JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Monday, March 15, 2021

Bagong Labor Reform Initiative ng Saudi Arabia, Epektibo na!



MANILA, Philippines — EPEKTIBO na ang bagong Labor Reform Initiative o LRI ng Saudi Arabia na may layuning pagbutihin ang contractual relationship sa mga manggagawa sa private sector ng bansa.

Ayon sa Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD), isa itong pangunahing pagbabago sa Saudi labor market at sa ugnayan ng employer at expatriate workers.

Sa impormasyon na nakuha ng Ozak, isang Arabic Saudi Arabian daily newspaper, ang LRI umano ay nagbibigay ng maraming serbisyo kabilang na ang job transfer (transfer to another employer), exit/reentry, at final exit na maaaring magamit sa pamamagitan ng Absher at Qiwa platforms. 

Ads


Sakop ng LRI ang lahat na mga expatriate workers kagaya na lamang ng mga Filipino na nag-tatrabaho sa private sector establishments sa Saudi Arabia.

Pinapayagan ng job mobility service ang paglilipat ng trabaho ng isang expatriate worker sa pagitan ng mga pribadong sektor sa kondisyon na isina-alang alang ang karapatan ng bawat partido ng employer at ng expatriate worker.

Wala umanong dagdag na bayad ang paggamit ng job mobility service sa pamamagtan ng Qiwa platform.

Ano ang Eligibility Conditions para sa Expatriate Workers?
  • Dapat expatriate worker ang isang manggagawa na nagtatrabaho sa ilalim ng Saudi Labor System.

  • Dapat nakumpleto ng manggagawa ang kabuuang isang taong serbisyo sa kasalukuyang employer nito, mula sa petsa ng kanyang pagdating sa bansa.

  • Dapat mayroong itong valid na employment contract.

  • Dapat mayroong job offer mula sa bagong employer ang isang manggagawa sa ilalim ng Qiwa portal.

  • Dapat mag-sumite ang manggagawa ng notice of transfer request sa kasalukuyang employer nito, ngunit nararapat nitong isa-alang alang ang notice period.


Ads

Sponsored Links



Samantala sa ilalim ng LRI, pinapayagan din ang paglilipat ng manggagawa sa ibang employer na walang kondisyon ngunit base sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Kawalan ng notarized o registered work contract
  • Hindi nabayaran ng sahod sa loob ng tatlong magkasunod na buwan
  • Kawalan ng employer dahil sa pag-bakasyon nito, pagkakulong o pagkamatay.
  • Kung nag-expire na ang work permit o visa ng isang expatriate worker.
  • Kung inireport ng isang worker ang commercial cover-up ng employer nito sa kondisyon na hindi sangkot.
  • Kung nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan dahil sa trabaho ang worker at ang employer, at kung nabigo ang employer o ang representante nitong dumalo sa hearing o anumang judicial level sa kabila ka-alaman nito ukol sa petsa ng nabanggit na mga hearing.
  • Kung pinapayagan ng kasalukuyang employer ang paglilipat ng trabaho ng expatriate worker.


Una nang inihayag ni Undersecretary of the Ministry of Human Resources for Inspection and Development of Work Environment Sattam Al-Harbi na hindi ang employer ang magde-desisyon na kailangan nang umalis ng bansa ng isang manggagawa sakaling may makita itong ibang trabaho.

Hindi rin umano dapat hadlangang maka-uwi sa bansa nito ang isang manggagawa sakaling may utang pa ito sa kanyang employer. Sa halip, dapat itong habulin ng employer sa pamamagitan ng judicial authorities.

Sa paglilinaw ng opisyal, wala nang sponsorship o kafalah, sa halip magkakaroon ng contractual relationship ang employer at worker nito.

Dagdag pa ni Al-Harbi na ang nabanggit na contractual relationship ay naaayon sa work contract na may sinusunod na regulation at procedures na kapwa sinang-ayunan ng magkabilang-panig.

Sakali umanong may hindi pagkaka-unawaan sa kontrata, kailangang dalhin ito sa labor court upang mapag-usapan at ma-desisyunan.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments:

Post a Comment