Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, November 28, 2020

May Aasahan Bang P1,000 Pension Hike sa 2021? Alamin ang Sagot ng SSS!





MANILA, Philippines —AABOT sa P38 billion kada taon ang kakailanganin ng Social Security System o SSS para ma-pondohan ang second tranche na P1,000 sa pension.

Ayon kay SSS vice president for public affairs and special events Fernan Nicolas, napakalaking pera ang kinakailangan kung ipatutupad ang isinusulong na pension hike.

“The amount to be released is huge. We need an additional P38 billion a year so that we can fund the P1,000 increase,”

Sa ngayon, nasa 2.8 million na umano ang bilang ng mga pensioners ng SSS. Dahil dito, posibleng tataas pa ang pondong kinakailangan dahil tumataas din ang bilang ng mga miyembrong nag-reretiro.

Ads


Dahil sa napakalaking pondong kinakailangan, muling iminungkahi ng opisyal na kailangang pag-aralang mabuti ang isinusulong na pension hike upang masiguro kung kaya bang ibigay ng SSS ang nasabing dagdag benipisyo.

“We need to study this because the system, the fund should be financially sound before we can release it.”

Babala ni Nicolas, mapanganib ang pagbibigay ng P1,000 na pension hike na walang pag-aaral lalo na sa panahon ngayon kung saan naapektuhan din ng coronavirus pandemic ang financial position ng SSS.

“The SSS lost huge contributions monthly because many members lost their jobs,”

Ads

Sponsored Links



Sa kabila nito, kinlaro ni Nicolas na hindi tutol ang SSS sa isinusulong na pension hike na isa sa campaign promise ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We are not opposing. But at this point in time, as said by our president Aurora Ignacio, we need to study this thoroughly because we have an economic crisis and the SSS is affected,”

Una nang inihayag ni SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio na hindi makabubuti sa SSS sa mga susunod pang taon ang pagpapatupad ng P1,000 na pension hike.

Paliwanag ni Ignacio, naapektuhan ang management ng pondo ng SSS dahil mas maraming benipisyo binayaran kaysa sa kontribusyong nakolekta.

Umabot din umano sa P28.57 billion ang total net income ng SSS sa unang siyam na buwan, mas bababa kung ikukumpara sa P31.07 billion sa kaparehong period noong 2019.

©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Unknown said...

Thanks so much, fully understood! Darating din yan sa tamang panahon..