Paghingi ng Tawad
Isang taos pusong pasasalamat din sa iyo at sa lahat.
Mike Avenue
The link above is Mike Avenue's sorry comment about the Tsokolate. The Thoughtskoto family are human and sinners too, and forgive others as God forgives us all.
I’d like to thank those who responded and posted their entries. There is no gray decisions here. It’s either black or white. There is no "in between" – only "for or against." We must draw the line in what is responsible and tolerable, and insensitive in mainstream blogging and we cannot keep going through offending us and as if we 'll just keep our tempers down after the insults some hurled at the OFWs.
We have seen a coward hide his identity and bash a community. I have read and heard the OFW bloggers who come out into open and with courage - openly stand for their belief and convictions and expressed their disappointments.
Sabi nga ng isa kong kaibigan, "If he has a right to use the blog as a platform to insult and degrade the OFW's, then we have a moral obligation to speak as protected in every norms, through the so called "Right to Reply" through the same platform. If he can violate the the OFWs in the name of "freedom of expression", we will unite ourselves and with one voice we'll make sure our declaration be heard in the name of freedom of expression. "
Sa publiko inihayag, kaya sa publiko rin sumambulat. Wala akong balak sumikat, lalo na sa paraang biglang angat ngunit pabulusok ang bagsak, at malakas ang lagapak. Kahit anong liit ng daga, o mga daga, kung gamilyon sila sa dami, tigok pa rin kahit gaano kalaki o katalino ng pusakal. Pusang nangangalkal at humahalungkat ng basura pagkat hirap, hikahos, at puno ng pait, saklap at kabiguan sa buhay.
Hindi ito between skilled at professional o matatalinong OFW laban sa dating bangag sa kanto. Ito'y prinsipyo at paninindigan laban sa opinyon na may halong pangiinsulto at kabastusan.
Ang Thoughtskoto ay pamilyang simple at nagsusumikap mabuhay ng marangal at matiwasay. Hindi nang-aapi, ngunit di rin paaapi.
Nakausap ko ang isang OFW na nanay, domestic helper sa Riyadh, umiiyak, tumakas daw sa among malupit. Nagtitiis maging yaya sa kasalukuyan upang makaipon ng pambili ng visa, makabalik dito sa Saudi, kumita ng marangal, mapag-aral ang mga anak. Ito'y ayon sa kanyang salaysay.
Nakausap ko ang isang nanay na DH sa Amman, Jordan, narinig ko ang iyak sa celpon ng malakas na parang nilalapirot ang puso mo, halos di makapagsalita sa takot at sakit na nararamdaman dahil binubugbog daw siya ng mga dayuhang amo. Hindi siya bayani, martir siya alang alang sa kanyang anak.
Nakausap ko ang isang driver sa Dubai na nagbayad ng ilang libong piso para makarating sa ibang bansa ngunit nabiktima ng scam at illegal recruiter at ngayon ay tinutulungan ng ibang Pinoy na OFW upang makahanap ng trabaho doon.
Ang may karapatang magsabi kong ano ang buhay OFW ay yung mga nakasubok na maging isang ganito, hindi dakdak ng dakdak, with flowery words and liniment oil, (lolz!) pero baka di nga nakapunta ng GAMCA o kung nakapunta man dun baka bumagsak dahil sa sakit na HEPA or may trace ng droga.
Kagagaling lang namin ni Mrs. Thoughtskoto sa groceri, kumain kami sa Mcdonalds, walong crew, dalawang Indian, limang Filipino, isang manager na Pinoy na nagtanong "Sir, anong order natin?"
Pumunta kami ng Sparky's isang palaruan ng mga bata sa loob ng mall, kami lang yata ang Filipinong pamilya na nandun, pero nakita ko at nakausap ng misis ko ang maraming pinay na yaya na galing Mindanao, Cebu, Iloilo at Nueva Ecija. Maaamoy mong Victoria's Secret ang mga pabango ng mga yayang ito.
Nag-ikot kami sa Carrefour, isang malaking groceri store sa loob ng mall, at dun makikita mo ang mga Filipinong promo at merchandiser, matatatas mag-Arabic, trying to explain things sa mga mamimimiling arabyano. Masaya, magagaling at confident, pero pagkauwi ng villa, andun ang lungkot at lumbay.
These and the millions of OFW men and women are brave, who have seen more, felt more, and fought more, unlike others who cry like a baby and bashed the rest of us over a little thing, “insert the title of the blog entry HERE”. ( Hehe, kanino ko ba nakuha yang ganyang style? Sa chatting yata.)
Ofw's in UAE with Ambassador Seneres
Nakakasalamuha ko sila, nakakausap, at nakikita and I admire them. That's the reason kung bakit naisipan kong magkaroon ng mga organisasyong magbibigay excitement sa mundo ng blogging para maraming OFW na Pinoy ang magblog, makapagbigay inspirasyon sa mga nagbabasa, at magkaroon ng kaunting libangan at kasiyahan.
OFW’s are reminders of RESILIENCE, HARD WORK, and yes HUMILITY in the kind of WORK they do. Don’t blame the OFW’s for what you are.
You are what and who you are because of your own choice.
Blame yourself!
You’ve done nothing.
We’ve done a few but significant things.
If not for our country,
For our family.
Thanks Jigs for the title.
©2009 THOUGHTSKOTO
14 comments:
Each blogger must practice ethics and must be always accountable for what he is written in his blog to his readers. A responsible blogger must write articles based on facts, truth and justice. A responsible blogger should never violate the human dignity of any individual. It never dwell on hatred but rather it should invoke love, peace and harmony.
Parang pang blog entry ito sa PEBA ah? hehehe
Anong klaseng dakdak kaya yun? with flowery words and liniment oil? hehehe. Tama ka kahit saang lupalop ng mundo marami nang Pinoy, nangangahulugan lang na kulang ng suporta ang gobyerno (o wala na talagang trabaho sa atin) para matustusan ang mga walang trabaho sa atin. Ang makakapagsabi lang na against sa mga OFWs ay yung walang swerte mag abroad...inggit ang bumabalot sa katawan nito hehehe.
ROUND OF APPLAUSE!
kailangan nating manindigan sa katotohanan upang maging maingat ang bawat manunulat.
kailangan nating maging matapang. para sa pamilya, kung saan tayo ang bayani at bida!!!
magandang umaga kuya :)
your right! natawa lang ako dun sa liniment oil. pau ba yun? yung panghilot? lolzz
kahit saang bansa, may Pilipino. at angat ang Pinoy saan mang dako ng mundo dahil sa angking kakayahan.
hindi kelangang magsulat ng pagpaparinig sa kapwa! hindi magandang tingnan at basahin! at hindi rin kelangan magpanggap ng mga tao para lang ma-please nila ang ibang tao!
nakigulo lang kuya :) ishmaylll :)
Isa ako natutuwa sa mga nababasa ko sa mga encouragement and inspirational post ng ating mga kablogs para ma uplift and mga OFW. na ang tanging bintana lang sa mundo ay ang blogging.
It is sad to read such irresponsible post. Hindi lang tayong mga OFW ang apektado but buong family natin at mga umaasa sa kinikita nating mga New Hero daw.
Kung wala rin sila magagawa sa ting mga OFW ay wag nang mamuna. Bakit di nila isisi sa gobyerno kung bakit tayo naging New Hero.
Basta alam ko maraming nabibiyayaan sa kabayanihan ko bilang OFW. Ewan ko lang sa ibang mga kritiko.
Nice one bro.
Una pasalamat muna ako iyo Sir Kenji... natuwa ka sa Post ko..yun ang ang nagagawa ng matandang batang isip...(na hook pa kabataan lolzz) OT na to..
May natutunan din ako sa pangyayaring ito, tama ang sabi ni Pope "Must Practice Ethics and must always be Accountable" maging maingat na rin..ako... ehehe
nice nice...
OT uli... wag ka ma highblood :) "Dapat Ikaw ang Pinakahealthy sa Lahat"
***The Pope
Thanks for all that you do. Lumabas ang tunay mong pagkapresidente ng Union. hahaha. I like that part, dignity of individual. I like it also, and I will learn from it.
"It never dwell on hatred but rather it should invoke love, peace and harmony."
*** Sardonyx
Pwede ba ako sumali? haha. Kahit kami ng misis ko, tawa ng tawa dyan, sa flowery words with liniment oil na phrase na yan, naalala ko tuloy pag hinihilot ako, haha. Salamat Sardz.
***Azel
Thank you sau, sa pagiging tapat na PEBA, pero sa pagiging mayamang OFW, hehehe, angkan ng mga abogado, tito ng mga Atienza sa Manila. haha
***Jee
Ito ang OFW na walang ginawa kundi magshopping, magpalit ng Sony Ericsson at Blackberry araw araw at magpaburger sa mga nagugutom na individual. Di kelangan ang PERA, may itsura, at healthy pa! Hahaha, peace!
***Jess
Thank you Jess. Maraming salamat sa mga panandaliang chat para magbigay ng opinyon at pananaw, magbigay saya at magpalakas ng loob. One day, magkikita din tayo sa Ramaniyah. hehehe
*BOOMZ!!! BOOM!
"wag ka ma highblood :) "Dapat Ikaw ang Pinakahealthy sa Lahat"
Haha, natawa ako dito sa comment na ito ni Boomz, nabasa mo rin pala yan before. Oo nga noh, hahaha. Pero salamat mas natawa ako dun sa blogpost mo, lightly pero may laman.
BRAVO!...well said pareng kenj..
Lalo mo akong pinahanga sa pinanghahawakan mong prinsipyo...ganunpaman,sana may natutunan tayong lahat sa pangyayaring ito...kahit si pareng Mike sana ay may ntutunan rin..
kitakits parekoy!..
***Azel
Tito mo pala ang mga ATIENZA sa Manila? galing pa CI mo nga ang mamang taga 5th Avenue? hahaha
*** PAJAY
I've learned so much from this, as I said dun sa reply ko kay The Pope.
marami akong nakilalang totoong tao, na may prinsipyo, hindi lang sa blog kundi when called upon by circumstances. marami din akong natutunan na mga bagay bagay, and I think it is enough. After the official statement, we will move on with our lives.
I hope the other end learned their lessons too.
YAN ang ARTICLE!
Ako, bayolente talaga ako.. basta di ko trip ang mukha..walang sorry-sorry..
Alam na natin ang sensitibo at responsable..kumpleto na ang mga balahibo natin.. yung iba inaahit lang..para magmukhang kulang..pinaninipis
Gugulpihin ko na dapat kaso iniisip ko baka lumaban.. :)
Kahit paulit-ulit nating ipaalala ang responsableng pagsusulat di nya tatanggapin yun..pero ok lang sino ba sya..minsan lang tayo nag react.. ok na yun..BASTA TAYONG MGA OFWs, MASAYA AT MAY PERA.....
Pero ito ang totoo:
Habang nag nagpapalitan tayo ng kuro-kuro..nakakalimutan natin ang homesick at problema sa trabaho...tumatakbo ang oras nang di namamalayan...dolyar ang pumapatak sa metro natin.. dolyar ang binibilang ng OFWs... hindi lang metro ng visitors sa blog.
E sya..umiikot ang mundo nya sa atin..kung paano ulit tayo aasarin..hehehe! may pera ba?
At dahil proud ako bilang OFW.. namakyaw ako ng Victoria's Secret..
pati mga aso ko papaliguan ko ng Victoria's Secret... gusto kong malaman ng lahat OFW ang amo nila ....dahil OFW lang ang kayang gumawa nyan...
OFW lang kayang mag blog at kumita ng dolyar at the same time..
Suriin natin ang basehan..pera, tagumpay, kaibigan, kabiguan, paghihirap, pagtanggap at kaligayahan. Lahat meron tayo nyan..kumpleto ba sila? Kulang na sya, nabubuhay pa sya sa kasinungalingan...Pwede bang ipambayad ang blog?
Wala akong natutunan sa kniya...uminit lang ulo.
Salamat Kenj! YOU ARE THE MAN!
hehehe..natawa ako sa lolz mo.first time ko atang marinig dito ng nag lolz ka. epekto b yan ng mike fever?..
nice post kuya!...:)
finality nagawa ko na din magkumento!heheheh
"Insert my kaartehan this morning sa ym..here!"..panalo! diba kuya? daig ko pa ang best actress sa mga banat ko kanina!...joke., baka may magtanong pa kung anu yun..nyahaha
anyway...
very well said kuya..
-what you have done in your past post is not about over reacting..
-Its not about immaturity...
kundi yun ang pagbibigay ng justice para sa mga kagaya nating OFW..:D
-its not about being narrow minded..its about explaining to everyone your own point of view..
which is hindi na dapat pakielaman pa ng ibang tao. Dahil meron tayong kani-kanyang freedom of expression!
MAbuhay ang KABLOGS at PEBA...:D
nice blog
بحر الانترنت
بحر الانترنت
Post a Comment