Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, November 17, 2020

Mag-a-apply ng SSS Calamity Loan? Narito ang mga Guidelines na Dapat Mong Malaman Bago Mag-apply!





MANILA, Philippines — NAGLABAS na ng guidelines ang Social Security System o SSS para sa calamity assistance sa mga miyembro at pensioners nito na naapektuhan ng magkasunod na mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Ayon sa SSS, magbibigay ito ng calamity assistance package para sa mga miyembro at pensioners nitong nasa mga lugar na isinailalim o isasailalim pa sa State of Calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa magkasunod na pananalasa ng mga malalakas na bagyo sa Pilipinas, lalo na sa bahagi ng Luzon.


Ads


Sinabi ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na simula Nobyembre 27, 2020, tatlong programa ang bubuksan ng SSS upang makapag-bigay ng financial assistance sa mga binagyong miyembro at pensioners.

Kabilang sa mga mga programa ang mga sumusunod:
  • Calamity Loan Assistance Program (CLAP) for qualified members

  • Three-month Advance Pension for SS and Employees’ Compensation (EC) pensioners

  • Direct House Repair and Improvement Loan for qualified members
Samantala, narito ang guidelines ng SSS para sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP)

Sa ilalim ng CLAP, ang mga qualified members "may avail of a loan equivalent to the average of their last 12 monthly salary credits (MSC) rounded up to the nearest thousand or the amount they applied for, whichever is lower."


Ads
Sponsored Links


Sino ang Kwalipikado sa CLAP?
  • SSS member na may My.SSS account sa www.sss.gov.ph

  • May contribution na hindi bababa sa 36 months at anim nito ay dapat naihulog sa nakaraang 12 buwan bago ang buwan ng application.

  • Residente ng lugar na isinailalim sa state of calamity ng NDRRMC at dumanas ng labis na pinsala sa mga ari-arian dahil sa mga bagyong Rolly, Quinta at Ulysses

  • Miyembrong hindi nabigyan ng final benefit kagaya ng permanent total disability o retirement

  • Walang outstanding loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program

  • Hindi naka-apply sa nakaraang Calamity Loan Package


Ano ang proseso ng Calamity Loan Application?

Ang CLAP ay maaaring aplayan online sa pamamagitan ng My.SSS account ng miyembro.

Papatunayan naman ng kanilang mga employer ang aplikasyon ng mga miyembro sa pamamagitan ng My.SSS account ng mga employer.

Ilang taon babayaran ang SSS Calamity Loan?

Ang calamity loan ay dapat mabayaran sa loob ng dalawang taon na may 10 percent interest rate per annum at one percent penalty para sa mga late payments.

Hindi naman babawasan ng one percent na service fee ang calamity loan.


Kailan magsisimula ang pagbabayad sa Calamity Loan?

Magsisimula ang pagbabayad sa calamity loan sa ikalawang buwan kasunod sa petsang inaprobahan ang loan. Ang deadline ng pagbababayd ay kada huling araw ng buwan.

Saan makukuha ang perang ni-loan sa SSS Calamity Loan?

Kung maaaprobahan, agad na makukuha ng miyembro ang calamity loan proceeds ito sa kanyang disbursement account na nirehistro sa SSS.
  • Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network participating bank account

  • Unified Multi-Purpose Identification Card enrolled bilang ATM card 

  • Union Bank of the Philippines Quick Card.
Kailan magsisimula ang application ng SSS Calamity Loan?

Ang application para sa CLAP ay magsisimula sa Nobyembre 27 hanggang Pebrero 26, 2021.

Sa ngayon, kabilang sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity ng NDRRMC dahil sa pananalasa ng mga bagyo ay ang mga sumusunod;
  • Cavite
  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Batangas
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
  • Marinduque
  • Albay
  • Mulanay, Quezon
  • Culion, Palawan
  • Banton, Concepcion, at Corcuera sa Romblon
  • Asipulo, Ifugao

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: