanang sahod o aabot sa P77,320.


Ads


Sa mga interesado sa nabanggit na trabaho, narito ang mga qualifications ayon na rin sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA:
  • Filipino citizen
  • At least 23 years old
  • At least 1.5 meters ang taas
  • At least 45 kg ang timbang
  • BS nursing or BS physical therapist graduate or nakatapos ng 10 taon ng pag-aaral at may TESDA certification na NCII para sa caregiving at may 760 oras ng training
  • English language proficiency
  • Hindi pa nakapagtrabaho sa Israel
  • Walang magulang, asawa o anak na nagtatrabaho o nakatira sa Israel
  • Malusog ang isip at pangangatawan
  • May NBI clearance
Nilinaw naman ng POEA na government-to-government ang hiring ng mga caregivers sa Israel. Ibig sabihin, sa POEA lamang maaaring mag-apply ang mga interesado o sa kanilang website.


Ads

Sponsored Links



Kinakailangan naman ng aplikante na mag-register sa website ng POEA at sundin ang mga instructions.

Susuriin din ng POEA ang online application at magbibigay ng schedule para sa interview, submission of documents at pre-recruitment briefing para ipaliwanag ang proseso ng pagpili ng mga Israeli employer.

Ayon sa pahayag ng isang caregiver sa Israel na si Jan Magbanua, tatlong buwan pa lamang ito sa Israel ngunit nabawi na niya ang lahat ng gastos at sakripisyo nito.

"Ang mga Pilipino caregivers dito sa Israel ay mataas 'yung tingin nila… Maganda 'yung pasweldo nila, maganda rin 'yung alam mo 'yung benefits… Thankful talaga ako," pahayag ni Magbanua.

Noong Oktubre lamang nagpadala ng ika-11 batch ng mga Filipino Caregivers sa Israel ang POEA.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: