JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank  and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Sponsored Links



Monday, May 25, 2020

Sang-ayon Ka Ba o Hindi? DOE, Tinitingnan ang Maitutulong ng Nuclear Energy sa Pagpapababa ng Singil sa Kuryente

Kabilang ang pambayad sa kuryente sa mga pangunahing nagiging suliranin ng napakaraming Pilipino na kulang pa ang kinikita sa pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain. At ngayong marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa isinasagawang lockdown sa iba't ibang panig ng bansa, lalong naging problema ng karamihan ang mga dapat nilang bayaran pagkatapos nito--kabilang na ang electric bill.

Dahil dito, minabuti ng Department of Energy (DOE) na humanap ng paraan para makatulong na mapababa ang singil sa kuryente. Isa sa mga tinitingnan nito ay ang nuclear energy.


Ads

Sa isang Joint Congressional Energy Commission hearing, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bagama't napababa ng kasalukuyang situwasyong dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang demand sa electricity at nagresulta na rin sa reduced rates, layunin pa rin ng DOE na mas maging abot-kaya ang halaga nito ngayong mayroong global pandemic na nakaaapekto sa bansa.

"Una po, sa nararanasan nating problema, isinusulong po namin 'yong nuclear. DOE is exploring all the possibilities so makakaasa po kayo na tinitingnan po natin lahat 'yan," tugon ni Cusi matapos tangunin ni Senador Risa Hontiveros kung ano ang ginagawa ng ahensya para tiyakin na hindi magiging dagdag na pasakit sa mga mamamayan ang electril bill na kakailanganin nilang bayaran.

Noon pa man ay iminumungkahi na ng DOE chief na baka panahon na upang maging bukas ang bansa sa paggamit ng nuclear energy.
Ads

Sponsored Links


"Our minds have been conditioned in the past that nuclear power plant is not good. Ang sinasabi lang natin, I think it's about time na maging open tayo," ani Cusi.


At nitong Marso, ipinakita niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nuclear energy program.

Ngunit ito na nga ba talaga ang tamang panahon? Panahon na upang mas maunawaan mo pa ang usaping ito!

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments:

Post a Comment