Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, October 04, 2021

ACOP program ng SSS, Ibinalik na; bagong guidelines, alamin!




MANILA, Philippines — IPINAGPATULOY na ng Social Security System o SSS ang implementasyon ng annual confirmation requirement for pensioners o ACOP, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na kailangan ang personal apperance sa SSS.

Ayon kay Aurora C. Ignacio, SSS president at chief executive officer na ang pagpapatuloy ng ACOP program ay magsisimula ngayong buwan ng Oktubre hanggang Marso 31, 2022.

Pinasiguro naman ng opisyal na may iba't-ibang alternatibo ang SSS upang masigurong ligtas ang mga pensioners sa kanilang pagsunod sa ACOP.

Ang ACOP ay isang pamamaraan upang masiguro na ang mga karapat-dapat lamang na mga beneficiaries ang patuloy na makakatanggap ng SSS benefit.

“We want to remind our pensioners that it is important to comply with ACOP so they can continue to receive their monthly pensions. Non-compliance with the yearly reporting will lead to the suspension of their monthly pensions,” pahayag ni Ignacio.

Ads


Sinabi pa nito na sakaling mabigo ang mga pensioners na i-comply ang ACOP, pansamantalang isususpende ng SSS ang kanilang buwanang pension simula Mayo 2022 na pensions.

“However, if the pensioners have already complied with their yearly reporting for 2021, they are no longer required to re-submit their duly accomplished ACOP form and other required documents,” paliwanag ni Ignacio.

Dahil sa pandemya, pansamantalang sinuspende ng SSS ang yearly reporting sa SSS ng mga pensioners para sa “humanitarian consideration” at upang maging ligtas ang mga SSS pensioners mula sa Covid-19.

“Considering that we are currently in a pandemic, we have adopted safer ways of conducting ACOP that will not require personal appearances from SSS pensioners or their beneficiaries,” ayon pa kay Ignacio.


Ads

Sponsored Links



Ang first option ay video conference sa pamamagitan ng Microsoft Teams, ngunit available lamang ito para sa mga pensioners na nakatira sa abroad.

Ang pensioner ay maaaring mag-send ng request para sa appointment sa ofw.relations@sss.gov.ph at hintayin ang email confirmation mula sa SSS kung saan makikita ang transaction reference number (TRN) at link sa Microsoft Teams.

Ang second option naman ay mag-send ng required documents sa email address ng pinaka-malapit na SSS branch o foreign office.

Maari namang i-check ng mga pensioners sa SSS website ang listahan ng mga SSS branch at foreign offices kasama na ang kani-kanilang e-mail addresses. Ang method na ito ay para lamang sa mga survivor pensioners, dependent children at kanilang mga guardians, at pensioners na nakatira sa Pilipinas.


Sa pag-sumite ng kanilang ACOP compliance, dapat sundin ang format sa kanilang e-mail subject: 

ACOP Compliance, Pensioner’s Name, SS number. 

Halimbawa ng format ay ACOP Compliance, Juan de la Cruz, 01-2345678-9.

Ang third option naman ay ang pag-send ng mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng mail o courier service. Sa mga survivor pensioners, at dependent children at kanilang mga guardians, maaari itong ipada sa pinaka-malapit na SSS branch office.

Sa mga pensioners na nakatira naman sa abroad, maaaring ipadala ito sa SSS OFW-Contact Services Section, SSS Main Office, Quezon City, o sa pinaka-malapit na SSS foreign office.




©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: