JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Thursday, October 01, 2020

Pre-Registration ng National ID, Simula na!; 32 Probinsiya, Mauuna!





SA kabila ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic, tuloy na tuloy ang paghahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pre-registration para sa Philippine National Identification System (PhilSys) na magsisimula na sa Oktubre 12.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, plano ng gobyernong maka-rehistro ng  “5 million household heads in 32 provinces by end of the year.”

Sinabi ni Malaya na layunin ng national ID na magkaroon ang lahat ng valid proof of identification at hindi na magkaroon ng napakarami pang ID.

Alinsunod sa National ID system, pag-iisahin na ang mga government IDs at magkaroon ng single national identification system.



Ads


Ngunit paliwanag ni Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista, maaring mamili ang publiko kung a-apply ang mga ito para sa National ID o hindi. Ngunit hinihikayat umano ang lahat na mag-apply para sa National ID dahil magiging importante ito para sa lahat na mga transaksiyon sa hinaharap.

“Sa batas po natin, lahat po ng Pilipino at resident aliens natin dito sa Pilipinas, pati po ang Pilipino na nasa abroad, ay puwedeng mag-apply para sa national ID pero voluntary. Voluntary po kasi ito,”

"Pero ini-encourage po namin ang pag-apply at pagkuha ng national ID...Dadating po tayo doon sa time na lahat ng transaksyon sa government ay hihingian na po ng national ID ang isang tao,” pahayag ni Bautista.




Ads

Ipinaliwanag naman ng DILG ang dalawang steps sa implementasyon ng national ID system.

STEP — 1

Magsasagawa ng house-to-house visits sa mga low-income families ang mga registration officers.

Ang nasabing mga pamilya ay pinili mula sa 40 lalawigan na pinaka-mababa sa Family Income and Expenditure Survey (FIES).

Unang tututukan ng PSA ang 32 lalawigan dahil ang natitira ay mga high-risk areas sa Covid-19.

STEP — 2

Pupunta sa mga registration centers sa kanilang mga bayan ang mga "heads of low income families" para makapag-fill up ng form.

STEP — 3

Dito na ipamimigay ang National ID.

Basahin: Contact Tracing Training Program, Inaalok na ng TESDA!
Sponsored Links



Paliwanag ni Bautista, prioridad sa programa ang mga low-income families upang magkaroon sila ng access sa iba't-ibang serbisyo gaya ng pagbabangko na madalas nagre-require ng maraming government-issued IDs at mga dokumento.

Narito ang listahan ng mga lalawigang magiging prioridad sa National ID.
  • Region I - Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
  • Region II - Cagayan, Isabela
  • Region III - Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales
  • Region IV-A - Batangas, Cavite, Laguna, Rizal 
  • Region V - Albay, Camarines Sur, Masbate 
  • Region VI - Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental
  • Region VII - Bohol, Cebu, Negros Oriental
  • Region VIII - Leyte
  • Region IX - Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental 
  • BARMM - Tawi-Tawi

Magiging laman ng National ID ang mga sumusunod:

  • PhilSys Number
  • Full Name
  • Facial Image
  • Sex
  • Date of Birth
  • Blood Type
  • Home Address
Taong 2018 nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055 o PhilSys Act, na nag-i-istablisa ng iisang national identification system.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments:

Post a Comment