JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Friday, December 11, 2020

Babae, Kinasuhan ang Nobyong Ayaw Magpakasal sa Kabila ng 8-taong Relasyon





DAHIL sa kawalan ng planong magpakasal sa kabila ng mahaba-haba ng relasyon, kinasuhan ngayon ng isang babae sa Zambia ang boyfriend nito dahil sa pag-aksaya umano nito ng kanyang oras.

Sa ulat ng Kenyan news outlet na Tuko, sinabi ng 26-anyos na si Gertrude Ngoma na napagod na ito sa kakahintay na mag-propose ng kasal ang nobyong si Herbert Sasaliki, 28-anyos.

Sa reklamo ni Ngoma sa korte, nagdududa na rin umano ito sa loyalty ng nobyo matapos nitong nadiskubre ang pagkakaroon nito ng sexual relationship sa ibang babae.


Ads


Napag-alaman na may anak na ang dalawa ngunit, nakatira si Ngoma sa mga magulang nito habang mag-isa namang namumuhay ang nobyong si Sasaliki.

“Your Honor, he has never been serious, that is why I brought him to court, because I deserve to know the way forward and my future with him,” 

Depensa ng lalaki sa korte na hindi pa ito handang magpakasal sa nobya lalo na't hindi pa umano ito financially capable sa pagkakaroon ng pamilya.

Dagdag pa nito na dapat ding sisihin si Ngoma dahil sa kawalan ng komunikasyon sa pagitan nilang dalawa, maliban pa sa hindi sapat na atensiyong ibinibigay nito sa kanya.

Matapos marinig ang testimonya ng magkabilang panig, inihayag ni Presiding magistrate Evelyn Nalwize na walang magagawa ang korte sa kanilang problema dahil hindi pa sila kasal.

Pinayuhan na lamang nito si Gertrude na kasuhan ng breach of marriage contract ang boyfriend nito dahil nakapag-bayad na ito ng dorwy sa kanyang ma magulang.

Inutusan naman ng huwes ang dalawa na pag-usapan ang kanilang problema sa labas ng korte at magkasundo.



Ads

Sponsored Links


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments:

Post a Comment