Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, August 31, 2009

Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You

Ang post na ito ay payong kapatid, payong kaibigan, payo bilang isang blogero, payo bilang isang KABLOGS.


Denelete or nakaunpublished na ang post mo na "Mukhang Pera" na nagdulot ng pangit na karanasan sa atin. Gusto ko bilang matanda sau, oo inaamin ko, matanda ako sau ng three eight and one fourth na matutunan mo ang mga simpleng aral na ito sa mundo ng blogging.




1. Ang mga bullet messages sa Cbox ay nagpapahiwatig na ang bumibisita sau ay maaring nagmamadali, hindi makapagbasa ng post or simply walang interest sa blog mo o ayaw makipagkaibigan sau, maliban na lang kung kilala mo na ang tao na yun. Magcomment ka sa comment page or comment box, nakakatulong ka pa sa blog owner, nakikita ka sa Google Search Engine, nakakadagdag ng pogi points sa profile views at higit sa lahat nababasa ang mensahe mo kaya pag may nagkagusto ng comment mo, napupunta sa blog mo at nagbabasa ng mga gawa mo.


Bakit nga ba masarap ang naka-base or nakauna sa pagcocomment ng post ng ibang blogero? Kasi unang-una nababasa ang comment mo ng lahat ng magcocomment dito at higit sa lahat naeexpose ka sa madlang blogero kaya traffic increases also.



2. Wag kang magsalita ng mga masasagwa or nasty comments sa comment/post mo. Maaring bastos ang ating ugali or pag-iisip pero I am honestly, easily offended ng mga mura or pagmumurang salita, or beyond decency na mga lengguwahe. Katunayan, kapag may nababasa ako na post na nagmumura nasasaktan ako. Namimili ako ng mga binabasa or bloghop at nililink sa sidebar ko. Wholesome is always awesome sabi nga nila. Para sa akin, ang gumagamit ng mga swear or foul words, mga bastos at nakikita or nababasa sa mga vulgar na pahayagan at magazine ay isang indikasyon na mahina ang vocabulary at discipline ng isang tao. At kapag dumating ang panahon na at lost of words, yun lang ang lalabas sa bibig.



3. Gawin mo na lahat. Alipustahin mo ang blog ko, magpatumbling-tumbling at split ka, pero wag kang mandamay ng pamilya or manira ng reputasyon. Hindi ko alam kong anong magagawa ko kapag pamilya ko ang dinamay mo. Katunayan kaya ako nagmumukhang pera at nagkakandahirap-hirap dito sa Saudi dahil sa pamilya ko. Kaya ako nagtitiis dahil sa pamilya ko. So, sa ngalan ng pamilya, utang na loob, please kapuso, wag mong idamay ang mga walang malay lalo na sa blog or sa comment or kahit saan sa internet.



4. Huwag mong gawing katatawanan or bastusin ang 12 milyon katao na sandigan ng pamilya, kinabukasan at ng bayan mo. Ang OFW ay tatlong letra lamang pero may malalim na kahulugan. Kung isa kang ex-OFW, alam mo yan, kung wala kang relative na OFW, dapat kang makiramdam.



Inaamin ko hindi perpekto ang mga OFW. May mga taong nagiging infidel or nangangaliwa, may mga taong nagiging gahaman, sakim at nagiging mukhang pera. May mga OFW na parang mga alamang ang ugali, kapag ikaw ay naging successful or naging maayos sa trabaho, naghahalo ang balat sa tinalupan sa inggit, paninira at tsismis at kulang na lang ipako ka sa krus. May mga OFW na hindi masaya kapag nagiging matagumpay ka. May mga OFW na hindi nalulungkot kapag nagkamali or nagfail ka. May mga OFW na nangingiti kapag nag-iisa kapag na-badluck ka.



Pero iilan lang sila. Sa limang taon kong pamumuhay at paghihirap sa mainit na disyertong ito, sari-saring kwento at karanasan ang aking narinig at nakita. Ang OFW para sa akin ay mga taong may pangarap sa buhay. Ang pangarap para sa sarili at kinabukasan ng pamilya na siyang nagtutulak para magtiis, that's where they draw strength to fight the terrible loneliness, and carry on even the most menial tasks at hand.



5. Ang pagbloblog ay hindi kahit kelan man sinusukat kung gaano ka na katagal sa lansangan. 2005 pa ako nagsimula, pero marami pang akong natututunan at gustong matutunan, para pa rin akong Grade 6 kung magblog. Gusto kong magblog dati para magsilbing inspirasyon ng aking mga mahal sa buhay at kaibigan, pero natalo ako ni The Pope ng Palipasan at ni Bhing ng Gumamela sa Paraiso sa KABLOGS AWARD ng most Inspiring Blog. {hehe, sorry kanya-kanya pala tayong diskarte dito sa mundong ilalim, kaya di pala ako natalo, naungusan sa ganda ng mga post} Mga blog na halos wala pang isang taon pero magagaling at nakaka-antig ng damdamin. Kaya wag tayong magmayabang na matagal na tayong nagbloblog, tuloy lang tayo sa pagbibigay sigla at pagsilbing inspiration sa ating mga kababayan, nakakalibang, nakakapagbigay-alam, at nakakapagpadami ng kaibigan.



Iilan lang yan sa mga lessons na dapat nating matutunan, Arvin de la Pena. I wonder if one day, magcocomment ka rin sa comment box ko. Yung matino ah. Yung ayun sa post ko, yung related sa entry ko na toh.



Walang halong biro, sumulat ka ng maayos, matino, magaling, na walang inaapakang tao at walang sinasaktang damdamin, lalo kang sisikat.



©2009 THOUGHTSKOTO

35 comments:

2ngaw said...

Hehehe :D Walang halong galit yan ah?..

mas masarap mag post ng ganito kaysa puro mura at foul na salita ang mababasa mo sa isang entry, matuto tayong tumanggap at makapagbigay ng aral sa iba...

Peace sa lahat at sanay matutong magpakumbaba ang mga nagkakamali...

Mike Avenue said...

Panalo! Hehe.

Mahirap itong tanggapin ng mga taong bulag sa katotohan, nagbubulag-bulagan o sadyang binulag ng mga pantasya at kathang-isip lamang. Mabuti na lang at ako'y nagising na sa isang pagkakahimbing. Sana'y magising na rin ang iba.

Kaya lang bitin!
Kaabang-abang ang kasunod.

Ken said...

*** LordCM


Okay ka na KABLOGS Prexy? Salamat sau. Salamat sa halimbawa, salamat sa pagiging mahinahon, at pagiging understanding. Pinahanga mo ako.

***Mike Avenue

Baka kelangan mo ang kasama sa pagpipintura ng bahay ng blog mo. request ng misis ko, pink daw. hahaha

Sana nga, Mike. Marami akong lessons na natutunan sa buhay, dahil kung may pagkakamali, may mga natututunan.

2ngaw said...

Toinks!!Bola!! lolzz

May pinopretektahan lang ako, pero kung wala..hehehe :D di ko alam mangyayari lolz

Ken said...

***LordCM

Bola? Ngek. Kahit magpapalakas ako sau CM, malakas na talaga ako sau. Kaya hindi mo na kelangan bolahin. hehe

Salamat CM. Honestly.

2ngaw said...

Hehehe :D Ako dapat ang magpapalakas sayo, dahil kelangan ng pera ng kablogs lolzz

Sana marami makabasa nitong entry mo, kaso di pa rin nag a-update ung bloglist ko...isang oras yata yun bago mag update...

EǝʞsuǝJ said...

hahaha...

kalma lang kuya..

salamat kuya
at least ngayon natutuhan ko na ang paggamit ng cbox o shoutmix..

hehehee...


inhale exhale muna kuya..
^^,

salamat at lumipas na din ang unos...

EǝʞsuǝJ said...
This comment has been removed by the author.
JΣšï said...

apir!

kuya...ndi ka naman galit sa lagay na yan? hihihi..

mas masarap pag walang kaaway sa blogosperyo...
mas masarap magsulat kung alam mong ang mga mambabasa e maiinspire sa mga post mo...
at mas masarap kung madami kang kaibigan at readers na sumusubaybay sa bawat post mo...

salamat naman at wala na ang bagyo..
sana lang matuto na siya...

malaya at lahat tayo ay may karapatan magsulat...wag lang yung may halong kabastusan at pang iinsulto sa kapwa...

yun lng po...bow!

kumusta na pala kuya yung atm mo? ok nb? makakapag donate knb sa Kablogs? lolz!!

The Pope said...

It is well said, but there is only one area that I disagree, hindi ka namin "tinalo", blogging can never be a competition since it is a "personal expression of thoughts".

There is only one Thoughtskoto in the blogsphere, you are unique in every way.

And it is appropriate to say that my entry in this blogging world along with the other bloggers, "hawak kamay, may kasama ka". Sa pakikiisa sa adhikain ng OFW, lahat tayo ay pantay pantay sa paniniwala para sa kadakilaan ng ating mga kababayan.

God bless you and keep inspiring our Kababayan.

Superjaid said...

Very well said kuya,Ü after these post kapag di pa rin sya nagbago, dedmahin na lang sya, may mga tao talagang sadyang mahirap kausapin, basta alam nyo naman po na nasa tama kayo..Ü

Ken said...

***CM

Di pa nga ayos ang ATM ko, ang ATM muna ng KABLOGS ang gagamitin ko. hehehe. Maghanap tayo ng sponsors ah. sa PEBA. lolz ka rin! hahaha. Peace CM.

***Jen
Natuwa ako sa nabasa ko, pero bago ang profile mo kaya talagang tiningnan ko at im trying to zoom pa talaga.haha

Oi, bakit nadelete yung isang Comment.

***Jee

Apir! hindi ako galit. ganyan lang yan kapag nakakatandang kapatid ang nangangaral sa nakakabatang kapatid, medyo matapang para makinig. hehehe

Hay ang atm ko di pa, wala yung Bank representative Kagabi, pinagtataguan kami. hehehe

May tumatawag na pala sakin about sa KABLOGS donation. hmmn, baka pwede sa account mo muna Jee?

Trainer Y said...

nakakalungkot isipin na hanggang ngaun eh hindi pa rin natutunan ng mangilan-niglang blogero jan sa tai-tabi ang "responsible writing" hindi porket pag-aari nila ang isang blog ay may lisensya na silang magsulat ng magsulat ng kung ano-ano... pumasok sya sa isang mundong hindi alng siya ang tao... kung ganun na gusto nyang magsulat ng kahit anong naisin nya at ayaw nyang may magrereact kapag may tamaan sya, dpat naka private na alng yung blog nya.. wag na nya isapubliko ng walang gulo.. walang diskusyon.. at walang panakit sa bangs... hmp.... hay naku!
nasstress ako sayo arvin!

Ruel said...

Pangaral na may kunting galit..hehe Matindi ka palang magalit Mr. Thoughtskoto. Sana magkaroon na ng PEACE ang mundo ng blogosperyo, para wala ng Lessons 102, 103, 104 and so on and so forth..lolz

Ken said...

***The Pope

Mali yata ang pagkasabi kong natalo...i am thinking kasi the KABLOGS awards. hehehe. Sori po. I stand corrected.

Salamat sa pagcorrect na yan. Natututo pa rin ako.

bizjoker-of-the-philippines said...

Ako ay Pro-Hazing na tao e...
Gusto kong mai-ayon ang baluktot ng iba sa kung anong kurbada meron ang samahan, o kung tuwid man. Iisang tabas lang dapat, kapag iba ang tabas mo, it's either tabasin ka or magpatabas ka ng kusa.

May taong hindi nakakukuha sa salita dahil kulang talaga ang himaymay ng pag iisip, kaya ang mga kadeteng wala sa alignment-SINISIKMURAAN. Military cariño ang tawag dyan..

kaya matuto ka na, dudong! 101 yan..pag dating sa akin Howitzer 105 yan.

Saka walang takutan...lalo pa't wala namang tunay gerang naranasan

mula dito sa Afghanistan..charging up!

NJ Abad said...

Oi nahuli na naman ako... dami na ng comments ah.

Kenj, I appreciate your take on the issue. That was a gentleman's act.

As Lord CM aptly said it, we may have differing opinions on how to resolve the issue, but to take the road less traveled always makes the big difference... for us, for our families, and for the hole bloggywood in general.

We act by what we believe in and let this experience teach us once again that as OFWs, we will not allow ourselves to be attacked, maligned, abused and exploited by anyone who cannot prove such innuendos and accusations.

Gumamela said...

Lahat ng bagay nadadala sa maayos na pag uusap ngunit may mga sitwasyon na kailangan manindigan kung ang prinsipyot dangal ang niyuyurakan....

mabuhay ka!

salamat!

cmvillanueva said...

Pangaralan ba? hehhe!

Hindi kaya after ng PEBA, BLOGGER'S INSTITUTE, o BLOGGER's LEARNING CENTER naman ang isunod mo, para maturuan ng tama ang mga nalilihis na bloggers, hehehh!

Marlon Celso said...

Ano bang kaguluhan ito? lols..I have my take on this already, salamat pala sa awards. Ngayon lang ako nakadaan.

Tama, dapat talaga turuan na lang ng magandang asal tong taong to. Hindi kalye ang blogosphere.

A-Z-3-L said...

kelangan pala dapat lecture-lecturan para madaming comments! lolz!

now i see a father talking to his child! mahinahon... malumanay... patagay-tagay! lolz!

sana maayos na ang lahat... sana matahimik na ang blogosperyo.

-BER months na bukas kuya...

maagang pagbati ng maligayang pasko sa bahay ng THOUGHSKOTO...

Nebz said...

Pangaral galing sa ama ng Kablogs.

And yes, I hope that there'll be no more Lessons 102, 103, 104...sabi nga ni Ruel.

Ken said...

*** Yanah

hehehe, anong ibig mong sabihin nito? "hindi pa rin natutunan ng mangilan-niglang blogero jan sa tai-tabi ang "responsible writing"

hahaha natawa lang ako kasi may nabasa akong nakakatawa. Salamat sa comment, ang presyon ah. mabuBusy ka na sa PEBA.


***Ruel

Hahaha, hindi ako galit Ruel. Ganun lang yun kapag nangangaral, medyo mataas ang boses ko para maging attentive at makuha ang attention.

(oi pero di ako ganyan in real life promise...ask Mrs. Thoughtskoto. hehehe)

Ken said...

*** Bizjoker

Natawa talaga ako sa last comment mo. Lessons 101 ito, Howitzer 105 na ang sau. Haha.

Ah, ganun pala ang tawag sa army na nakafall in line tapos sinisikmuraan?

MILITARY CARE?

Ken said...

***NJ

"We act by what we believe in and let this experience teach us once again that as OFWs, we will not allow ourselves to be attacked, maligned, abused and exploited by anyone who cannot prove such innuendos and accusations."

I like this part, I was about to joined with you in waging war if he has not deleted his entry. I am hoping he will say sorry. That's all, and we can move on and forget all this things.

I am honestly awed by you and CM's stand. You as PEBA President, and CM as KABLOGS president have different stand on the issue, but both are right and both and essential. Is it not wonderful? Is it not an effort laudable. perhaps, if we choose to be silent, the post will still be there, hurting more, and who knows there will be more. But CM as ambassador of peace called the guy and asked him to delete and ask sorry for all this things.

Ken said...

*** Jaid

Salamat sa comment sa page namin.
salamat na rin sa pag-intindi and i hope hindi ka na busy.

***Bhing
Sama-sama together ba tayo dito, hehehe. Salamat sa pakikiisa, I know bilang Caregiver at babae, masakit sau ang post na yun.

***Batang Henyo

Natawa talaga ako. oo nga noh, bakit nga hindi tayo gumawa ng Blogger's Institute or Blogger's Learning Center?

Kasi po ang pagbloblog ay personal, galing sa salitang web log ay personal diaries, kaya kanya-kanyang paraan ng paglalahad, basta lang be responsible. Salamat sau batang henyo...

***Marlon

Ano ba, nabasa ko ang post mo, kababalik mo lang sa blogosphere nahighblood ka na agad. Pero dahil may kopya ka ng Mukhang PERA na post niya lilink kita sa post ko na Makitid ha. hehehe

Ken said...

***AZEL

haha.alam mo zel, ayaw ko nga sana na delete niya yung post niya, edit niya lang, at saka magsorry or issue an apology okay na.

Pero zel, yung IPod mo hold muna. Ano daw, tatay na kausap at nangangaral kay sa anak. Parang di ko matanggap yun zel, hahaha. Kung ganun ang isip ng anak ko, di ko matanggap yun zel. Please... kapatid na lang pwede pa. hehehe

Trainer Y said...

hahaha
sorry naman kuya sa typo error ko..
ala mo kasi dito sa opis eh
laging bago ang keyboard ko at nakabalot pa ng plastic while ginagamit ko kaya mahirap pindutin ung mga keys..
at nagpaliwanag pa ako!
hahahahaha
sige lang kuya.. bato lang ng bato ng gawain habang may oras hehehe..
yaman din lamang na nilagay mo ang numero ko dun.. sa yun na yun.. pwede ko bang itanong...
magiging call center ba ako?
hahahahaha
its good to be back!
hihihihi gandang balik ko... lagi may kabalbalan dito sa blogosphere! hahahaha

angel said...

ay sorry po ang laki ko talagang engot binasa ko na nga ang entry mo di ko pa rin sinunod cnabi ng mas magandang mag message sa comment box kesa cbox tigas talaga ng ulo ko don pa rin ako ng sulat hehehe. di bale bawi ako dito.una million tnx sa pag bisita mo ha, at tnx din sa pag buo ng isang samahan para sa mga O.F.W. bloggers alam ko marami kayong matutulungan. yung sa cbox totoo yon add po kita ha. tnx uli & god bless your family:)

Kablogie said...

Yes! Agree ako mga bro!

Pero mas mainam na wag nyo na lang pansinin yun mga naninira dahil sila yun mga tao na di nila alam yun mga sinasabi nila or ginagawa.

Ang taong putak ng putak na walang nakikinig titigil din yun at mananahimik sa isang sulok. baka dun marealize nya (sana kung meron sya ganun sa sarili nya!) mas maganda.

Bahala na ang Diyos sa kanya!

Life Moto said...

Bro, ok lang dyan. well explain yung 101 mo but kung di nya maintindihan yun ay kailangan pa ng 102 so on so forth.

Hindi na ako nag gawa ng article tungkol sa Mr. A. You guys have said enough. I believe ay maririnig nya yun. Unless na lang kung gusto pa nyang tumaas ang rating. I have a prayer for him already in my post.

Bottom line nasa likod nyo lang ako!

poging (ilo)CANO said...

si arvin nandun na sa room 101 para sa kanyang subjek na lesson 101..hahaha..

ay. mali! nasa recess parin pala xa kalaro niya yung malaking palaka..nyahahaha...

Francesca said...

The usefullness of hàving à blog. We càn use it às defense weàpon in peàcefull mànner.

taympers said...

atlis you led it in a nice way, you expressed it with a manner. salute you for that.

Anonymous said...

[url=http://sapresodas.net/][img]http://vioperdosas.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]way to buy photoshop, [url=http://vioperdosas.net/]windows xp help[/url]
[url=http://vioperdosas.net/]design software to buy[/url] discount software adobe acrobat city software store
it safe to buy software [url=http://sapresodas.net/]adobe photoshop cs3 for mac full version[/url] discount software stores
[url=http://vioperdosas.net/]buy hacking softwares[/url] buy dragon software
[url=http://vioperdosas.net/]microsoft office government discount[/url] adobe photoshop cs3 for beginners cd dvd
discount adobe software [url=http://sapresodas.net/]macromedia com software flashplayer 7[/url][/b]