Ito ay totoong story ng mga kilala ko at matatalik kong kaibigan. Ito ay blog post para ipaalam sa mundo na may mag taong “may damdamin, marunong masaktan, tulad mo rin puso’y nasusugatan…”
Teka kanta yata yan ah? Anyway, ano ang maipapayo niyo sa sitwasyong ito. Rest assured na ang mga taong involve ay nakatago sa mga pangalang X, Y at Z at seguradong magbabasa ng inyong mga comments.
Si Y1 at si Y2 blog friends.
Si Z1 at si Z2 chat friends
Okay, ito ang equation.
Si X1 crush niya si Y1
si X2 may lihim na pagtingin kay Y1.
Si Y1 nireto si Y2 kay X2,
while si Y2 natutunan ng mahalin si X2.
Si X2 ayaw niya kay Y2 kasi nga love niya si Y1.
Si X1 ayaw masira ang pagkakaibigan nila ni X2 kaya kakalimutan daw si Y1.
Si X2 ayaw masira ang pagkakaibigan nila ni X1 kaya kakalimutan daw si Y1.
Si Y2 magpaparaya na lang daw, at hayaan na lang magmahal ng tunay.
Naghahanap pala ng girlfriend si Y2…(plug-in) hehehe
Si Y1? Hmmmn, ayun busy at mukhang walang kaalam-alam.
Si X1 at si X2 nagcoconfide kay Z1 at Z2.
Ang payo ni Z1 – forget Y1 and do your work.
Ang tanong ni Z2 – manhid kaya si Y1 at parang walang pakiramdam?
Ano ang maipapayo niyo
Kay X1?
Kay X2?
Kay Y1?
Kay Y2?
©2009 THOUGHTSKOTO
25 comments:
be it known to all that the heart is treacherous and desperate ,no one can know it,
i suggest let time goes by
see how things develop,
mahirap na magkamali ng lakad sa huli pagsisisi
pero sana ako na lang si X1 ahihihihi.
pero mqhirqp mqg qdvice lqlo nq di ko silq kilqlq:
ganito na lang, usap usap sila,like mature men be truthful to one another and take the agreement like good old gentlemen,
kung tunay na friends sila they will understand each other noh?
kung away na sila bec of a girl what friends do they have?
sorry, sa "pero mqhirqp mqg qdvice lqlo nq di ko silq kilqlq:"
minsan sira ulo pc ko, french keybord haha
hay naku nawindang ako sa love equations mo, sana yun drawing mo na circles eh yun na sina x1,y1,z1,x2,y2 at z2 hehehe
ang hirap naman magpayo, bakit pogi ba o maganda si y1?? teka dapat sinabi mo yun gender ng mga variables mo; kasi siyempre iba ang payo pag male o female sina x1 at x2. Ok eto na lang,
Assuming sina x1 at x2 ay girls
payo kina x1 at x2- sabihin nila ang feelings nila mismo kay y1, at least di magkakasamaan ng loob, may the best man/woman wins
x2- try nya si y2, tutal totoo syang friend at magpaparaya pa siya kay x1
y1- baka may lihim na pagtingin kay x1 kasi bakit niya nireto si y2 kay x2?? bakit di niya nireto si y2 kay x1? kung may pagtingin man siya o wala dapat sabihin niya ang feelings niya, kaso bakit nya sasabihin kung wala namang nagtatanong? di ba?
y2- ligawan na niya si x2 para mabaling ang pagtingin nito kay y1
z1 at z2- hula ko si mr and mrs thoughskoto ang dalawang variables na ito hehehe
tatlong tuldok- I therefore conclude na kelangan malaman nina z1 at z2 ang value ng k which is the constant, constant= love ni y1 para maresolve ninyo ang problema at mapayuhan ng tama sina x1 at x2; kung alam nila ang feeling ni y1 mas madaling payuhan sina x1 at x2
hay naku nalito ako dito, pasensiya na kung palpak ang payo ko
ang gulo ah... sila na lang kaya lahat ang magmahalan... pwede ata yon e... hehehe!
Dito ako mahina eh :D
Pero sige pasadahan natin, hindi nga lang payo para sa bawat isa sa kanila, kundi payo sa lahat..
Pag nagmahal ka sabi nila, wag mo pakealaman ung mga nakapaligid sayo...kung ano ung nararamdaman mo ilabas mo...kung masaya ka sa gagawin mo gawin mo...pero sana mag isip rin tayo, hindi basta nagmahal ka eh wala ka nang iisiping iba na nakapaligid sa inyo na alam mong mas maapektuhan sa kung ano man ang magiging desisyon mo...
Si X1 and X2 ay girls.
Si y1 and Y2 ay guys.
Si Z1 ay girl, si Z2 ay guy
Sorry... Edited ko na sa taas
Salamat sa mga payo.
awwwww... parang sounds freakin' family to ah! (toinkz!)
teka... sino si Z1 at Z2... alin ka dun... para alam ko na agad kung sino ang isa pang Z variable...
May point si Sardonyx na posibleng walang gusto si Y1 kay X2 dahil nireto nya ito kay Y2. pero pwede din namang sinusubukan nya lang ito para magka-alamanan na ng totoong feelings.
Posible din naman na wala ding gusto si Y1 kay X1. dahil wala ka namang nabanggit na may "something-something" na nangyayari. kung pareho ang level ng attention na binibigay ni Y1 kay X1 at X2... i don't think may gusto sya sa kahit isa sa knila.
PERO... may alam ba si Y1 sa nangyayaring kaguluhan? o nagbubulag-bulagan? o dakilang MANHID lang talaga si Y1? imposible naman na hindi nya narramdaman na may feelings ang 2 sa kanya... or baka INEENJOY nya masyado ang pagiging gwapito nya! (ang haba ng hair nya in fairness!!!)
to X1 & X2 - hindi nyo kakayanin sigurado ang DISTANCE... dahil alam kong malayo kayo pareho kay Y1... kaya gumising na kayo at itigil ang kahibangang yan! tama na sus! madaming personal na problema ang dapat harapin. isantabi muna ang usaping puso! hindi napapanahon!
(bow!)
Wow, ang gulo nito. I read it a hundred times (OA!) at tumatambling pa rin ang mga variables sa utak ko.
Anyway, I think (and I'm sure the PT Girls will agree) that one thing vital is missing in this equation... ang gusto ni Y1. Sino ba ang gusto ni Y1? Because if Y1 chooses, then all steps and decisions will stem from there.
For all the persons involved in this merry-go-round, always CHOOSE TO BE HAPPY.
Para kay Y2... naghahanap ka ng girlfriend? Contact us. Hehe, just kidding.
Sundrenched of the Pink Tarha Girls
watta equation!...ayaw ko sanang magcomment pero...hmmmm....parang sound system kasi eh!
payo kay
X1: sabihin na niya ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Y1 para hindi na mag-isip pa si X2 na ipagpatuloy ang kanyang lihim na pagtingin kay Y1 alang-alang sa friendship nila.
X2: kalimutan niya na lang si Y1 dahil andun naman na si X1. kung mas bata siya kay X1, magbigay galang nalang siya sa mas nakakatanda sa kanya..hahaha.. pag-ukulan na lang niya ng pansin si Y2
Y1: wag siyang manhid...dapat marunong din siyang makiramdam sa mga nangyayari sa paligid niya.
Y2: darating din yung girlfirend na hinahanap niya....lolz...
ang hirap naman nito....toinkz...
SIGURO PARA KAY X1..THERE ARE THINGS BETTER LEFT UNSAID AND UNDONE.. BAKA MAS NAISIP NYA NA IT WILL JUST CREATE MORE TROUBLE IF I-CONTINUE AT IPAALAM SA KINAUUKULAN ANG NARARAMDAMAN NYA.
bsta ang masasabi ko lng..
x1+y1 (cannot be)
x2+y2 (cannot be)
x1+y2 (lalung cannot be)
x1+x2 (lalung cannot be ulet)
ang reason?
magkakaiba sila ng variables na nirerepresent..kelangan may isa sa kanilang matranspose para maging possible yung pagtatpos ng equation...eheeheh
Para kay X1 at X2, there's nothing wrong loving Y1, ang problema di nanan sila napapansin ni Y1. So for both X1 and X2, there is no love lost at all, but frienship should never be an excuse for letting go the loving feeling.
Kay Y1, hindi ko alam kung bakit tila manhid nga sya to both X1 at X2 na parehong may pagtingin sa kanya, talaga bang wala syang type sa dalawa o si Y2 ang type nya (hahahaha, intriga pa)
And to Y2, I feel sorry for him, kasi from the equation talagang di sya type ni X2. Just keep a friendly and open relationship with X2, just like a song, love moves in a mysterious way.
Bakit dini-discourage ni Z1 sina X1 at X2 to love Y1? I strongly suspect that there is something wrong with Y1's personality, which is also visible sa Z2's line of question kung bakit manhid si Y1 - kaduda-duda nga... I will stop guessing on his personality kasi mas kilala ni Z1 ang tunay na pagkatao ni Y1 to come up with that advise to forget Y1.
Hirap ma-inlove ano, kung sino pa ang mahal na manal mo sya pang nawawala sa iyo... hahahahaha
maraming salamat sa mga comments. I was informed that X1 and X2, Y2 and Z1 and Z2 read all your valuable comments. Actually ang title sana ng post na ito, LOVE SUICIDE, alam mo yun, yung you will stop or forget or kill the feeling without telling the other end. Kasi yan ang ginawa ni X1, ni X2, ni Y2, they all commit love suicide. Pero ayaw ko ng drastic na title, kasi period yun. Who knows it might also be LOVE REBOUND.
Pero tatlo sila nagsasabi, it is the best choice from the options given...let love fade away, and let the friendship remain. its easier to find a bf or gf, its hard to find a best friend.
Y1? Are you there? hello?
Ay totoo pala ang equation na ito? Sino si Y1?! Mukha yatang super sa kgwapuhan to para magka-crush sa kanya ang dalawang babae.
Payo dun kay X1 and X2? Widen your horizon girls!!! Marami pang letters sa alphabet!
Tsaka hellow, manhid si Y1 no? May iba syang mahal kaya laos ang X-girls! Hanap na lang kayo ng iba. O kaya, focus your attention kay Y2. Hehehe.
reply to Jenskee:
x1+y1 = (xy)
x2+y2 = (xy)2
x1+y2 = ?
x1+x2 = (x)2
mukhang nakaligtaan mo si X2 + Y1?
x2+y1=(x2y)
Mukhang mas lalong lumabo...
Hayz...
hayzzz... ang hirap naman intindihin nito! mahina ako sa variables weeee!!! lolz
para kay X1 at X2. matagal na kayong friends at kilala niyo na ang isa't isa. ngayon, wag nyong hayaan na masira ang pagkakaibigan niyo ng dahil lang jan kay Y1. mag usap kayo. gumising kayong dalawa sa pagkakatulog niyo. kung nararamdaman niyong ala lang kayo kay Y1 wag ng i-entertain ang sarili sa kanya. wag niyong patuloy na paasahin ang sarili. dahil kayo lang ang masasaktan sa huli. at walang gamot sa katangahan. pero kung sa katanghan na yan nagiging masaya kayo, wala na akong magagawa jan. beside, its your choice naman. malaya tayong gawin ang gusto naten...pero sana maging aware din kayo sa mga mangyayari.
para naman kay Y1 -- kung ikaw gawain mo ang magpaasa ng babae aba itigil mo yan! dahil ang karma anjan lang sa tabi tabi. kung hindi mo sila gusto pareho sabihin mo. hindi yung nagpapaasa ka ng babae. dahil ndi mo alam ang kanilang nararamdaman. minsan iniisip ko na pinapasakay no lang talaga silang dalawa sa mundo mo. pinagtitripan. at feeling mo naman ata kase ikaw na lang ang natitirang pinaka waffung nilalang sa mundong ito. haba ng hair mo ah! gupitan ko kaya?!
para naman kay Y2 -- kung ikaw ay inlab na kay X2 magtapat ka na. kung ayaw sayo hayaan mo lang. atleast kahit papano nasabi mo ang nararamdaman mo para sa kanya. wala kang pagsisisihan na kahit nasaktan ka, nasabi mo pa din sa kanya na mahal mo siya. sabi nga ni BO, "pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
alam niyo guys, its ur choice 2 be happy. walang sino man ang pdeng dumikta sa sarili nyong buhay. andito lang ang mga taong nakapaligid sainyo para magbigay ng payo. pero it doesnt mean na susundin niyo ito. nasa sainyo pa din ang control. pero kung kayo ay patuloy na nasasaktan sa kahibangan na yan, itigil niyo. mahirap sumugal kapag alam niyong sa huli matatalo kayo. cguro, isang aral na lang ang nangyari o nangyayari para kay X1 at X2. saved ur friendship. mahirap mawalan ng totoong kaibigan kesa sa mawalan ng bf!
yun lang po...nakigulo lang ako...haba e noh?! sori kung may nasabi ako masakit sainyo d2..pero atleast magigising kayo. hahaha!
in a sense, may sensa talaga ang payo ng bawat isa, mahirap din kaya magpayo ng di mo kilala, pero i presume, hindi payo ang sinabi or comments na lahat, ito'y opinion lamang.
I have had experiences na masaktan sa love, ang to tell you frankly and honestly, nakilala ko si X1 and X2 at sa maikling panahon that we have known each other, at sa pagchachat at paghihingi ng advices, hindi kahit nino man maikukubli ang love and care nila kay Y1.
Sana man lang malaman ni Y1. kung ayaw mo sa kanilang dalawa, i guess its a consolation to know you are loved and cared more than you ever know.
Ang pinakapurpose ko talaga bakit nagblog ako nito is sana man lang mabasa ni Y1. Hindi ko alam kong nagawi na sia sa blog ko, pero sana, bago ka tabunan ng mga libo libong Pacquaio fans, at ng milyon-milyong hiyawan, marinig mo na, oi... its you and only you that can break the tie. no, nothing to break actually, its your right to keep quiet and to keep silent, pakialam ba namin sa feeling mo. pero may pakialam ka ba sa feeling ng mga kaibigan ko, and ng mga kaibigan mo na rin?
teka, mukhang nagdradrama nako...hahaha
its probably y1's choice to keep silent about it... maybe he is not that manhid naman and he knows everything thats been happenin around him pero he refuses to recognize maybe because he knows it wil create havoc sa lahat ng variables involve... sabi ko nga dun sa unang comment ko sometimes things are better left unsaid and done.. mas may nasosolve kapag pinili mong manahimik... tama rin si kuya nebz.. marami pang letters sa aphabet... marami pang isda sa karagatan ahahahahah..
-just my thoughts...
ang gulo gulo ng kwento...
indi ko maintindihan...
pero sa tingin ko lang,
kailangan sigurong pangalanan yung mga tauhan... hehehe masmasaya siguro yun..
sa mga naba-blind item na sila x1x2y1y2z1 at z2, i-ym nyo ako at papayuhan ko kayo..lols
no comment at all!!!
no comment talaga!!!
wala talaga akong comment!
"ang manhid na tao, apoy at yelo lng ang katapat. Kapag nag-aalab na yan, makakaramdam din sya ng init! kapag dnikitan mo ng yelo, makakaramdam din yan ng lamig!"
.....pero parang hopeless case!
taragis!!! no comment!
teka..madaming naguluhan sa equation kuya kenji..dadagdagan ko lang yung unang equation ko:
ang hindi alam ng iba..may nakatago pang dalawang variables...
at dahil may nagsabi din na madaming letters sa alphabet, ddampot ako ng iba pa..
lingid sa kaalaman ng nakararami--may nakatagong isang variable sa gilid: ang c2..
sino si c2?
rephrase...anong epal dito ni c2?
si c2 eh isang uri ng inumin na iinumin ng mga main characters...
chill guys chill...
yung isang variable sa isang araw na lng..nyahaha
@jentot,
pede yang variable mong c2..nakakatanggal wawaw sa manhid na puso...toinkz..
mas maganda pa yan kaysa sa H2O....
eh kung ako na kaya ang maglabas nung isa pang nawawalang variable sa equation? para sa wakas eh matapos na rin at masolve ang love equation na ito? ahahahaha..
bukod kase sa c2 eh may isa pang missing variable dito... pero nagbago ang isip ko...
hahayaan ko na alng na si jenTot ang magreveal nung isa apng missing variable sa isang taon este isang araw... hehehehe
ang astig ng equation mo :)) haha, natawa lang ako. nagparaya na silang lahat. sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, set them free :) at kapag bumalik, ibig sabihin s'ya na yun :) wait and see :)
Post a Comment