Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, June 02, 2009

Dear Mike Avenue, Ikaw at Ako kasama ng mga OFW ay di IISA! (EDITED)


(Nagkausap na kami ni Mike Avenue, today, 23 August 2009, and here's the link of him asking sorry, ANG PAGHINGI NG TAWAD)

This post below is my reaction at that moment, and medyo nagover react ako.

Mike, sorry for this. )


I am determined to spread this post. Never provoke 12 million people and the many millions that depends on them in the homefront.

Do not provoke 12 million OFW's if you have nothing to say.

But if you have the guts, you better be ready...

Hindi kita kilala, at mas lalong hindi ko gusto ang tatas ng pananalita mo, lalo pa't nilalahat mo ang mga OFW. Hindi rin ako nagpapakabayani dahil may karapatan ako bilang isang OFW at blogero na sagutin ang post mo dito. Pasalamat ka, maraming bibisita sayo kasi starring ka dito.

Papatulan ko ang "cheap shot" mo hindi dahil cheap ako, kundi dahil ang post ko ay hindi pananaw lamang kundi galing mismo sa puso ko, puso ng isang OFW.

"Itinatanong ko kung bakit naging bayani ang isang OFW. Hindi agad siya makasagot. Ngumiti siya at iniabot ang mga tsokolateng may tatak na “Made in China” sa likod ng pakete. Ang mga tsokolateng ito sa kamay ko ang isa sa mga sagisag na siya’y kagagaling lamang sa ibang bansa – sa Canada."

Sa tanda mong yan, at sa galing mo sa economics, itatanong mo pa? Magpasalamat ka na lang at binigyan ka pa ng chocolate na galing China, o baka nagpuputok ang butse mo at hindi dolyares ang binigay sau?

"Naubos ang mga propesyonal dito. Halos lahat. Ang mga doctor na nagsunog ng kilay ng mahigit sampung taon, mas pinili ang maging nurse na assistant lamang ang ranggo sa abroad. Ang mga nurse naman na dapat ay dito magsisilbi sa bansa, mas ginusto pang mangibang bayan. Ang epekto nito? Bumaba ang antas ng industriya. Nagkasya kasi tayo sa mga second choice dahil ang mga de-kalibre, naroon at kasalukuyang minumura ng amo kapalit ng dolyar. Bayani ka bang tatawagin kung humahalik ka naman sa paa ng mga dayuhan? Labag yata iyan sa prinsipyo ni Rizal. Baka bumangon si Rizal."

Patay na si Rizal, Mike, wag mo ng buhayin ang nanahimik na ang kaluluwa. Ang baluktot mong pananaw ay hindi kahit kailan man sasang-ayunan ni Rizal. Isa siyang OFW, baka nakalimutan mo ang History mo. Kaming mga OFW at si Rizal ay iisa. Hindi mo masisi sila Doc at ang mga nurses na umalis ng bansa para manilbihan sa ibang bayan. Ang bawat tao may kanya-kanyang karapatang pumili. Hindi mo pwede ipagpilitan na magpaiwan sila sa Pilipinas at magpapatuloy sa kanilang propesyun na ang mga anak ay dilat ang mata sa gutom, at di man lang makaranas ng ginhawa sa buhay, o mapag-aral si Boboy at si Neneng.

"Minumura ng mga amo kapalit ng dolyar?"

- Mas titiisin at palalabasin sa kabilang taenga ang murang yan sabay pikit ng mata at isiping makapag-aral si Junior, or makatuntong ng kolehiyo si Ana

Bayani ka bang tatawagin kung humahalik ka naman sa paa ng mga dayuhan?

-May problema ka na tawaging bayani ang mga OFW? Fine! Di namin gusto maging bayani. ang bayani, namamatay o pinapatay. Kaya kami tinawag na bayani ng gobyerno para magkaruon ng magandang tunog sa taenga, at bilang pagtanaw ng utang na loob nila sa patuloy na pagpapaangat ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa ayaw mo at sa gusto isa ka rin sa mga nakikinabang sa dinudulot ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas, dahil kung hindi, baka sa abroad din ang lagpak mo. Wag kang magsalita ng patapos, Mike, baka bukas makalawa, kakainin mo ang mga sinabi mo at nakapila ka na rin sa embassy or immigration.

Sayang ang mga talento na dapat sana’y sariling lupa ang nakikinabanag. Sayang ang mga pawis na sana’y didilig sa uhaw na mga kapatagan ng mamamayan. Sayang ang mga ugat na magdudugtong sana sa yaman at kaban ng bansa.

- Hindi sayang, pare. Hindi mo seguro nababasa na ang mga dating OFW at nahasa sa talento galing sa ibang mundo ay nagpatayo ng sariling negosyo. Na ang mga pundar at ipon ng mga OFW ay pinatayo ng mga negosyong pangkabuhayan, nagkaroon ng mga training centers, ng mga consultancy offices upang mapaayos pa ang mga talino at dunong ng mga Pinoy na lumalabas ng bansa, at mabigyan ng additional jobs ang mga kababayang naiwan sa Pilipinas? Magbasa ka at magresearch, boy.

Ikakatwiran na walang pag-asa dito. Mahirap ang buhay dito. O talagang mahilig lang ang iba sa “piso tamang barko”. Meron din naman dito. Kaya lang, ang mga bagay na narito, ayaw naman natin. Para lang din sinabing “walang akong magawa”. Marami ka naman pwedeng gawin. Kaya lang, itong mga bagay na available na gagawin mo, ayaw mong gawin, tinatamad kang gawin o may iba kang gustong gawin.

- Anong gusto mong gawin ko dyan? wag mong harangan ang aking karapatang mangarap ng kaaya-ayang buhay. Ah, okay. Ako ay isang chemist dyan. Sumasahod ng 5-10T pesos sa entry level? 20T sa Supervisorial? Paano naman ang mga deductions at 10 % na tax? Ilan na lang maiiwan sa akin?

Hindi ko itinatatwa ang bansa ko, kahit pa sabihing tadtad ng gastos dito at duon, bawas dito, bawas duon pag-uwi. Ang sahod ko dito na 60T pesos ay sapat na pansamantala sa amin, pero paano ang bukas, paano ang kinabukasan ng anak ko?

Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA. Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi. Hindi dahil sa kung ano pa man at sino pa man. Ang ibang dahilang maiisip mo, bagamat nasa estado ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap, babagsak at babagsak din sa kategoryang pera ang dahilan.

PERA PERA LANG, walang PERSONALAN, haha. Hahayaan ko na ang mga commenter ang sasagot sa rants mo na ito. Tanungin mo si Azel sa lagay na ito, or si Jee, di nila kelangan pera, ay si NJ rin pala? hehe

"Hindi sila magpapaalipin sa ibang lahi dahil sa Pilipinas. Tinanggihan nga nila ang Pilipinas. Nawalan sila ng pag-asa sa Pilipinas."

"Ang dahilan ng pagtatrabaho ng isang OFW ay upang maiangat ang kabuhayan ng pamilya at sarili. "

Sa lahat ng sinabi mo, yan lang ang malinaw, at sang-ayon ako.

Hindi dahil gustong maiambag ang sakripisyo sa bansa. Hindi upang magpakabayani. Walang ganoon. Dahil kung ganoon, pwede namang makatulong nang hindi umaalis. Ang totoo, lahat ay sa sariling motibo lamang nabubuhay. Gustong-gusto kasing maging Victoria’s Secret ang ginagamit na pabango ng asawa na dati’y White Flower lamang?

At, marupok din ang lubid sa kabila. Ipinapanalangin kasi ng isang OFW na tumaas nang tumaas nang tumaas ang halaga ng dolyar laban sa piso. Para nga naman mas maraming salapi ang katumbas ng kanilang pagpapaalipin. Gustong-gusto nila na mataas ang palitan ng dolyar. Kapag mataas ang palitan ng dolyar sa piso, ibig sabihin mas maraming pera ang maibibigay kay Misis. Mas maraming pera, mas maraming pambili ng Victoria’s Secret. Ang problema, kapag mataas ang halaga ng dolyar, mababa ang halaga ng piso. At kapag mababa ang halaga ng piso, ang ibig sabihin, mababa rin ang ekonomiya ng bansa. At kapag mababa ang ekonomiya ng bansa, mataas ang mga pangunahing bilihin at siyempre pang apektado ang mga karaniwang manggagawa na sumusuweldo ng mababa dito sa Pilipinas.

Di bale, marami naman tayong bayani.

Kapag umalis ang isang Pinoy papunta sa abroad, maiiwan nila ang kanilang pamilya. Sakripisyo ito sa OFW. Pero mas sakripisyo ito sa pamilya. Kung babae at may asawa’t anak, siguradong ibang tao ang titingin sa mga anak. Lumalaki tuloy sa pangangalaga ng iba na ang itinuturo ay ang matatas na pagsasabi ng salitang pakyu imbes na patsshu. Kung lalaki naman, ibang tao pa ang magpapalit ng pundidong ilaw sa kusina imbes na siya. Nasasakripisyo ang “minsan-lang-sa-buhay-na-maging-bata” ng maraming kabataan. Maraming anak ang nawalan ng pagkakataong maramdaman ang kalinga ng isang ama o ina sa kanilang kamusmusan. At karaniwang hindi nasusubaybayan ang paglaki ng bata. Ipababantay na lamang ang paglaki sa malalaking Barbie Dolls o Robot na ipinapadala ng OFW. Okay lang. Pag-uwi mo at paglaki ng anak mo, saka mo siya samahan para magpatuli kay Dok. Nakakalungkot din ang katotohanan na ang mga OFW ang dahilan kung bakit nabansagan ni Tsip Tsao ang Pilipinas na “nation of servants”.

- Maihahalintulad kita kay Cheap Tsao. Hindi mo man lang naisip bago ipost ito kung anong hirap ang dinanas ng mga TATAY at NANAY, ng mga ATE at KUYA, para halos pagtawanan ang mga kagaya namin na nagpapakahirap sa ibang bansa. Kahit anong anggulong tingnan ko, hindi kita makitaan ng gratitude sa mga kababayang nagtitiis para sa pamilya. Baka manager ka diyan at malaki sahod mo, paano naman kaming mga ultimo utusan? Hindi kita matawag na kabayan kasi nahihiya ako sayo. And Congratulations, ipamamahagi ko ang post mo na ito sa lahat ng kakilala ko, mga contact ko sa Press, sa GMA7 at ABS CBN, pati sa mga kagrupo, gusto kong malaman ang totoo kung sino si Mike Avenue, at bakit halos alipustahin niya ang mga OFW?

Nagtataka lang ako, at maraming mga FOLLOWERS ito? At andun pa ang mga OFW's? karapat-dapat bang i-follow ang taong ito na ganito ang pananaw sa mga OFW's?

Kung walang apoy, siguradong walang usok. At tanggap ko. Kung walang magpapaalipin, tiyak na walang tatawaging alipin. Hindi mo BA matanggap na tawaging ganoon? Kung domestic helper ka at gusto mong tawagin kang manager, pumunta ka sa Philippine Embassy at maghuramentado ka doon. Kung mas gusto mo naman na tawagin kang bayani alang-alang sa sakripisyo mo sa sarili mo at sa pamilya mo, pumunta ka sa monumento sa Caloocan at tabihan mo si Bonifacio. Pasulubungan mo na rin siya ng tsokolate. Yung galing sa Canada at kagaya nitong may tatak na Made in China!

- Pag nabasa ng mga OFW sa Canada ang post mo na ito, sasabihing may tama ka, Mike. haha.

Simpleng equation lang at dapat mong pakaisipin.

Ang mga Pinoy ay may pangarap sa buhay. Ang mga Pinoy na OFW ay may pamilyang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon, na kahit anong hirap at saklap, na kahit malayo, at namimiss ang mga importanteng occasion sa mga anak at mahal sa buhay, okay lang. Ang importante ay mabigyan ng masayang birthday si Nene, matreat sa Jolibee, mapapaaral sa private at matinong school si Tiboy, magkaroon ng sariling lupa at bahay, magkaroon ng kaunting savings sa hinaharap. Ang resulta nito, isang masayang pamilya, at kapag malakas ang pamilya, malakas na bansa, and in turn, may pag-asa at masarap mamuhay.

Hahayaan ko na lang na ang mga makakabasa ang mangkokomento, pero hindi tayo IISA, Mike Avenue. Kakaiba ka!

Wala akong balak sirain ka, Boy. Di ko ugali yan, pero gusto ko lang malaman kung sino at anong tunay na pagkatao ni Mike Avenue.

Hinikayat ko kayo na mga OFW Bloggers lalo na sa KABLOGS na magblog ng view niyo sa post niya na ito. Salamat!


©2009 THOUGHTSKOTO

48 comments:

Trainer Y said...
This comment has been removed by the author.
Trainer Y said...

maaring ang pag-iisip nya ay base lamang sa kung ano ang nakikita nya sa sarili nyang sitwasyon o nakikita nya sa kapwa nya.. wag naman nya sana igeneralize lahat ng mga OFWs...
may karapatan at laya syang magsulat ng kahit na anong gusto nya dahil pahina nya yun... opinyon nya yun pero tulad ng nasabi ko dati... bilang tao, may responsibilidad sya sa kapwa nya ... maging responsable sa mga sinusulat nya.. make sure wala syang natatapakan na ibang tao at pawang KATOTOHANAN sana..
malaman sa malamang.. may balik na naman sa pahina ko ang komento kong ito..
pinigilan kong maglabas ng angst ko sa pahina nya dahil may kaakibat na pamemersonal ang mangyayari.. pero, hindi mo pahina toh MR MIKE... at dito malaya kong masasabi kung ano ang gusto ko ukol sa sulatin mo. harinawang mabasa mo to at magkaron ng kaliwanagan ang isip mo..

at isa pa pala... hindi PERA ang main reason kung bakit nangingibang bansa ang mga tao..ang hangarin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya nya ang nag-iisang dahilan kung bakit nagpapakahirap/nagkakandakuba ang isang pinoy na mangamuhan sa ibang lahi....ang PERA? secondary lang yan... yan lang ang nagsisilbing paraan para maabot ung hangarin na guston mamithi ng isang taong umaalis sa sariling bansa. sana maintindihan mo un..
wag ka rin sana namin makitang nakapila sa DFA para kumuha ng pasaporte upang gamitin sa pag-alis ng Pilipinas.. at baka mabilaukan ka sa pagkain sa mga sariling salita mo...

Trainer Y said...

salamat pala kuya kenji for this post...
i just have to come back talaga to thank you for this...
its about time na matuwid ugn kung ano mang baluktot na idea meron ang iabng tao ukol sa pagiging OFW ng isang tao..

2ngaw said...

Ang dami kong gusto sabihin...pero iniisip ko na lang na kaya nya nasabi yun ay dahil sa karanasan nya sa kapamilya nyang OFW...

Mali nya lang eh niLAHAT nya, hindi naman kaparehas ng KAMAG ANAK nya ang lahat ng OFW...

EǝʞsuǝJ said...

alam nating lahat na dito sa mundo ng blog eh may kanya-kanya tayong pananaw at paraan ng pag-intindi sa iba't ibang bagay.

Para sayo Mr. Mike Avenue..
Ako mismo, sa sarili ko. Hindi ko pinangarap na maging OFW. Hindi ko pinangarap na mapalayo ng ganun kaaga sa aking mga magulang at mga kapatid. Hindi ko pinangarap na mapunta sa isang lugar kung saan minamaliit ang mga Pilipino. Hindi ko rin pinangarap na hindi makita ang mga kapatid ko na lumalaki sa paglipas ng mga taon. Higit sa lahat, hindi ko pinangarap na maghirap at mamatay sa gutom ang pamilya ko habang nakatunganga ako sa kanila, NAKATAMBAY at NAGPAPALAKI NG TIYAN habang pinaiiral ang pride ko----

Wala akong pakielam kung anung ibansag sa OFW. Hindi ko sinabing gawin nyo kong myembro ng justice league o kanang kamay ni Superman o wonderwoman. Ang sa akin lang, hindi lang PERA ang nagpapakilos at nagpapaikot sa mundo namin, pangalawa lang yan gaya nga ng sbi ni Yanah...Ang mahalaga--andun ang respeto at pagpapahalaga namin sa aming mga pamilya, kaya tinitiis namin kung anuman ang hirap at pagod na naghihintay samin sa ibang bansa.

Hindi mo pa kase nararanasan mapalayo sa iyong pamilya at maging OFW. Kahit isang araw lang, subukan mong danasin Mr. Mike. NAng mapatunayan mo ang mga paniniwala mo sa buhay...

Maraming salamat po!

Ken said...

*** CM mukhang kilala ni CM si Mike ah! ha CM? hehe, I go through his previous post, and maraming beses niyang pinagtawanan ang OFW. Bilang isang PEBA at KABLOGS, na OFW ang sakop, di ko kelangan magbasa lamang, at bilang OFW at Blogero, may sarili akong pahina para hamunin ang baluktot na pananaw.

***YANAH

Napersonal ka ba Yanah? Walang personalan, blog lang.hehehe

Well see.

2ngaw said...

Di ko sya kilala pre, pero base sa post nya eh binigyan sya ng pasalubong ng tsokolate, ibig sabihin kakilala nya dba lolzz

lalaban ako sa sarili kong paraan...at sana hindi sya uli mamersonal...

Ken said...

anong ibig mong sabihin na namemersonal? sa anong paraan? I want to know who he is? I am spreading it now like a wildfire. Kagaya ng sabi ko, I want to know who he is, what his intention para magpost ng ganun about OFW.

Randy Santiago said...

ayos! salamat!

A-Z-3-L said...

lahat ay may KALAYAANG MAGPAHAYAG. lahat ay may SARILING OPINYON.


MIKE AVENUE,

kung ang kapalaran naming OFW ay mangibang bayan para matustusan ang pangangailangan ng aming pamilya, bakit hinde?

kung ang pagiging OFW namin ang magsasalba sa nangangalam na sikmura ng aming pamilya, bakit hinde?

kung ang paglilingkod sa dayuhan ang magiging paraan upang mapatapos namin ng pag-aaral ang aming mga kapatid at pamangkin, bakit hinde?

kung ang PERA ng ibang bansa ang ang makakapagbigay buhay sa nag-aagaw buhay naming kamag-anak, bakit hinde?

kung ang pagsisilbi sa ibang bayan ang magiging paraan upang magkaroon ng sapat na puhunan upang maipagpatayo ng sariling negosyo, ang mga kapatid at kaanak na nasa Pilipinas, bakit hinde?

ayaw naming maging palamon habambuhay...

ayaw naming maging problema ng gobyerno ang mga batang hindi namin napag-aral at nabigyan ng tamang edukasyon at gabay.

ayaw naming mamatay sa ospital ang kaanak dahil walang perang pampaopera.

ayaw naming magdildil ng asin, dili kaya'y mamatay ng dilat.

ayaw naming matulog sa lansangan at maging pasanin ng gobyerno....

(yan ang mga nagkalat na dahilan ng mga kapwa ko OFW)
____________________________

sya pala... tumakas lang ako sa dagok ng nakaraan kaya ako nasa ibang bansa. at ngayon ay masayang nabubuhay kasama ang taong minamahal...

kinailangan ko lang magtrabaho para mabuhay lang dito...

wag kang mag-alala, may de-kalibreng doktor akong naiwan sa Pilipinas! at patuloy syang maglilingkod sa kapwa natin Pilipino...

Ken said...

Sikat ka na Mike, pinaguusapan ka na sa mga forums at pati sa mga plurks at twitter.

http://blogs.gmanews.tv/alex-magno/index.php?url=archives/3-Caught-between-legislation,-litigation,-and-titillation.html&serendipity[csuccess]=true#feedback

http://www.plurk.com/bariles

witsandnuts said...

We have our own reasons for working abroad. Sariling blog nya 'yan at nirerespeto ko ang opinyon nya. Bottomline is we need to be responsible for what we write. There will always be better means to say things. Kapag ang topic eh tungkol sa OFW, kailangan eh maintindihan muna ang law of supply and demand bago magsulat. Kung hindi, hilaw ang opinyon.

BlogusVox said...

Try on their shoes first, bago mo sabihing kasya lang, maluwag o masikip. : )

Unknown said...

MGA KABLOGS..

Ang ginawa ni Mike Avenue ay malinaw na gusto nyang sumikat in reverse-psychological approach..kaso iresponsable ang ang kanyang pag susulat.

HINDI HUMAHALIK SA PAA NG MGA BANYAGANG AMO ang mga Overseas Filipino Workers..kundi kami ang inaasahan ng mga banyaga para sa BUHAY, BAHAY, PANANALAPI, TEKNOLOHIYA, GUSALI AT MGA PAGLALAYAG SA DAGAT MAN O SA HIMPAPAWID.

Hindi tatayo ang DUBAI, hindi lalago ang Saudi Arabia, maiiwan sa lumang panahon ang UAE, magkakasakit ang lahat matatanda sa US, CANADA at Europe, walang mag aalaga kay Michael Jackson, hindi gagaling ang mga pasyente sa Amerika..hindi maidudugtong ang Bahrain at KSA, at marami pa..KUNG WALANG OFW..

Ni hindi maipapanalo ang digmaan sa Iraq at sa Afghanistan kung walang OFW na nag aalaga at sumusuporta sa mga FREEDOM FIGHTERS.

WE HAVE TO CONDEMN THIS IRRESPONSIBLE BLOG AND THE BLOGGER IN THE STRONGEST TERM POSSIBLE IN ALL FOUR CORNERS OF THE WORLD...THIS IS DEFINITELY NOT A FREEDOM OF EXPRESSION.

BIZJOKER

JΣšï said...

lahat tayo ay may kalayaang magpahayag ng ating nararamdaman, kuru-kuro o opinyon. pero sana naman mag ingat naman paminsan minsan dahil hindi lahat ng ating isusulat o isinusulat ay nakakapagdulot ng kabutihan sa kapwa.

para kay Mike Avenue,
actually hindi kita kilala at lalong hindi ko napupuntahan ang page mo dahil hindi ka naka add saken. minsan na akong nagpunta sa page mo. mahilig ka palang mamersonal pare! kung ayaw mong may mag comment sa page mo i-off mo ang comment moderator (tama ba yun! hahaha) ng hindi ka nakakabasa ng ayaw mong comment sa bawat page mo! pati babae pinapatulan mo! pero kanina nagpunta ako sa page mo dahil na rin sa post mo patungkol sa aming mga OFW.

hindi namen kasalanan na tawagin kaming BAYANI ng ating gobyerno. kaya siguro bayani dahil nakita ng ating gobyerno na ang bawat OFW ay may angking TAPANG, PRINSIPYO, DETERMINASYON AT PAG-ASA na makamit ang pangarap. pangarap na gustong maabot para sa pamilya. wala ka bang pangarap Mike kaya ganyan ka kung makapagsalita sa aming mga OFW?

sino ang may gustong malayo sa pamilya? sino ang may gustong magutom at mamatay nalang ng dilat ang pamilya? sino ang taong may ayaw na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya? ikaw? natanong mo na ba yan sa sarili mo?

eto lang ang pinakamalaking katanungan ko sayo Mike. IKAW BA AY MAY PANGARAP? o NANGANGRARAP KA MAN LANG BA PARA SA SARILI MO AT SA PAMILYA MO? o hanggang diyan ka nalang at patuloy na lalaitin kaming mga OFW?

FYI nga pala, angat ang pinoy sa ibang bansa dahil kami ang sandigan nila! dahil na rin sa sipag, tiyaga at talinong naiaambag namen.

at aking napagtanto na ikinahihiya mo ang kapwa mo. na ikinahihiya mo ang pagiging isang OFW namen! kalahi mo ba si Tsip Tsao? pero alam mo mas nakakahiya ka dahil hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo.

subukan mong maging isang OFW ng malaman at maramdaman mo ang nararamdaman ng bawat isa sa amin. baka kainin mo ang lahat ng sinabi mong yan.

gusto mo nga pala ng tsokolate? anong brand? bibigyan kita pag uwi ko!

nga pala...nangibang bansa ako dahil gusto ko. it's my choice. at dahil sa choice kong ito, naging masaya ako.

Dear Hiraya said...

hhmmm... basahin ko po muna yung post nitong si Mike Avenue.. yung kabuuan.. para makapagsabi rin ako ng opinyon ko tungkol sa isyu na to..

Euroangel said...

nakapa interesting na topic kenjebs.....hindi pala ako ofw sa kasalukuyan kasi wala akong trabaho dito sa abroad eh...sana ofw rin ako para matulungan ko ang iba kung kamag-anak sa pinas..

ang masasabi ko lang..let's all be responsible for our actions pati na rin siguro sa ating pananalita at kaya nating panindigan kung ano man ang sinasabi at ginagawa natin...
para sa akin, dakila pa rin ang lahat ng ofw lalo na yung tumutulong sa kanilang mga pamilya sa pinas...
panghuli, hindi lahat ng tao ay pare-pareho mapa-ofw man o hindi....
mabuhay pa rin ang pinoy kahit saan man tayo!!

Deth said...

Matagal ko nang nakikita dito sa blogosperyo si Mike...
minsan ko ring binisita ang kuta niya at una kong nabasa ay ang entry niyang "Igorot", hindi ko gusto ang mga sinabi niya doon kaya iniwan ko ang kutang iyon at wala na akong balak bumalik pa...

bago ko pa man buksan ang entry mo kuya kenji, may hint na kong hindi maganda to...

tulad nang nasulat ko sa blog ko tungkol sa matandang lalaking ofw na nakasabay ko minsan sa tren...kung masasaksihan niya mismo ang pagsasakripisyo ng mga ofw para sa pamilya nila,marahil hindi ganyan kababaw ang magiging tingin mo sa aming mga ofw Mike

naggraduate ang bestfriend ko ng magna cum laude, nagtrabaho siya bilang isang propesyunal pero magkano ang sweldo, 8T? hindi pa neto yun...bawas pa yun...sa tingin mo ba kayang bumuhay ng pamilya ng 8K? Kaya mo bang magpaaral ng mga anak sa 8K? Kaya mo bang pakainin, bayaran ang renta,tubig kuryente ng 8K? Kaya mo bang bigyan ng DISENTENG buhay ang pamilya mo sa kakarampot na sweldo???

sa tingin mo bakit nila palalampasin ang oportunidad na binibigay ng ibang bansa...oo PERA, pero pera para sa dangal ng pamilya, perang pampagamot sa nakaospital na lola, perang pambayad matrikula, perang pantawid ng gutom ng mga kumakalam na sikmura...

Kosa said...

hindi ko rin alam kung anu ang dapat kong sabihin...

medyo naguguluhan lang ako.

sigru, may kanikanya tayong pananaw at interpretasyon sa bawat bagay na ating nakikita...

yun nga lang minsan nabubuhay tayo sa maling akala...
tulad ng iba, akala nila madali lang... o di kaya sobrang Hirap... pero sa kabilang banda ok at kayang kaya naman pala....

basta naguguluhan ako..
kailangan ko ng tulog

poging (ilo)CANO said...
This comment has been removed by the author.
The Pope said...

Nakakalungkot isipin na mayruon pa ring Pilipino na sumusunod sa yapak ni Malou Fernandez na minsan ay naging Anti-Blogger.

May mga taong bulag sa tunay na katotohanan kung bakit tayong mga OFW ay naririto sa ibang bansa, hindi lamang dahilsa pera kundi dahil sa kawalan ng oportunidad upang matupad ang ating mga pangarap.

Nagsisisi ako at nakilala ko si Mike Avenue at ang kanyang Pinoy Blog, dahil ngaun napatunayan kong hindi sya karapat dapat tawaging Pilipino.

poging (ilo)CANO said...

lets pray nalang for him para maliwanagan ang kanyang tsokolateng utak!...tsokolateng expired..

Anonymous said...

Personalan na ba ito?

Teka lang mga kapwa blogero.. baka gusto nyo munang huminga. Hinga!

First of, di PA ako OFW.. Hindi pa dahil nagbabalak pa lang akong umalis..Gusto kong makisimpatya sa mga kapwa OFWs, pero..

Pangalawa... sa tingin ko ay may kanya kanya tayong opinion. LAhat ng tao meron nito. Di lang talaga kayo nagkatugma ng pananaw s buhay lalo na sa ganyang prinsipyo.

Wag lang po nating daanin sa init ng ulo dahil ramdam ko ang tension dito.. At malamang sa malamang, baka lumaki pa ang issue.

I dont personally know Mike, only as a blogger, but then.. may katotohanan pa rin ang mga sinulat nya sa paraang hindi natin nagustuhan.. hindi magandang basahin o pkinggan.. Sa umpisa pa lang sa ganoong paraan na sya nagsusulat.. Blog nya yun, at isusulat nya ang lahat ng opinion nya. Walang masama doon.

At the very least.. may natututunan naman tayo.. Consider things.. Consider people.. Consider your fellowmen.

Ken said...

Blog at Opinion niya yun, pero one sided. Blog at Opinion ko rin ito, trying to explain things in my Point of View as well as his "opinion".
Walang personalan dito Dylan, as a Blogger and OFW I have the RIGHT to Reply.

PaJAY said...

Ramdam ko ang PAgkasuya ng karamihan sa pitak ni pareng Mike...matindi ang naging epekto sa blogosperyo...isang pangyayaring naglagay ng Guhit sa gitna ni pareng Mike at ng mga blogerong OFW.....

nais ko mang dagdagan ang delubyo,minarapat kong tumahimik na lang at bahala na ang kinauukulan sa mga susunod nilang hakbang .

Sabi nga ng defunct tropical depression ....."KAPAYAPAAN".....lolz...

Unknown said...

MAY TAMANG PARAAN NG RIGHTS TO OWN OPINION AND FREEDOM OF EXPRESSIONS.

The argument between rights to expressions and violations of morality has been settled long time ago...

...when one ceases to be a matter of right and when it has becoming offensive and oppressive

a thin line has been drawn between nudity and art, between opinion and libel, between frankness and insult..

the litmus paper to test this case is the reaction and general opinion of the general public which is the intended audience of the piece of work.

Most of the time, a stupid writer draws his shield from freedom of expression and right to opinion after he got negative reactions, BUT we are NOT stupid readers and we got Mike's message loud and clear.
We got his intension and purposes prior to its publication which is to draw public outcry and have eventual popularity...

Indeed, this is a shortcut to popularity.. and no body can stop it no more.. he is popular.

Mike wrote his article and published it for the general readers to read.

How do you think our children will interpret the thought of his article?

NOW if he is asking that his opinion to be respected, he must respect also OUR REACTIONS..that's the way it is.

FAIR ENOUGH?

BIZJOKER

Mrs. Thoughtskoto said...

Sana lang nga walang "unemployment" sa Pinas. Ang problema ang taas ng unemployment rate. I have lots of friends na graduate and board passer as nurses, pero walang makuhang trabaho sa mga ospital. Kung fresh grad kailangan daw kumuha ng experience for 6 months as volunteer worker(meaning no salary), after that sasahod ng 4t or 7t gross amount po yan, kung maswerte ka na magkatrabaho. Kung mamatay sa gutom ang pamilya mo, ewan ko lang kung masasabi mong uunlad ang Pilipinas dahil sa pagtyatyaga mo sa ganyang sitwasyon ng trabaho.
Kung uunlad man ang Pilipinas siguro dapat mag umpisa sa pag-unlad ng pamilya muna.

I don't think na madali sa isang OFW ang iwan ang kanilang pamilya, lalo na mga anak nila. Siguro hindi ka pa nga nakakita ng isang OFW na umiiyak sa kapwa pinoy dahil sobrang miss na nila ang pamilya nila at sobrang homesick halos mabaliw pero tinitiis alang alang may maipadala na pera pambili ng gamot, pagkain, or pang-tuition ng mga ka-pamilya nila na nasa Pinas. Or kung hindi man, try mo tumambay sa NAIA, baka makakita ka ng pamilya na nag-iiyakan dahil papaalis para magtrabaho ang nanay o tatay nila. Tama ka, MALAKING SAKRIPISYO ng isang OFW ang iwan ang pamilya nila, isipin din natin ang malaking dahilan ng sakripisyo nila at sino ang makikinabang sa huli. DIba ang pamilya at bansa din nila. Ikaw, hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pamilya at bansa mo?
Baka isang araw magising kayo isang OFW na rin pala kayo, may kilala akong ganyan. Hindi naman sya against sa mga OFW like you, pero sabi nya hindi sya mangingibang bansa ever. Nang nagkasakit ang anak nya na babae, wala syang maisip na ibang gawin kundi magtrabaho sa ibang bansa para mabayaran ang pang- chemo at bone marrow transplant ng anak nya.
HIndi nyo masasabi pero pano kung kayo ang nasa ganung sitwasyon.

Mukhang napaka- PATRIOTIC na tao kayo Mr. Mike Avenue, ngayong naninirahan kayo sa Pilipinas meron na ba kayong nagawa para sa ika-uunlad ng bansa nyo? Sana hindi kayo isa sa mga tinatawag na SPECTATOR na magaling sa salita, anong sakripisyo ang naiambag nyo sa bansa nyo ngayon na nandyan kayo? Sana may "nagawa" kayo, hindi yung "nasabi" lang.

Anonymous said...

WoW! napraning ako sa nabasa ko...typeless ako sa ngayon...pero babalik ako at ipapahayag ang aking nasa isipan kapag handa na ako...

salamat...
CrazyPinay

Anonymous said...

Yes, I completely understand that..:)

In my opinion as a blogger you did not just reply to the post, you overly reacted to it, just like everyone else. Responding and reacting are two different words.. I have nothing against any one's side.. Just how people say or point their views. Although magkaiba nga kayo ng opinion at pananaw, may mas maganda, mas malinaw at mas payapa namang paraan..

It's true that he should consider other people especially the ones working abroad, he's tactless and sarcastic in a way he say it. That's he's system or way in writing. PERO, kung ganun din ang paraan ng sumagot, sa tingin ko, it doesn't make any difference..

We're all a blogger here, one should also consider na may mga mababasa syang hindi kaaya aya sa mata at isip para basahin..

Panu ba magkakaroon ng WORLD PEACE kug s gnito pa lang eh nalalabuan na tayo sa simpleng pananaw.

And this one right here, is merely my opinion..

HAve a good day! CHeers! :D

2ngaw said...

Ano kaya magiging reaction nyo kung kayo ang nasa kalagayan ng mga OFW at nabasa nyo ang artikulo ni mike?

@Dylan...
Wala ngang mangyayaring World Peace kung mismong kapwa natin Filipino ang mang iinsulto sa atin...Sabi nga ni Mike "Kung walang apoy, walang usok"

BlogusVox said...

"In my opinion as a blogger you did not just reply to the post, you overly reacted to it, just like everyone else."

@Dylan, I don't think I overly reacted on my comment.

Just like Mike, nilalahat mo rin, hija.

Anonymous said...

@CM
- Ang sa akin lang, sana hindi mawala yung respeto natin sa kapwa.. NAkikita kasi yan kung anu tayo as a whole person.

@BLOGUSVOX
- Ooops, okay. Sorry about that.. "some people" na lang.. :)

2ngaw said...

@Dylan...
...at pabayaan na ang kapakanan namin ang hindi respetuhin? ganun ba?

Anonymous said...

Applicable ba dito yung kasabihang, pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?...

Hanga ako sa'yo CM ang galing mong makipagdebate. NAmiss ko to nung college..I salute you and all OFWs, I know their sufferings..

But with all due respect, wag na po natin masyadong palakihin ang issue. Nasaktan man tayo, we'll move on. Ang totoo nasa inyo ang simpatya ko, anuman ang naisulat ng kapwa natin laban sa atin, nasa sa atin po iyon kung paano natin tatanggapin. :D

2ngaw said...

@Dylan...
Gaya ng sabi ko sa blog ni mike, papaubaya ko na lang sa malalawak ang pag iisip para intindihin kung ano talaga ang gusto nyang palabasin...

Di mo lang talaga maalis sa akin na magalit pero normal to sa mga taong binato ng bato..magagalit ako, mambabato din ako ng bato, para matauhan ung taong nambato sa akin...

Pero asahan mo, bibigyan ko sya ng tinapay kapag sigurado na akong tatanggapin nya to at hindi uli ako babatuhin ng bato...

Tatahimik ako sa ngayon, dahil sa sinabi mo dahil minsan naging kaibigan kita sa blogsphere...pero di ko kontrolado ang ibang OFW na nasaktan na...

Panalangin na lang natin na ung post nya bukas hindi kagaya ng post nya tungkol sa OFW...at hindi madagdagan ang sakit na dinulot nya sa mga OFW...

Life Moto said...

Isang mekaniko ang father ko. BInuhay nya kami at napagaral ng maayos, nabigyan ng sariling bahay ay lupa. I am proud of him bilang isang mekaniko, but not in our country. Dahil sa pag work nya na ibang bansa ay naibigay nya ito lahat sa amin. nakatulong pa sya sa mga kamag-anak at kaibigan namin.
Kung nasa Pinas po sya baka hindi nya maibigay ito.
Same with me bago ako umalis ay nag try ako mag apply. But rejected due to over age or over qualified.
I applied for abroad happy employer ko sa work ko.
Napag-aral ko nag maayos ang kids ko.

Congrats to Mr. Mike at nakuha nya attention natin. Parang celebrity may gimmick para mapansin. He make his point I hope na makita na ang MMillions na contributions ng OFW sa ecomnomy natin. Baka mamaya yan masalubong ang family members nya sa Khobar. :)

Nice reaction Kenj.

PaJAY said...

pag binato ka ng bato,bukol ang aabutin mo! kawawa naman....mahal daw kasi ang tinapay bes Dylan...hahahahaha...


malapit na ang Cocktail drawing....baka magsapakan kayo dun sa drowing ha....magbehave kayo.....hahahahaha


Kitakits mga repapips!....

manilenya said...

Una, hindi tayo ang pumili na bayani ang itawag sa atin.. pangalawa nagumpisa yang "bayano bayani na yan" sa bibig mismo ng gobyerno na umaasa lang ang ekonomiya sa padala ng mga katulong na ito lumalamon "kuno" ng mura mula sa mga amo nila sa ibang bansa.

Pangatlo,
saka ako sasagot pagtapos ng trabaho. late na ko.

balik ako.. hanggang sa muli...

just me said...

Umuusok tenga ko sa Mike na yan ha! Nwei, ayaw ko sana patulan ang kanyang kababawan and his plain ignorance but I just cant.

Sino ba naman gusto umalis ng pinas at mag trabaho sa ibang lahi? Im also a blogger and I know na we are all free to air our personal beliefs and kung ano man gusto naten isigaw sa mundo.. but the things is we should be a responsible blogger and dapat aware tayo sa mga consequences na idu-dulot nito sa mga readers naten, di yung tira na lang ng tira.

Hoy Mike... kung di mo alam mga pinag sasasabi mo eh manahimik ka na lang dyan! Based sa mga rants mo eh I think.. ur just plain ignorant! Open your eyes and look things in a different perspective.. think outside the box.. but I bet di mo rin ma gets ibig sabihin nyan for sure kasi ur plain ignorant.

Unknown said...

Kenji... Ano mag cocomment pa ba ako? Kawawa na sa inyo si Mike Avenue. Wag na lang kaya baka mag epistaxis yan sa akin. Napapa ingles pa naman ako ngayon...

Pigilan mo ako...

Sardonyx said...

Hindi na ako magkokomento pa at tama naman lahat ang sinabi ninyo. Ayoko na lang patulan yang tao na yan kasi baka sumikat pa hehehe at matabunan pa ang pinagpipiyestehang issue about Hayden Kho at Katrina Halili hehehe. Pero great post Mr. Kenji, hindi ko kilala ang taong ito pero ayoko nang kilalanin pa....baka KSP lang hehehe.

DRAKE said...

sana po makatulong itong sanaysay na ginawa ko dati:

http://utaknidrake.blogspot.com/2008/11/may-pag-asa-pa-naman-ang-pilipinas-di.html

marj said...

magandang araw po. hindi po ako ofw. gusto ko lang mag comment sa isyu dito.
siguro yun lang ang pananaw ni mr. mike kaya nakapag sulat sya ng ganun sa blog nya. sana sa mga kababayan nating ofw, kung maayos naman ang inyong buhay dyan sa ibang bansa at ganun din sa mga mahal ninyo sa buhay dito sa pinas, sana wag na lang kayo magpaapekto sa blog ni mr. mike. dapat nga mabasa ito ng mga lider ng bayan natin. anu na ba ang estado ng buhay sa pilipinas? marami pa rin namang mga pinoy ang ayaw mangibang bayan dahil naniniwala pa rin na may pag asa pa sa pinas. yun nga lang yung mga kurakot na mga lider natin walang ginagawa. ang laki nga ng naitutulong ninyong ofw sa ekonomiya ng pinas pero anu ba ang naitulong sa inyo ng gobyerno natin?
hindi naman natin kilala ng personal si mr. mike kaya sa tingin ko hindi sya nag-eexists kaya wag na lang patusin. mas inilalarawan ng blog nya ang present situation ng bansa natin.

BURAOT said...

bagong bayani. tingin ko, pauso lang yan ng mga pulitiko. bawat OFW kasi hindi lang isa ang bilang, kundi kasama ang buong pamilya. secondary na lang yung naitutulong ng dollar remittances na nakakatulong sa ekonomiya ng Pinas.

kung ikaw ay hindi OFW at naiinggit ka dahil sa tawag na bayani sa amin, iyong iyo na. we don't want to be called bayani. we never asked for it.

what we're asking are better opportunities sa bayan para hindi na namin kailangang umalis.

nang sa gayon din ay hindi naman kami matawag na traydor sa bayan.

Francesca said...

im Ă bout to go to sleep, it is neĂ rly 3Ă m but this topic Ă nd the comments mĂ de me hĂ ng on.

EĂ ch of us must understĂ nd eĂ ch blogger's feelings when they wrote their blog.

WhĂ t is the motivĂ tion?
WhĂ t does he wĂ nt to prove?

If it is to vent, he does whĂ t he wĂ nts.

If he stĂ rt to insult people, he will get the consequences.

I would suggest, we cĂ n be vigilĂ nt to defend whĂ t is right Ă nd hĂ te whĂ t is wrong.
In peĂ ceĂ ble mĂ nner.

I PROMISE to get bĂ ck to this topic Ă nd mĂ ke my own views on the mĂ tter.
w8 nyo lĂ ng po.

Kens, you Ă re the best!
hello to the fĂ mily.

Hoobert the Awesome said...

OFWs we are so proud of you!

now that we are experiencing the so called 'global financial crisis' kayo ang nagsasalba sa ekonomiya ng bansa. si pang. gloria na isang ekonomista ay tiyak na sasang-ayon sakin.

Malejandria said...

Mike Avenue (feeling magaling, pero di naisip ang second name niya, di ba foreign sounding name din, anong problema nya?) is a classic example ng utak talangka, na kapag umaangat kapwa nya, pilit nyang sisipitin pababa. Very sad di ba?

Angelika said...

Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)