We all have simple dreams. Kaya tayo nag-abroad dahil sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. May isa lang akong naiisip kung bakit marami pa rin Pinoy ang hirap sa buhay despite the fact na naraise na ang salary ng isang OFW. Kung dati sumasahod ito ng 8-10T pesos, ngayon sa abroad, sumasahod ito ng 15-20T pesos.
Pero bakit kulang? We come here to provide for our families, but when we arrive here, suddenly yung ibang tao na naiwan sa Pinas thought nga "ginapala kag ginapiko, kag ginabulldozer pa ang kwarta sa abroad". Ang ibang pamilya kumuha na ng maid, labandera, tagaluto, at bumili na ng malalaki at flat screen na tv, magagarang cellphone, yung may bluetooth, yellow tooth at kung ano-ano pang pautot ng mga cellphone makers. Yung ibang pamilya di na maglalakad sa school, dapat hatid-sundo na, tapos dapat di na jeep, dapat taxi na. Bibili na ng mga ganito, ganire, ganyan, ganun...haysss.
It is okay to spoil them once in a while. It is alright kung sa ikakagaan ng buhay.
Most of my relatives na nagwowork sa abroad end up staying for 20-30 years sa abroad na hindi nakasama ang pamilya nila, maliban na lang kung kasama mo sila sa abroad.
We should remember that we come here for our families. We come here to provide for their needs. Now, if that family has a 'SUDDEN LIFESTYLE' backhome, we come to provide not only for their needs but for their 'new and sudden lifestyle' as well. Meron pa tayong ugali na kapag nagpapadala, ubos-ubos lahat, maiiwan na lang pambili ng pagkain. Ang nasa Pilipinas naman, bili dito, bili duon, parang midnight sale, baka maubusan. Kaya the day after makadeposit, sakit sa ulo kasi ubos na ang padala or kulang pa kasi its either pinambayad sa 5-6 or binili ng malaking karaoke component system. Did you get what I mean?
Kaya ang kawawang Mang Jhoe, kayod ng kayod, nagpapart-time pa para masustentuhan ang mga lifestyle na yun. Nangungupahan pa rin sa Pinas at ang anak ayaw magtrabaho kasi maliit ang sahod kaysa padala ni tatay. We need to talk with our loveones.
It is okay, we love them.
But it is not right.
We have to save for the future because we love them.
Ang daming taong namumuhay na nasa edge ng kani-kanilang income. Sa totoo lang maraming taong namumuhay sa borrowings or loans or pangungutang.
We have witness in the past few months the swings of the economy and markets of the world. Economy is indeed a fragile entity. One collapse of NYSE will swing a tremendous and chaotic effect to London, Hongkong, and major economic countries. It is felt in every corners of the world.
Sinong mag-aakala, Dubai - one of the most thriving and richest country in the world will become a meager city in 3 months?
It affects us all, cross-cutting measures, job cuts, no-overtime, and slow business flow. There are 3,000 people leaving the Philippines everyday, there are hundreds or maybe a thousand of them coming home because of the crisis.
I recognize na kelangan magloan para sa bahay, sa education or sa mga health and other benefits. Pero there are things to consider. There are wonderful advertisements in TV of a new shoes, a new LCM-HDMI TV, a new stuff that will make you something. Mapapabili ka talaga.
But I urge you all to save.
I encourage all to live within your means. To live within your income, and to set aside a few hundreds or a few thousands of your income for the rainy days. I appreciate people who save for the future. Infact, I admire those kind of people. Iilan lang ang damit, di man nagrerelos, or paulit-ulit ang hikaw, kung may nakaipon na pera kahit papaano, panatag ang loob, masayang nagtratrabaho, and may peace of mind.
I ask you my friends na tingnan ang kondisyon ng inyong mga finances. This is something na dapat pinag-uusapan as a family. I ask you na maging modest sa inyong mga gagastusin at disiplinahin ang sarili sa mga bagay na binibili upang maiwasang makapangutang. Bayaran ang utang as quick as you can and I can guarantee you, pasipol-sipol ka habang nagtratrabaho.
Me and Mrs. Thoughtskoto see to it that every month, we set aside a small percentage of my salary for savings, maybe a 300SR, or depende sa budget. I encourage you to do the same.
©2009 THOUGHTSKOTO
17 comments:
ako naniniwala po ako sa kasabihang "save a penny for the rainy day"
we will never know kase what might happen.
mabuti na yung sigurado..
based akooooooooo!
yeay!
may libre po bang kendi pag nauuna?
hhehe
***Jen
Haha, nakauna ka ah. Wala palibre kasi nagtitipid kami eh. hayaan mo sasabihan ko si sweetify mo.
haha, shokran sa comment!
basta ako.. bukol saken to...
hindi kase ako nakakapagipon pa... kase naman ung inipon ko dati, naubos sa pagtatago ko sa Dubai! lolz! next year na siguro ako magsisimula.
i already saved something... something na hindi ko mapapakinabangan pero malaking pakinabang sa mga taong maiiwan ko. (wag Mo muna po silang patalunin sa tuwa!)
pero personally, ewan ko ba... ba't wala na ngang natitira. sa kabilang banda, buti nalang naging masaya ako sa Dubai... mahirap kase na sakto lang ang pera tapos malungkot pa...
oisssttt.. wala akong utang. di ako guilty dun. wala akong credit card!!! yipeeeeeee....
***Azel
Buti pa si Azel, may mga insurance at pension fund na. wahhhh! ang saya naman. Tama Zel, start ka na, if pwede this year start na, kasi while single ka pa, makakaipon ka pag married and the kids will arrive, nah, that's the real life.
Talagang magandang payo ito para sa akin. Huhmn... Hanggang dito nalang muna itong comment ko.
Maraming Salamat sa reminder na ito, Mr. Thoughtskoto! U
kuya kenji, san mo ba nakuha yang idea na mag-aasawa ako at magkakaanak? NOT in my wildest dream!
(kahit pa libre ako sa OB-gyne)
ahahahaha!
Ito pala ang karugtong ng post ko on OFW "PAMILYA ANG LAGING UNA",
Kung bibigyan lang ako ng karapatan na ayusin itong post mo magiging perpektong karugtong ito sa aking post at pamamagatan ko itong "PAMILYA NG OFW - HUWAG LUHO ANG LAGING UNA", hahahaha anong say mo sir?
God bless.
wahahaaa....masakit sa butas butas kong bulsa..hanggang ngayon wala pa akong ipon. dalawang taon na ako dito pero nasan ka fulos? ang hirap mag-ipon..buti pa ang mga nasa pinas may pera.
dito sà frànce, àll employees me bànk àccount, then yung bànk mànàger will offer à sàvings of 15euro monthly àt the side, if kàyà àng 100euros per month, àbà sige, thàt is to sàve in càse me crisis, bnk càn give you money.
Sà pàutàng, hindi silà bàstà bàstà nàg pàpàloàn, kung yung income is not bàlànce with the expenses.
No credit càrds here, but debit càrds. If mà negàtive kà, they càll you, they will block your debit càrd, until you pày.
Frànce hindi gààno àffected ng crisis di gàyà ng uk ànd àmericà becàuse of strict bànking làws on credit..
Personàl nà lng tàlàgà yung màg sàve.
Pero kung nà unà àng yàbàng , Bàh, snobisms màke us reàlly pày, very deàrly.
***Doc RJ
Maraming salamat! Ikaw habang binata pa mag-ipon ka na rin ha.
***AZEL
Ha? Sinabi ko di ba? magkakaapo ka pa nga at magiging isa din sa mga winner ng PEBA balang araw. hahaa
***THE POPE
Feel Free. Take it as your own. Sige dagdag mo sa post mo? or sa secret na pinagkakaabalahan mo ngayon? hehehe
***POGI
Magipon ka na, mahirap ang magsimula na walang ipon, kahit hindi engrande ang kasal niyo 2-3 years from now, basta ang importante may bahay ka na, kasi ako, wala pa! hahahaah!
***FRANCESCA
Ate france, parang gusto ko na ring pumunta ng France. baka kelangan ng boss mo ng chemist ah. hehehe. Salamat sa suporta at tiwala. natawa ako sa post mo talaga nung father's day.Salamat sa comment!
how timely...it's our salary day pa naman today. yep, i learned the same concept from financial guru, mr. colayco. tuwing nasa mall ako, bitbit ko sa bag ko ang libro niya...hahaha.
:)
this is eyecandy23 from the pink tarha team :) i'm just using my other gmail account. *waves hi to mr. and mrs. thoughtskoto*
toinkz! aray tinamaan ako dito Kuya ah, spoiler kase kame ni ate...maluho na ang lifestyle ng pamilya ko...nyahahaha.
Although may konting savings ako na kina-cut na ng bank from my salary medyo maliit pa rin...hehehe.I'll try to upgrade my savings...weh!
tamang tama ang ganitong post pards...lalo na ngayong nadedelay ang sweldo ng karamihan satin kasama nako.kailangan may mabubunot na option.at yun yung itinabi mo kahit konti...tama karin na kung anu ang sweldo malamang ganun din ang lifestyle.usap usap lang ang kailangan para malaman ang pangangailanagan.mas malaki pa kasi ang pinadadala natin sa mga pamilya natin sa pinas.kumpara sa sweldo ng senado.isip isip! pakonti konti ipon.lalaki rin para sa pamilya.(teka ang haba na nito parang post blog nato.)..churi po! ganado kasi ako sa post mo...makakatulong to para makapag-isip isip kung anu ang priority at kailangan.:)
***Queen Bee(Pink Tarha)
Thank you. I know 2 of you now, hehe, sundrenched and now eyecandy23. Thanks for dropping by here in our humble page.
***Deth
Salamat po! I remember yung post mo dati na binigyan ka ng bonus at ipinunta mo sa mall ng malaysia? Whoa! Do OFW's from Singapore can just flew like that to Malaysia? Awesome!
***Ever
Salamat. Actually I am enjoying long comments kasi ibig sabihin talagang nagustuhan mo ang post. salamat sir!
Di pa ako makaipon, nakalaan lahat sa pambayad ng bahay at pag aaral ng dalawang chikiting :D ...
Pero kahit konti meron naman, kelangan ko lang unahin ung wala pa kami para dire diretso ang ipon kapag natapos na ang gastusan
Masasabing na punan ko na ang "needs" ng pamilya ko. Yung "wants" simple lang ang buhay na gusto ko. Medyo konting renda lang sa "wants" ng mrs ko. Ang kinatatakutan ko ay kung mag "college" na ang anak ko. By that time, I don't think I'm still working. Kaya ngayon palang pinag-iiponan ko na. That's the only disadvantage if you married late in life.
Post a Comment