Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, August 25, 2009

BAKIT MAKITID ANG UTAK MO? (Edited)

Paumanhin: I have been vocal in replying to blog and post that are highly critical sa mga OFW's. Hindi ako naghahanap ng gulo, at mas lalong ayaw ko ng magulo, pero may mga sitwasyon na hindi lang hinahayaan. Pagbigyan niyo na ako, baka mapapagod din ako kalaunan.


Inaamin ko na I am"mean" sometimes especially when retaliating to post against sa mga OFW's. Ipinanganak ako at lumaking kanto boy sa Mindanao sa bayan ng Cotabato, pinalaki ng Nanay sa General Santos na may respeto sa kapwa, at tinuruan ng magandang asal at kabutihan, kaya lang may pagka kanto boy pa rin. At kung ang tema ng iyong post ay may halong walang modo, kabastusan at walang respeto, kita kits tayo sa kanto.


Ang mababasa niyo sa ibaba ay isang kwentong parody or satire in response to Arvin de la Pena post na "Mukhang Pera". This post was voluntary deleted by the Blogger mentioned above.

88888888888

Naguusap kami ng Production Manager ng planta namin nung bigla may dumaan, si Boy Bawang. Sabi niya bisitahin mo nga ang blog ko, nagpost ako about OFW. Magaling si Boy Bawang, parang si Boy Buang. Ang kaibahan lang nila, si Boy Bawang papak ng papak ng mais samantalang si Boy Buang may pagkaabno minsan. Epekto seguro nung tumalon sa tulay dahil sa hindi sinagot ni Paris Hilton. Dun pala galing ang bansag na "Buang".


Balik tayo kay Boy Bawang. Magaling pala si Boy Bawang sa tula. Parang ganito lang yun. "Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, pagkat natuliro. Tapos na po, bow!" Katunayan, maraming tula niya ang napublish sa mga dyaryo kagaya ng BAHAG, KULANGO, at TULANGGONG. Karamihan sa mga tula niya ay alay niya sa mga naggagandahang babae sa internet o sa school. Mas magaling daw siya gumawa ng tula kapag lasing, kaya wag ka nang magtaka kung minsan parang nasa kubeta ka kung nagbabasa ka.


Binasa ko ang post niya, kahit napakahaba, binasa ko kasi sinulat pa daw iyun back to back sa papel at saka may kinalaman sa OFW. Pinaghirapan niya at nakaubos ng ilang sakong mais hanggang maging utak mais na siya. Halata naman sa sulat niya, di ba. Sabi ko sa Production Manager namin na si Mang Manny, "Sir, pakibasa mo nga."


Matiyagang nagbasa si Mang Manny, at pagkatapos ng halos sampung minuto, nagwika ng mga salitang nakakagulat or nakakatawa. Parang si Boy Bawang at Boy Buang, iisang mukha, dalawang pag-uugali at pag-iisip.


"Pakisabi nga kay Boy Bawang, manalamin muna siya, kung ako na mahigit sampung taon na dito sa Saudi ay nagsusumikap para mapagtapos ang tatlo kong anak ay tatawagin niyang mukhang pera, ang tawag ko naman sa mga katulad niya mukhang AMAG!"

Medyo highblood na kasi si Mang Manny, tatanungin ko sana kung anong ibig sabihin ng amag, kung ito ba’y fungi, or molds, kaya sagot ko na lang.

"Sige po, sasabihin ko."

Nung lumabas na si Mang Manny ng opisina ko ay binasa ko ang email ni Ate Trisha, isang Caregiver sa Canada. Nabasa niya na rin pala ang post sa blog ni Boy Bawang.


Ito ang excerpt sa email niya.

"...abi nimo Dong, murag nakahilak ko sa iyahang istorya kabahin namong mga caregiver bah. Lisod kaayo oi. Pero duda nako naa na si Boy Bawang sakit, polar disorder man tingali tawag ana. Kasabot man sad kog tagalog oi, pero bastos man to iyahang istorya na dili man unta isulat. Anyway, dili nako magdugay Dong, pasagdi na lang na siya kay basura man ng iyahang mga post, bati bitaw nag mukha oi..."


Naawa ako kay Ate Trisha, kaya sabi ko sa email-reply ko, pwede mo seguro isend ng link ang Caregiver Association of the Philippines, at mga Nurses Association para ipabasa sa kanila, pati ang school kung saan galing si Boy Bawang kasi nagooffer din sila ng Caregiver at Nursing courses and tingnan natin kung anong masasabi nila sa malaswang kwento na ito.


Nanlumo ako sa aking nabasa actually. Hayag na kabastusan na walang puwang sa blog. Nagpapakita ng tunay na laman ng isip (kung may isip) at utak (kung may utak). Ang tawag namin nun sa Bisaya, "utak bolinao" yung mga maliliit na isda, ayun, dilis nga. Utak dilis pala.

Mag-anchovy salad ka na lang.

Alam mo may suggestion ako, Boy, why don't you take an IQ test online?

Dito oh.


Bumaba ako ng laboratory at nag-ikot sa production area habang nasa isip ang mga katagang sinulat ni Boy Bawang sa kanyang kwentong Face Money or Money Face...well {mani-pis}. Naalala ko tuloy si Binoy Pinya , isa rin daw yung basura blogger, kasi ang mga post niya basura, as in wala daw talagang kwenta, at bawat post niya umiikot yun sa buong world wide web para ipaalam na may post siya.


Halimbawa:

"may bago akong tula tungkol sa dalawang babaeng mahal ko sa blogosperyo"

Ang tawag sa blogger na umiikot at nagiiwan ng mga komentong ganyan ay

desperado, makitid ang utak, utak dilis nga eh!


ito pa...

"napost ko na ang kwento ko tungkol sa balakubak ko sa ulo at kung bakit may mga lisa ang mahaba kong buhok"

ang tawag dyan sa mga ganyang mga blogger na iikot sa blogsoperyo at proud sa balakubak at lisa - ipokrito at walanghiya o walang modo.


ito last na lang.

"napost ko na ang tungkol sa pagkamatay ng miyaw ko, magdala ka ng tissue at baka mapaluha ka pag binasa mo"

Kapag gusto mo daw magkaroon ng mga mambabasa at magcocomment sau, magcomment ka rin sa page nila. Bihira akong magcomment sa Cbox. Sa mundo ng blogging, give and take. Comment ka, comment ako. Hanggang sa mahook ako sa mga panulat mo, maging magkaibigan tayo. Hindi na parang nagiiwan ka ng instruction sa Cbox ng iba na basahin ang post mo na walang kwenta!


WAHID ITNIN TALATA

كما تعلمون ، أن تضيق من الدماغ ، وبعد مواجهة مثل العفن. وينبغي أن المدونين المتعفنة مثلك ، والقمامة وظيفة ، nilulublob الطين ، وكنت في مثل الجاموس.

المؤسف أن يفكر كما أنت. القمامة التي تقوم بكتابتها ، ولكن يبدو أنها تريد أن يلمع ، كنت تماوج أن الثوم


Translate ko na lang ha.

Anta Mok Mafi. La, mafi, monkin, anta mok taban, monkin karban. Inta kalam alatol kulo OFW sim sim sekol pulos? Anta karban, monkin, anta mafi pulos badin anta katir like pulos, monkin anta mafi akil. Bagaysaunilublubsaputikanparamatauhan.

Is muskil? Inta mafi malum Filipini katir kuayes? anta maginon. badin anta harami. Katir harami anta. Shup, inta sekol sim sim karban.


Kilala niyo na siya kung sino siya? Ilang beses na siyang nagiwan ng mensahe sa akin na i-add ko siya sa sidebar ko. Pero sorry, namimili kasi ako ng nilalagay ko sa sidebar ko. Boknoy, pasensia na boks, di ko type maglagay ng link sa mga post na tula-tula na may picture ng mga babae kahit ako ay tinaguriang makata ng school ko ng high school, at naging literary editor ng college. May mga manunula sa blogosperyo na magagaling, nakakabagbag-damdamin, nakakapagpagana ng kaisipan. Pero sory di ko type ang mga tula mo, mas lalo na kapag ang post mo ay hayag na pambabastos sa mga kagaya kong OFW.

Para sakin, isa kang basurang blogero, and hindi ako naglilink ng basurang post. Katunayan ito lang na post mo ang binasa ko. Ang post mo na ito na Mani pis. Kasi para sakin, nilait mo ako, kinutya, sinaling, at nilapastangan. Bulok na mga posting na gawa ng bulok na blogero na maaring pinalaki or lumaki sa bulok na pamamaraan.

Marami kang napublish na mga gawa sa dyaryo ? Well, sikat ka sa labas. Bulok sa loob.

United we fight this, full details at Palipasan.

Bizjoker also here, Gumamela sa Paraiso here, Dungeon here, Batang Henyo here

Azel at Mapanuring Panitik, and Jee of Wits Expression

Also here at Desert Aquaforce and Dating Tambay, KosaPogi Kupal here

Pamilyang Mukhang Pera


Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You



©2009 THOUGHTSKOTO

39 comments:

2ngaw said...

Hehehe :D Puso mo Kenji...

Alam naman na natin kung ano tayo, kung sino tayo, at maraming nakakakilala sa atin...tama na yun, wag na tayong maniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa atin...MAG ISA LANG NAMAN SYA!

A-Z-3-L said...

"Inta Hayati, Inta Habibi.
Min awil nazra Wsourti nassibi."

ayan na lang siguro ang i-google nya para mas madaling makita... kase ung arabic mo kuya kenji mahirap isa-isahin un sa W-W-W.

lalo na 'to:
bagaysaunilublubsaputikanparamatauhan

madali lang talagang sumikat dito sa bloggywood. tsk! ano kayang issue ang ire-raise nya ngayon, wag naman sanang gumaya sa hidwaan dati na sobrang gulo dahil mamamaril na ako! (lolz!)

sana'y matuto na ang dapat matuto... sana'y di na maulit ang nangyari noon. sana'y magkaron na ng kapayapaan sa blogosperyo.

hindi din sya naka-add saken. sayang ang space! lolz!

EǝʞsuǝJ said...

(abot ng tubig kay kuya kenji)
inom muna kuya...
tapos inhale-exhale....

hindi ko din sya inadd sa blog roll ko...
ayuko kase ng may halong pulitika sa cbox at comment box ko...
baka mahamon ko pa ng suntukan o ng barilan..
wag na lang...

sama ka kuya?
punta ko Nat'l Bookstore bili tayo ng yellowpad...=))

JΣšï said...

ang puso...
bigyan ng pamaypay at tubig si kuya kenji...:D

kung napapansin mo kuya lagi nalang tayong mga OFW ang ginagawang kasangkapan ng ibang bloggero para sumikat sila...nauulit na naman ngayon ang nangyaring gulo dati dito sa blogosperyo. pero sana naman tumigil na ang dapat tumigil. at manatiling tahimik at masaya...

nakakatawa lang isipin na humingi siya ng "sorry" na parang labas naman sa ilong tas eto na naman sya ngayon...gumagawa ng istorya at kabastusan...at OFW pa ang karakter niya dun sa kwento niya. nasaan nga kaya ang utak niya? baka naman nasa paa na nya! kaya ndi na sya makapag isip ng tama!

utak bolinao nga sya! bolinao din ang tawag samen ng dilis...hehehe..

at isa pa pala...gumagawa talaga siya ng eksena dito kase wala talaga sa kanyang pumapansin...kahit na yung mga babaeng inaalayan niya ng tula, alam kong hinding hindi siya papansinin ng mga yun!! sori ha...pero yun naman kase ang totoo! (pasintabi kung may masasaktan sa sinabi kong ito..)

at hindi rin siya naka add sa blogroll ko! baka kase gawan niya pa ako ng tula e!! (wag naman sana! lolzzz!!!)

Ken said...

*** CM

haha, tama ka CM. Hindi ko na nga siya nilink. Mahirap na baka sumikat pa. Pero kilala na natin siya, Nasa CBox ko.

***Azel
Oi, ang galing mo nman mag-arabic Azel. Haha. Anong meaning nun?

Haha, oi, pinatranslate ko pa yan sa katutubo kung kasama dito ah.


***Jen
Bakit nakaCAPSLOCK lahat ng comment mo dun? Haha. Limitahan ko na talaga ang Kafsa at Broasted. Hehehe

Lalo na ngayong Ramadan...

A-Z-3-L said...

@JEE - hindi pa ata nya nadidiscover na ikaw ang recepient ng "ANG GANDA MO" Award na galing sa Kablogs kaya hindi ka pa nagagawan ng tula. lolz!

Ken said...

*** Jee

"at hindi rin siya naka add sa blogroll ko! baka kase gawan niya pa ako ng tula e!! (wag naman sana! lolzzz!!!)"

Hindi ba niya alam na ikaw ang nanalo ng Ang Ganda Mo Award ng Kablogs? Haha, Kaya oi, Boy Bawang, ayan si Jee o, maganda yan, at mayaman! hehehe

Gawan na lang kaya niya ng tula ang Stuff toy mo?

Deth said...

aba aba, hanggang dito sa pinas ay naramdaman ang init dito sa blogosperyo ah kuya kenji! ahahaha...(pero mainit talaga dito sa pinas) hehehe...
relaks lang kuya, anong gusto mo pasalubong? hehehe...kewl ka lang kuya ha:D

A-Z-3-L said...

Waaaaahhhh! Kuya Kenji... kanta un!!! walastik! by Massari...

Ken said...

*** Azel
Halos magkasabay tayong nagpost ng comment ah. Hahaha, hayaan mo sasabihin ko sa kanya na mas maganda yata yan si Jee at OFW pa...

hahaha

Di ba magdodonate na nga yan sa KABLOGS. Kasi ayun sa hula ni the Pope, ang pinakaunang commenter daw na taga UAE ang next na magdodonate.

Ken said...

***Azel

Kanta pala yun, mafi malum!


*** Deth

hahaha, kahit nasa vacation abot ka pa rin ng intriga dyan? mainit talaga dito samin, nasa 48-50 degrees Celcius ngayon samahan mo pa ng humid.

Pero oi sinong nagsabing nagagalit ako. Hindi ah, nageexplain lang ah.

Mike Avenue said...

Hindi sana ako magbibitaw,
Ng sariling opinyon at mga pananaw
Ngunit naisip ko na ikalawkaw,
Upang ipaalam ang lasa ng sabaw!

Minsan din naman akong nalito,
Kaya nga mundo’y naglatang sa gulo
Kaya nararapat lamang siguro
Na magbabala sa ilang blogero.

Sa tulay na kahoy ako’y tatawid
Hindi iisipin ang mga ligalig
Kung papatulan ang aking mga hirit,
Ganyan ang buhay, maraming balakid!

Sa pagkakamali at pagkadapa
Natuto akong magpakumbaba
Pagkat alam ko na ako’y nagkasala,
Kaya nga salamat at napatawad na.

Inisip ko kasi lagi ang sarili,
Damdamin ng iba’y hindi ko nalimi,
Naging sanhi ito ng maraming ngiwi,
Kaya basura ko’y ibinalibag ng marami.

Kaya laging iisipin,
Bago sumulat ay amuy-amuyin,
Ang agos ng hangin sa himpapawirin,
Kung minsan ay lumalaban din.

Nagtanda akong dala ang pangaral
Ng mga bihasa at mga propesyonal,
Nais ko din naman ako ay itanghal
Na katulad nilang nasa pedestal.

Kaya nagsusumikap na maipadama
At hindi na muling makasagasa,
Pagkat alam kong hindi ako isa,
Masarap din namang mayroong kasama.


Ganito ang salaysay ng isang katulad ko
Sa “amag” na turing ng mga kabaryo:

Isang amag itong laging bangag,
Kwentong-literatura binababoy ang hitsura,
Hindi yata tao ang asal,
Bakit kailangang i-komersiyal?

Paligid-ligid sa daigdig itong balahura,
Upang ipaglandi ang kaniyang mga obra,
Obra nga bang itong kaniyang mga gawa,
O mas masangsang sa amoy ng aking basura?

Ngayon ko natanto ang sakit na dulot
Kapag ganito ang napupulot,
Malaswang salita na nakakapangunot
Buhat kasi doon sa dulo ng kuyukot!

Magbago nawa ang iyong pananaw,
Huwag mong hintaying maging halimaw,
Mahaba na ang buhok baka humaba din naman
Ang pangil at balahibo pati mga sungay!

Ayusin ang buhay hanggang maaga,
Huwag banyuhayin ang iyong mga diwa,
Gusto mo bang ika’y murahin pa
Upang matauhan hanggang sa humupa?

Ang mga OFW na narito ngayon
Nakakunot sa obserbasyon,
Kanilang pagkakimi at mga hinahon,
Baka bukas makalawa ay hindi na maglaon!

Kailangan nila’y hindi papuri,
Ngunit hindi rin gustong sila’y maapi,
Kung wala rin naman gandang masasabi,
Itiklop mo ang bibig at maitim na labi!

Ang kailangan nila’y bukas na puso
Na magsasaalang-alang ng mga sakripisyo,
Ang hirap at dusang kanilang sinisino,
Hindi mo masasabing sila’y nagbibiro!

Kaya dapat lamang na maunawaan
Kutong lupang nagsisiga-sigaan,
Bago mapasabulid ang buong kaharian,
Kailangang ihanay at nang maputulan!


PS.

Mahaba na ito lagot sa may-ari,
Baka magalit at mapangiwi,
Titigil ko na ang lakad ng sipi,
Titik ang titigil, suporta ay hindi!

Mike Avenue

Life Moto said...

bro na high ka na naman. well n need to pansin that kind of person. at least you have point out our stand. minsan na may bumanga sa atin and he ask for forgiveness i believe they know who are we.
Thank for fighting for OFW!

JΣšï said...

hindi niya pa nga ata nadidiscover na nasa aken ang Ganders Award. hahaha!!

KUYA, hindi ako mayaman...mayaman lang ang mukha ko!! (kapal ng mukha ko!!) lolzz!!!

teka teka... sino ba ang magdodonate?? hehehe...

A-Z-3-L said...

ang galing ni Mike! apllause! bravo! weeee-weeeeeeet!

kaya nga hinihiling ko na muling buksan ang Bry. Nakalimutan upang makabasa naman ang kutong-lupa ng totoong tula!

Maraming salamat sa suporta Mike!

2ngaw said...

Nakaka miss ang mga akda mo Mike, magbalik ka na at ipakita ang tunay na makata :D

JΣšï said...

nakalimutan ko pala...

ang galing ni Mike :)
clap...clap...clap...
sana buksan mo ulit ang blog mo...
para makabisita kami...
dahil alam namin na madami kaming makukuhang SUSTANSYA dun...

salamat sa suporta :)

Ken said...

*** Mike Avenue

Parang kelan lang tayo'y nagbanggaan
Sa isyung prinsipyo, respeto at unawaan,
Isang pangyayaring sana'y panaginip na lang.
Ngunit pilit binubura sa puso't isipan.

Ang iyung tula ay napakasarap na katotohanan
Sapagkat ngayon ikaw ay aming kaibigan.
Ngayon ikaw sa ami'y nakikipaglaban.
Maraming Salamat, aming kaibigan!

Anak ng tipaklong, napatula mo ako Mike ah!

What an irony. The very person we issued a statement as Anti-OFW is now the very person who fight for us.

Its really touchy! And I like the poem!

Ken said...

*** Jee

ito ang hula ni the Pope oh

"Huhulaan ko ang susuod na magdodonate, ayon sa aking vibrations ang susunod na magkakawang gawa ay ang unang babaeng nagcomment sa usapang ito, sino kaya sya? hahahaha."

JΣšï said...

ai kuya kenji hindi ata ako yun...si CM ata ang magdodonate! lolz!!

ai babae pala...e di si tiya IZIL pala yun! yeesss!! thank u in advance tiya izil sa idodonate mo sa Kablogs. hehehe...

JΣšï said...

ayun!! binasa ko ung comment ni The Pope dun sa post mo kahapon...at napahiya naman ako sa comment ko dito na si tiya izil ang magdodonate! lolz!!

ako pala yun! ako...wala ng iba! nyahahahaha!!

pag iisipan ko muna kung mag dodonate ba tlga ako o hindi...hmmm...stuff toys nalang cguro ang idodonate ko. lolz!!

pero malay naten...lets see... :)

poging (ilo)CANO said...

heart heart heart..wag kang masyadong magalit kung hindi ka inlab.nyahahaha

samahan kita sa kanto kuya, laking kanto at kalsada din ako. pero hindi ako mang-aaway.magtitinda lang ako pero hindi kakanin kundi yellow pad paper na tone-tonelada. yung kita, do-donate ko sa kablogs. wish lang natin na bibilhin ni boy bawang lahat yun..hehehe

Euroangel said...

ala na akong masabi..peace to all mankind!!...buti pa sila may oras mag post nang mga ganyan....ako nga ala pa tym mag post sa peba....ihahabol ko pa rin kenji...

cheers....meron na ata akong support banners dito na mga sites ko..good luck sa peba and all participants..
Explore Germany
Euroangel Graffiti

Gumamela said...

utak dilis...

sa bikol nmn utak KBL (kuyog, balaw, lilis) ung kuyog PADAS, ung balaw ALAMANG at ung lilis DILIS...

seriously, napahanga ako sa tula ni MIKE (he's the man)

bsta walang iwanan kenjie! kapit bisig sa laban n ito...

mabuhay taung lahat!

Ken said...

***Jee

Salamat sa donation. hahaha. Tula ka nga muna Jee. hahaha,

*** Poging James

Yellow Paper boy sa kanto ah...Matumal ang kita dyan pogi, subukan mo balut o pinoy. hehe pero teka bakit ka magtitinda, magagalit sau si swwetiepie mo...syempre lab ka nun. At saka may ibinulong yun sa hangin.

***Ruby
Wow, so ibig sabihin may coming nominee kami from Germany? Haha, Europe, PEBA comes!

Sige ill ask the KABLOGS Leadership kong nakaadd na ba ang mga sites mo.

2ngaw said...

Eto pa Kenji...

http://akosipatola.blogspot.com/2009/08/diwa.html

BlogusVox said...

Kanino ka ba galit? Doon sa makata (kuno)? Kung sa inglish "puwit".

The Pope said...

I call it "blasphemy".

The Pope cannot remain silent on the issues that concern his "flock", he has issued an "edict" on this regard.

Thank you for taking a strong stand, I deeply appreciate your display of courage in behalf of the millions of Migrant workers and OFW who have been victim of mockeries of a lone blogger.

Nawa'y manunbalik ang kapayapaan sa ating blogspero.

Mabuhay ang mga OFW at migranteng Pilipino. Sama sama nating isulong ang adhikain ng OFW.

bizjoker-of-the-philippines said...

Shukran katir sadik.. sa pag link sa blog ko ng post mo..

sana mai-divert na natin ang ating mga magagandang takbo ng isip... sa nalalapit na proyekto ng KaBlogs..hehehe! kahit bulag ako sa kung anuman yun.

Bukod pala sa talentong pag susulat, magagaling rin pala kayong makata...para akong nasa balagtasan na ang sagutan at pa-tula.

Mabuhay ang uri ng manunula at manunulat...!

Ruel said...

Mr. Thoughtskoto maganda sana kung itranslate ko ang arabic mo para maintindihan talaga ni ARV%%%%%%%..hehe

Hindi na pala kailangan kasi kahit hindi niya maintindihan word for word..feel naman niya na siya ang pinag-uusapan..

Ken said...

***Bloguvox

Si Arvin dela pena ba ang puwit, este poet daw na sinsabi mo? Tatanungin ko si Mike Avenue at si Bhing ng Gumamela sa Paraiso, at si Batang Henyo, maging si Azel at si
Poging Ilocano...mga makata ng blogosperyo.

cmvillanueva said...

maraming salamat, shokran sadik!

kapag ang marangal na trabaho ko at trabaho ng kapwa ko OFW ang pinaglaruan, di ako papayag, kahit ulitin ko pa ang maglakad at magmartsang muli sa kalye..

kakainit ng ulo, mainit na nga dito sa disyerto..

ice cream nga muna tayo kuya, hehehe!

Kablogie said...

Dude galing mo! Suportado kita hehehe..

Niqabi said...

kuya tot..kumusta naman BP mo habang sinusulat mo to?..Pero naiintindihan kita..nung mabasa ko rin yun nag-init din ulo ko..

aiwa hiya mok karban walah momkin mafi..

tama rin si mike avenue, di naman natin kailangan ng papuri, respeto na lang bilang tao sana maibigay.

God Bless always kuya tot..

Ken said...

*** The Pope

I like what you posted in your page, sabi ko nga pwede ka maging ambassador for being so diplomatic. Ako naman snador, for being so mean at satire. hahaha

***Bizjoker

Ito pa isang matapang na politiko ng afghan, tatakbo daw itong mayor ng romblon. Hehehe. Walang anuman Bizjoke rio... Tumula ka na rin.

BlogusVox said...

Kenjie, yun na nga. Si Mr.Pineapple na matalik na kaibigan ni CM. Di ba "self-proclaimed" na puwet yun.

Trainer Y said...

ive said my piece on the matter sa blog nya mismo...
walang wenta..
sorry lang...
not worth reading..
not worth your time

Anonymous said...

I guess okay ka na Kenjie. I hope. If not, mag-Trident gum ka muna.

Chew your worries...chew Trident! (ayaw talaga paawat o!).

Ito ba ung nakaaway ni Lord CM at nag-iwan ng maraming profanities sa C-box ni CM?

Gawin ba talagang publicity vehicle ang OFW?

Led said...

grabe nga yung post nya. tsk.