Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for overseas Filipino workers, Philhealth and insurances, OWWA, PAG-IBIG, bank and cash loans, foreclosed properties, small house designs, local and overseas job listings.
EXCHANGE RATE HERE, CHOOSE CURRENCY
Advertisement

Friday, May 30, 2014

What will you buy, House and Lot or Condo?



Naalala ko lang habang naglalakad sa loob ng mall at kinukulit ng isang realty agent na kumuha ng isang unit ng condo. Nagkaroon ako ng pagkakataong masabi ang aking mga katanungan. Ito ang naging tema ng aming usapan.

Me: Ah bakit ko ba kailangang kumuha ng condo sir?

Agent: Sir mura lang po ang downpayment, convenient po para sa inyo at may mga security po tayo, amenities na maganda at state of the art.

Me. Ako po simple lang naman mga tanong ko po sir.
kung kukuha ako ng unit, at nasa 10th floor ako, paano po kung lumindol?

Agent: Sir, may quality po ang ating mga building na hindi basta-basta natitinag sa lindol. 

Me: Eh halimbawa nga po sir lumindol at nasira ang building o condo, anong mangyayari?

Agent: Sir may option po kayo ng insurance para sa inyong unit.

Me: Okay halimbawa 10th floor ako, at nasira ang building ng condo, pero may insurance ako, paano ko maipapatayo ang aking unit sa 10th floor kung hindi pa nagpapatayo ang may unit sa 1st floor or 2nd floor?

Agent: Ah hindi ko na po alam sir eh.







Makati Area

Mas mura nga ba ang Condominium kumpara sa House and Lot?

Mas mura nga ba talaga ang Condo kumpara sa House and Lot? Yan ang tanong ng karamihan. May mga unit ng condo na nasa Metro Manila area na mahigit sa isang milyon lamang ngunit wala ka ng makukuhang maayos na bahay at lupa sa Metro Manila prime area na hindi bababa sa 2 milyon. Pero sa may mga kailangang bayaran sa condo monthly maliban sa tubig at kuryente plus parking fee kung may sasakyan ka pa. Ang condominium naluluma habang tumatagal at nagdedepreciate ang value. Sikat ka ngayon pero laspag ka na bukas. Pero ang house and lot, posibleng magdepreciate ang iyong bahay pero tumataas ang value ng iyong lupa lalo na kung nasa highways o malapit sa mga prime o matataong lokasyon.

Alin ang mas magandang lokasyon?

Sa Metro Manila o malalaking cities, mahal ang lupa kaya napaconvenient ang condominium. Mas magandang lokasyon both condo unit at house and lot ang mga lugar na malalapit sa malls, schools at market or business district. Magandang pwesto din ang mga malalapit sa highways, terminals at stations ng mga MRT/LRT o public transport.

Mas gusto namin ang mamuhay sa medyo malayong lugar kaysa sa Metro. Iwas polusyon. Iwas traffic. Iwas gastos. Pangarap namin ng simpleng pamumuhay sa medyo probinsiyang lugar pero di naman ganun ka kalayuan sa malalaking bayan. Pangarap namin na magkaroon ng garden, at makakalanghap ng sariwang hangin. 



Halimbawa ng Condominium 

Seguridad o may sariwang hangin?

May mga taong mas gusto ang nakakulong, kain, tulog, trabaho, exercise at magtambay sa bahay. May mga batang professionals at maliliit na pamilya na mas gusto ang buhay sa condo kaysa sa mga townhouse o villages maliban sa malapit sa trabaho, mas convenient. Kapag gusto mong seguradong may safety ka sa maganakaw, manghoholdap at maging sa masasamang elemento, condo ang nababagay sayo. May gwardiya, may cctv camera, at may maayos na sistema at maintenance people 24/7

Mas gusto ko ang makakalanghap ng sariwang hangin. Magagawa mo lamang ito kung ikaw ay pwedeng magtanim ng mga halaman at punong kahoy. May pwesto para maggarden kung sakali sa house and lot o subdivision.

Iwas baha o Iwas lindol?

May mga lugar na binabaha, lalo na kung panahon ng bagyo at tag ulan. Ang house and lot, maaring maapektuhan sa panahon ng mga bagyo at matinding pagbaha. Safe na safe ang condo sa pagbaha. 

May mga lugar na minsan tinatamaan ng lindol. Wag naman sana, pero minsan hindi natin alam ang mga tawag ng kalikasan. Nagkakaroon ng lindol na maaring mawala na parang bula ang ating ipinundar sa condominium. 

*****************************

Ito po lamang ang aking mga naiisip. Nasa bawat isa pa rin po ang desisyon. Gaya ng mga nasabi ko na na mga factors, location, halaga, at kakayahan, seguridad at convenience kayo na po ang bahalang magdesisyon. Ako po ay mas prefer na bumili ng lot, o house and lot, kaysa sa condo unit.

©2014 THOUGHTSKOTO

Friday, May 02, 2014

Some Positive News About MERS Corona Virus

Coronovirus
Corona Virus from Shutterstock

POSITIVE NEWS No. 1

* 21 Katao na dati rati ay naging positibo sa MERS Corona Virus sa UAE ayon sa Health Authority of Abu Dhabi o HAAD ang dinala sa ospital at nilagay sa isang lugar kung saan binibigyan sila ng karampatang pahinga, maayos na tulog, pinapakain ng prutas na mayayaman sa bitamina C, at ibang minerals, at binigyan ng kaukulang pansin sa tamang hygience at pagiging malinis at sinikap na mapalakas ang immune system AY NGAYON AY NEGATIBO O MAGALING NA at MAKAKALABAS NA SA HOSPITAL NA WALA ng MERS CORONA VIRUS!

POSITIVE NEWS No. 2

Bumaba na ang bilang ng mga naapektuhan at pagkalat ng MERS Corona Virus sa Saudi Arabia. Ayon sa ipinalabas na araw araw na report ng MOH o Ministry of Health ng Saudi Arabia. 

Mula April 26 hanggang May 1, makikitang bumaba ang bilang ng mga naapektuhan at maging ng mga namatay.

Date
Cases
Male
Female
Hospital
Home
Death
April 26
14




5
April 27
16




8
April 28
6
3
3
4
2
3
April 29
16
10
6
14
2
2
April 30
10
5
5
8
2
0
May 1
7
2
5
7
0
0


POSITIVE NEWS No. 3

A Vaccine against MERS soon?

Ayon sa mga team ng scientists, researchers, at pharmaceutical company na Novavax, posibleng magagawa na nila ang vaccine na lalaban sa MERS at iba pang Corona Virus. Maaring ito na ang kasagutan sa nakakabahalang sakit na ito.

"A team from the University of Maryland and biopharmaceutical company Novavax says its vaccine candidate has successfully induced neutralising antibodies that effectively block the virus from infecting cells in mice."




©2014 THOUGHTSKOTO